ALTHEA'S POINT OF VIEW
Tatlong araw na akong wala sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako patungo noong una. Basta ang alam ko lang, gusto kong lumayo. Gusto kong huminga.
Kasama ko si Mico, kaibigan ko sa banda. Hindi siya masamang impluwensiya gaya ng akala nina Mama at Papa. Tahimik lang siya. Nakikinig. Wala siyang masyadong sinasabi, pero sapat na sa akin ‘yong presensya niya. Binigyan niya ako ng space. Pinayagan niya akong mag-isip.
Pumunta kami sa Baguio. Malamig. Matahimik. Doon ko naramdaman ang tahimik na kalayaan. Sa isang transient house, kami tumuloy. Nakahanap kami ng murang kwarto. May maliit na mesa, may bentilador, may sariling banyo. Wala kaming maraming gamit, pero sapat na iyon. May mga canned goods at cup noodles. Mico brought his guitar. Ako, may dalang notebook at pen. Para bang gusto kong isulat lahat ng nararamdaman ko—pero wala akong masimulan.
Tatlong araw akong walang tawag, walang chat. Binura ko ang lahat ng social media apps ko para wala akong marini