Hinabol ni Leon si Lia bago pa man may makakita sa kanila na hindi sila magkasabay na pumasok sa loob.
“Wifey…”
"Bakit Mr. Pogi? May kailangan ka?” pang-aasar ni Lia. Hindi niya rin mawari kung bakit madalas siyang naiinis sa kaasbagan ni Leon. Totoo naman ang sinasabi nito pero hindi na naman nito kailangang ipamukha palagi sa kaniya na magandang lalaki ang napangasawa niya. Iniisip pa lamang niya na ganoon din kahangin ang asawa niya sa ibang babae ay nanggagalaiti na siya sa inis. Siguro ay abot-tainga ang ngiti nito kapag may pumupuring babae rito lalo na siguro kung sexy, maganda at mabango ang babaeng naguguwapuhan dito. Napapikit siya nang mabilis para iwaglit sa isip niya ang naiisip niya.
“Oh? Akala ko ba, hindi ako guwapo? Bakit Mr. Pogi ang tawag mo sa akin ngayon?” Inayos ni Leon ang buhok niya.
"Hindi mo ba alam ang salitang sarcasm?"
Nawala ang kurba sa labi ni Leon. “Sarcasm?" Pilyo siyang ngumiti. May naisip na naman siyang paraan para asarin ang misis niya. Inakb