Nang makapasok sina Lia at Leon sa loob ng mansyon ni Donya Rehina ay bumungad agad sa kanila ang ingay na nagmumula sa pool area. Iginiya sila ng kasambahay papunta sa pool area at nakita agad nila ang iilang board members na naroon.
“Mr. Leon. Miss Ria!” bati ng matandang lalaki na unang lumapit sa mag-asawa.
Nakipagkamay sina Lia at Leon sa matandang lalaki hanggang sa sunod-sunod na ang bumati sa kanila. Hindi magkamayaw ang mag-asawa sa pagbati pabalik. Hindi na nila mabilang kung ilang tao na ang nakamayan nila. Ramdam ng lahat roon na sila talaga ang bida sa gabing iyon. Mainit ang pagtanggap ng lahat sa kanila.
Sa isang sulok sa pool area ay nakaupo si Owen sa isang rattan chair. Prente siyang nakasandal habang sumusubo ng ubas. May suot siyang black shades kaya hindi halata kung sino ang tinitingnan niya.
“The main characters of the party are finally here,” naiiling na sambit ni Owen sa kaniyang isipan.
Nakaramdam ng lungkot si Owen dahil wala ang fiance niya sa party. Napa