Agad na tumayo sina Leon at Lia at sinalubong ang dalawa.
“Good evening po, Ate Guada and Kuya Rolly," malambing na bati ni Lia.
“Good evening too, Ria. Magbibihis ka na ba? Gusto mo sabay na tayo? I know where your room is. I will drop you first tapos saka ako pupunta sa room namin ni Rolly,” nakangiting sabi ni Guada.
“Ah. Salamat na lang po, Ate Guada. Sasamahan na po ako ni Leon. Sabay na po kaming magbibihis," magalang na pagtanggi ni Lia.
“I'm afraid Leon can't accompany you. May kailangan kasi silang pag-usapan ng Kuya Rolly niya. It's an important matter and an urgent one too. Hindi ba, honey?" Ipinatong ni Guada ang kaniyang isang kamay sa balikat ni Lia.
Tumango lang si Rolly.
“Let's go, Ria. We need to change na para makaligo na tayo sa pool. Hinihintay na tayo for sure ng mga bisita. Lalo na ikaw. Isa ka sa highlights ng gabing ito," aya ni Guada.
“S-Sige po, ate." Tumalikod si Lia at sumunod kay Guada.
“Wifey,” pigil ni Leon sa asawa. “Where are you going?”
Tipid na ngumi