“Pa, may sasabihin ako sa inyo.”
Huminto sa paglalakad si Perrie at nangungunot ang noong nilingon ang anak na si Bruce na hindi niya namalayang nakasunod pala sa kanya sa study room.
“What is it?” naiinip na tanong niya. Marami siyang babasahing papeles bago matulog. Dahil pagod siya maghapon sa dami ng meetings na pinuntahan ay ramdam na ng katawan niya ang kawalan ng lakas.
Isinuksok ni Bruce ang palad sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon saka nagtanong. May hindi magandang ngiti sa kanyang mukha. “Pa, alam kong mayaman ang pamilya ng ama ni Claire. Kilala rin sila sa business world. Pero hindi ka ba nagtataka na bigla na lang siyang lumapit kay Claire at nagpakilala na siya ang ama nito?”
May ibig sabihin ang mga salita ni Bruce, alam ni Perrie iyon. “Ano’ng ibig mong sabihin? Kung lilikha ka ng gulo ay ‘wag mo nang subukan,” banta niya. Kung ano man ang binabalak nitong panganay niya ay kailangan niyang alamin at baka maputol pa ang maliit na tali na nag-uugnay sa rela