Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 185: Is he really the father?

Share

Chapter 185: Is he really the father?

Author: SQQ27
last update Last Updated: 2025-01-08 16:24:56

Habang masayang naglalambingan sina Claire at Manson ay may isang tao naman na abala sa pagpaplano para patunayan kung totoo nga na mag-ama sina Claire at Mr. Khaleed.

“Boss, may sample na kaming nakuha mula kay Miss Claire at Mr. Khaleed. Hinihintay na lamang ang resulta ng magiging paternity test kung magtutugma nga ba na mag-ama silang dalawa.”

Lumawak ang pagkakangisi ni Bruce nang marinig ang sinabi ng assistant. Hindi niya akalaing mabilis itong kumilos matapos niyang utusang mag-imbestiga tungkol sa tunay na relasyon nina Claire at Mr. Khaleed. Noong una niyang makita na masayang nag-uusap ang mga ito kasama ang kanyang kapatid at ama ay binalot ng pagseselos ang kanyang puso kaya naman ginawa niya ang lahat para sirain ang mga ito. Hindi siya makakapayag na malalamangan na naman siya ni Manson.

Sa ngayon, ang tanging hihintayin niya ay ang paglabas ng resulta ng paternity test na isinagawa ng assistant niya. Isang araw lang ang lumipas ay agad na niya iyong natanggap. Dali-dal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Rose Marie Javier
Ang gulo Ng storya walang katapusan pag hihigante s love story nila Claire ant Manson
goodnovel comment avatar
SQQ27
Updated na po
goodnovel comment avatar
SQQ27
Hehe soon revelation
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 221: Revelations

    Next:Matagumpay ang ginawa nilang pagkuha sa kapatid ni Carla at ang pagmamanman sa asawa at anak nito. Dalawang araw lang ang lumipas ay nagparamdam na ito at tumawag pa kay Claire sa kalagitnaan ng gabi.“Hello?” “Hello, iha! Ikaw ba ito, Nyxie?” Nang marinig ni Claire ang garalgal na pagtawag sa tunay niyang pangalan ay nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo dahil nakikilala niya kung sino ang nasa kabilang linya. “Carla. Mabuti naman at ikaw mismo ang tumawag sa akin. Baka kapag si manson ang makahanap sa ‘yo ay hindi mo na makikita ang kapatid mo.”Dahil sa tawag na ito ni Carla ay nagising rin ang katabi niyang si Manson pero sinenyasan niya itong huwag maingay at inilagay sa loudspeaker ang tawag upang marinig din nito kung ano ang sasabihin ni Carla. Yakap siya ng asawa sa beywang habang pareho nilang pinakinggan ang kuwento ni carla. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa ‘yo, Nyxie. Patawad… pero kailangan ko ngayon ang tulong mo. Kinuha nila sa akin ang anak ko at kung hind

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 220: Looking for truth

    Next:Hindi kayang tanggapin ng puso ni Claire ang natuklasan. Mabilis siyang napatayo at nandidilim ang mukha na naglakad-lakad sa harapan ng mesa ng kanyang lolo. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. “Sino? Sino ang mga walang hiyang gumawa niyon sa isang walang kamuwang-muwang na sanggol?” Naiiling at naluluhang sumagot ang kanyang lolo. “Dahil sa negosyo ni Benjamin ay maraming tao siyang nakakabangga. Baka isa sa mga kalaban niya sa negosyo ang gumawa niyon sa apo ko.”Lalong naikuyom nang mariin ni Claire ang kamao pero hindi niya kayang sabihin dito na ang totoong pinaghihinalaan niyang mastermind ng pag-kidnap ay ang anak at ang pangalawang asawa nito. “Hindi maari ito. Kailangan kong hanapin ang Carla na iyon at ang kapatid niya para malaman ko ang totoo. Kung sino ang taong gustong manakit sa aking ina…” sa wakas ay hindi na kayang itago ni Claire ang tunay na katauhan. Hindi na nagulat si Rigor nang marinig kung ano ang sinabi ni Claire. Panahon na rin para ipaalam sa la

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 219: Truth

    Next:Hindi alam ni Claire na ilang ang pareho niyang lolo, ang tatay ni Benjamin at si Lolo Rigor ay nalaman na ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Na siya ang tunay na anak ni Odette. Palihim ang mga itong kumuna ng DNA samples sa kanya at kay Vincent upang i-test at tingnan kung tama nga ang hinala ng dalawang matanda. Iyon ay matapos maghinala ni Lolo dahil napaka-rare na magkapareho sila ng bone marrow ni Rigor. Isa pa, noong kabataan ni Odette ay kamukha nito si Claire kaya lalong lumakas ang kutob ng dalawa na baka kamag-anak nga ng mga ito si Claire at hindi nagdalawang-isip na magsagawa ng DNA test. At nang makita nga na positibo ang resulta ay labis na tuwa ang naramdaman ng dalawang matanda. Pero ang tuwa na iyon ay may kaakibat na pangamba.“Walang dapat na ibang makakaalam tungkol dito. Pareho nating alam ang dahilan kung bakit nagkalayo ang mag-ina. May taong gustong manakit sa kanila.”Dahil sa natuklasan, sa mga sumunod na araw ay pinatawag si Claire ng dalawang mata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 218: Angry

    “Ang sabi ng doktor ay malaki daw ang improvement ni mama Odette,” masayng balita ni Claire kay Mr. Khaleed makarating ito sa institute na kinalalagyan ng tunay na ina. Nang makabalik siya galing probinsya ay napagpasyahan niyang bisitahin ang ina at nang marinig iyon ni Mr. Khaleed ay gusto nitong magkasama silang pupunta.Kitang-kita ni Claire kung paano alagaan at pahalagahan ng kanyang ama ang kanyang ina kahit pa hindi siya nito laging pinapansin dahil sa karamdaman nito. Nangako pa sa kanya ang kanyang ama na magpapakasal ang mga ito kapag gumaling na ang kanyang ina. Claire couldn't wait for that day to come. “That's really good news, Claire.” Sabay silang pumasok sa ward ng kanyang ina at nang makita ito ay tumahio ang kaba sa puso ni Claire. Tahimik na nakatulala ang kanyang ina habang yakap-yakap ang lumang manika. Tantiya niya ay para sa kanya ang manikang iyon kaya ayaw nitong pakawalan sa pag-aakalang siya ang manika. “Odette… nandito kami ni Onyxie para bisitahin ka.

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 217: Siblings

    Ilang araw ang lumipas nang mabalitaan ni Claire na pinamanahan siya ni Mr. Campbell nang malaking mana na labis niyang ikinabigla. Alam niyang tunay siya nitong apo pero sino ang mag-aakala na halos lahat ng yaman ay ipapamana nito sa kanya!? Ang rason nito ay dahil binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli. Kahit ang kapatid niyang si Vincent ay agree sa lolo nito pero hindi si Claire kaya naman agad siyang sumugod sa ospital upang komprontahin ang matanda. Pero naabutan niya roon si Lucas. “Lucas, nandito ka…” Tinanguan siya ng binata bago nilapitan saka mahigpit na niyakap. Claire patted him on the back. Agad rin namang kumalas si Lucas at baka magselos na naman si Manson kung may magsumbong dito.“I heard what happened. Ayos ka lang ba? Nandito ako para bisitahin si Mr. Campbell bago puntahan ka pero hindi ko akalain na makikita kita rito.” Umatras ito ng dalawang beses saka mataman siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Why do you look so haggard? Bakit ang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 216: Wedding Bells

    Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status