NAGISING si Scarlett ng maramdaman niya na tila nasa ere siya at umaandar.
“Hmm…” pag dilat niya ay agad na sumalubong sa kaniya ang kaniyang ama na ikinalaki niya ng mata. “Daddy?!”
Napatingin si Kenneth kay Scarlett at ngumiti dito ng makita ang nanlalaking mata nito.
“Hello sweetheart, how’s your sleep?”
“Daddy!” Imbes na sagutin ay niyakap lang ni Scarlett ang ama dahil sa pagkamiss.
“I thought you forget about us daddy,” mahinang sabi nito.
“Of course not sweetheart, daddy is preparing for this vacation for us. It’s actually a surprise, ikaw ang unang nagising sa inyong magkakapagid.”
Napahiwalay si Scarlett sa pagkakayakap sa ama dahil sa pagkamaangha sa kaniyang narinig. Napatingin siya sa paligid at nakita niya na nasa isang malawak na field sila at papasok sila sa private jet!
Nakita pa niya ang kuya Khalil niya na buhat ni tito Ghill niya at paakyat na ito sa Jet.
“Where are we going daddy?! Sasakay tayo sa airplane?!”
Natuwa si Kenneth sa reaction ng anak lalo na