“WELCOME back Master Kenneth!” sabay sabay na bati ng mga tauhan na naiwan sa properties nila Kenneth sa Switzerland.
“Nagtatagalog sila daddy?!” Gulat na tanong ni Scarlett sa ama habang hawak ang kamay nito.
Nasa tabi ni Scarlett si Khalil at Samuel habang nasa kanan naman niya si Sarah na katulad ng anak ay hindi rin inaasahan na nagtatagalog ang mga ito.
“Yes anak, lahat ng tauhan namin dito mga Filipino kaya hindi rin sila karamihan,”
“Karamihan ka jan daddy, mas marami kayong tauhan dito.”
Natawa si Kenneth da sinabi ng anak na si Samuel. Sakto naman na lumapit sa kanila ang may katandaan nang babae at malaki ang ngiti nito sa kaniyang labi.
“Nanang Jenna!”
Tawag ni Kenneth dito at agad na niyakap ang matanda na ikinataka ng mga bata. Ngunit si Scarlett ay naalala ang sinabi sa kaniya ng kaniyang tito Ghill.
‘Ikamusta mo ako kay nanang Jenna,’
“Ikaw po si nanang Jenna!” turong sabi ni Scarlett na tila napagtagpi tagpi ang nasa isip niya.
Napahiwalay naman sila sa kanil