Sina kuya Khalil at ate Lira naman kailangan pa ‘daw nila mag ayos ng gamit dahil ibabahay na ni kuya Khalil si ate Lira. Well, dapat lang dahil mag kaka anak na sila. Like sana all nalang talaga ako dito sa gilid. Masaya ako para sa kanila lalo na magiging tita na ako, kaso kelan kaya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ni daddy at ng mga kuya ko?
Minsan nga naisip ko sana lalaki nalang ako para di ako masaktan ng ganito, kainis!
“Bye!”
Kumaway na kaming dalawa ni kuya Samuel sa kanila. Sunod sunod na umaalis ang kanilang mga sasakyan at tinanaw muna namin palayo ang sasakyan nila bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Tahimik na muli ang bahay, walang ibang tao kundi kami ni Kuya habang siya naman bukas aalis ‘din dahil sa trabaho kaya wala ng reason para mag stay ako ng matagal dito.
“You want to spar?”
Napalingon ako kay kuya Samuel ng sabihin niya iyon at agad na napangiti at tumango.
NANDITO kami ngayon sa secret place ng bahay namin kung saan dito namin namomonitor ang unde