Sinara ko nalang ang door at sumunod sa kaniya. Nakahiga siya ngayon sa sofa at napangiti ng makita ako. Bumangon siya at binuksan ang kaniyang bisig na tila pinapapunta niya ako doon upang yakapin niya.
Syempre hindi ako tumanggi at kinandong niya ako payakap.
Isiniksik niya ang kaniyang muka sa aking leeg at inamoy ang leeg ko doon.
“You really smells nice love. How’s your parents in the Philippines? I’m sorry kung hindi kita nakamusta busy lang sa trabaho alam mo naman.”
As always, dahilan niya sakin na busy siya sa work. Samantalang ako kahit busy ako ichachat ko siya.Sobrang laki talaga ng pagkakaiba ng tratuhan namin sa isat-isa.
And yes, Filipino siya. Citizen na siya dito sa Canada kung kaya matagal na ‘rin siya dito, balak pa nga namin noon na mag sama na but at some circumstances hindi natuloy ‘yun. Hanggang sa mapunta kami sa ganitong situation.
Umiling nalamang ako sa aking naiisip, ayoko munang isipin yun. Susulitin ko muna ang sandaling ito.
Masaya ang puso ko lalo na ga