“Ilan ba ang gusto mong anak?” tanong ni Irina, sa unang pagkakataon.
“Depende kung ilan ang gusto mong maging anak natin,” seryosong sagot ni Alec. “Nasa twenties ka pa. Baka kayanin mo pa hanggang mag-kwarenta'y singko o singko'y sais. Kaya... siguro mga sampu? Kung palarin tayong magka-twins, baka umabot pa ng labing-apat o labing-lima.”
Napahalakhak si Irina. “Ano ako, inahing baboy?”
Napakurap si Alec. “…Ha? Ano raw?”
Tinawag ba niya ang sarili niyang inahin? Tinawag ko ba siyang gano’n? Kung siya’y inahin, edi ako ang barako?!
Tuloy pa rin ang tawa ni Irina nang idagdag niya, “Sa palagay ko, tatlo pa ang sapat. Bigyan natin ng kapatid si Anri—isang kapatid na babae, at siguro dalawang nakababatang lalaki. Para may dalawang babae at dalawang lalaki. Laging may kalaro at kasama habang lumalaki. Anong say mo, asawa ko?”
Lumambot ang tinig ni Alec, puno ng init at pananabik.
“Ang ganda pakinggan. Kung tatlong lalaki pa ang dumating, may buong team si Anri para ipagtanggol siya. Masa