“A-Anak ko, patawarin mo si mommy! Patawarin mo ako kung gagawin ko ito, pangako ko sa’yo babalikan kita! Babalikan kita anak!” hinalikan ko ang pisnge nito at lumabas ng silid na iyon kahit na sobrang lakas na ng iyak ng babae ko.
Pakiramdam ko ay alam niya ang gagawin ko, ipapamigay ko siya. Ang sakit. Sobrang saakit para saakin ng katotohanan na ito pero anong magagawa ko? Isa nalang akong mahirap na tao at hindi na kakayaning palakihin ang dalawang bata.
“Devina, maraming salamat. Kung alam mo lang kung gaano kami kasaya ng asawa ko ngayon.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni aling Salome at mukang napansin naman niya na umiiyak ako. Hinagod niya ang aking likuran at niyakap upang samahan ako sa aking lungkot. Si David ay tahimik nalang na natutulog habang akay ko sa aking harapan.
“A-Aling Salome, pangako ko po na babalikan ko ang anak ko. Pangako ko po na kapag umayos na ang buhay ko ay kukunin ko ulit siya. Please ‘wag niyo po siyang ituring na tunay na anak, hindi ko kaya