Iginala ni Janina ang tingin sa paligid nang makababa sa sasakyan. Agad na kumapit sa kamay niya si Trix. Malaki ang bahay at malawak ang garden na malapit sa pool. "Kasuwerte talaga ng babaeng iyon at napatira sa ganitong lugar!" inis niyang bulong sa sarili at ang tinutukoy ay si Jona.
"Mommy, let's go na po!" Excited na aya ni Trix sa dalaga.
"Trix slow down, baka masaktan si Ms. Janina.." Saway ni Timothy sa anak.
Nakangiting nilingon niya si Timothy at pinarating ng tingin niya dito na ok lang siya. Pagpasok nila sa pinto ay napahanga siya sa ganda ng ambiance sa bahay. Napatingin siya sa bata nang biglang bumitaw sa kaniyang kamay ito.
"Tita Minche!" Tuwang tuwa na tumakbo si Trix patungo sa pinto ng kusina nang makita ang ginang.
Napatingin si Janina sa babaeng niyakap ni Trix. Nang tumingin ito sa kaniya ay matipid siyang ngumiti at bahagyang tumukod bilang pagbati. "Hello po."
Nakangiting inakay ni Minche ang pamangkin at lumapit sila sa babaeng kasama ng bata. "Hulaan ko, ik