Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
View More"Huhhhhh!" Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Jesabell nang magising. Pero automatic na napahiga muli sa lupa at dumaing sa sakit na nagmula sa tagiliran. Muli siyang hiningal at nahigit ang sariling hininga dahil sa sobrang sakit.
"Argh, bakit ang sakit?" daing muli ni Jesabell at sinapo ang tagiliran. Ngunit dahil sa ginawa niya ay kamuntik na siyang mapahiyaw dahil sa takot at sakit nang makapa ang sugat. "Oh my, God... du-dugo?" Hinatakutan niyang bulong nang mapagmasdan ang mga kamay. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nawalan ng malay. Pero bakit parang ang babaw lang naman ng sugat niya? Ang alam niya ay may gustong pumatay sa kaniya. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid at ang dilim, wala ring ibang tao sa paligid. Ang tahimik din ng paligid, gusto niyang humingi ng tulong ngunit natatakot siya na marinig ng mga lalaking nanakit sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito. Pero bago siya nawalan ng malay kanina dahil sa takot ay narinig pa niya ang sinabi ng isang lalaki. "Pare, tama na iyan upang hindi halata. Ang utos ay bigyan lang siya ng kaunting sugat upang magmukhang nagsarili lang siya." Mariing ipinikit niya ang mga mata matapos maalala ang huling sinabi ng lalaki kanina. Binalikan pa niya sa isipan ang ibang pangyayari kaya narito siya ngayon sa kinasadlakan. "Sino kayo at ano ang kailangan ninyo sa akin?" takot na tanong ni Jesabell sa dalawang lalaking humarang sa daraanan niya. "Huwag nang maraming tanong. Sumama ka na sa amin at masaya sa pupuntahan natin!" Nakangisi at sapilitan siyang hinawakan sa braso ng isang lalaki. Nanlaban siya at sumigaw ngunit walang nakakarinig. Kasalanan niya kung bakit siya naroon sa liblib na lugar. Gusto niya lang naman kasing takutin sana si Tyron upang siya na lang ang pagtuunan nito ng pansin. Ngunit kilala na talaga siya ng binata at alam nitong okay lang siya. Na hindi totoong may masamang taong humahabol sa kaniya. Pero hindi niya akalaing makarma siya. At hito nga at totoong may masamang tao na gusto siyang gawan ng masama. Ilang beses na rin kasi niya itong ginawa pero ito ang pinakamalala. First time niyang gumawa ng kalokohan sa gabi. Kasalanan ito ni Emily, ang babaeng gustong pakasalan ni Tyron. Ok naman sila ng binata noong hindi pa ito umiiksina sa buhay nila ni Tyron. Lahat ay ibinibigay ni Tryron sa kaniya at siya lang ang babae sa buhay nito kahit bilang kapatid lamang ang tingin sa kaniya. Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell at inubos ang lakas upang makawala sa pagkagawak sa kaniya ng isang lalaki. Nang mabitawan siya ay kumaripas siya ng takbo. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang bigla siya makaramdam ng matalas na bagay na bumaon sa tagiliran niya. Nanginginig ang mga saliri na hinanap niya ang cellphone matapos maalala ang nangyari kanina. Nakapa niya iyon sa tabi niya. Sadyang iniwan iyon ng mga lalaki at sa tingin niya ay nasa paligid pa ang mga ito. Agad niyang tinawagan si Tyron at may sumagot naman agad. "Jesabell, stop fooling around! Umuwi ka na ngayon din dahil kung hindi ay sa labas ka matutulog!" Napaluha si Jesabell nang marinig ang galit na tinig ng binata. "I can't, ma-may sugat ako." Sandaling natigilan si Tyler nang marinig ang tinig ng dalaga. Ramdam niya ang takot nito at halatang umiiyak. Pero alam niyang doon magaling ang dalaga upang laging makuha ang gusto sa kaniya. "Tyron, I'm cold!" Nakagat ni Jesabell ang loob ng ibabang labi dahil sa galit nang marinig ang tinig ni Emily. Alam niyang tulad niya ay nag iinarte lang din ito upang maagaw sa kaniya ang atensyon ni Tyron. Ngunit mas magaling sa kaniya ang babae. Isa pa ay mabait ang tingin dito ni Tyron, hindi katulad niya na sadyang m*****a kahit noong bata pa. "Jesabell, umuwi ka na. Bigyan kita ng isang oras at—" "Please, help me. Kahit ngayon lang. Pangako, last na ito!" Pagmakaawa niya sa binata habang garalgal ang tinig. Napabuntong hininga si Tyron bago nagsalita. "May sakit si Emily at kailangan niya ako kaya puwede bang be matured this time?" Napahagulhol na lang siya ng iyak nang wala na sa kabilang linya ang binata. Pero agad din niyang pinigilan ang pag iyak dahil pakiramdam niya ay lumalakas ang labas ng dugo sa sugat niya. Muli niyang binuhay ang cellphone at hinanap ang numero ng kaibigan. Alam niyang pinagbawalan na siya ni Tyron na makipag communicate pa kay Jason dahil adik umano ito. Pero no choice na siya. Ayaw pa niyang mamatay at sa lugar pang ito. Si Jason lang ang alam niyang madaling malapitan at alam ang ganitong lugar. "Hulaan ko kaya ka tumatawag ay dahil hindi ka na naman sinundo ng mahal mo?" Nang aasar na bungad ni Jason sa tawag ng pasaway niyang kaibigan. "Help me." Nanghihina niyang anas mula sa kabilang linya. "Shit!" Marahas na tumayo si Jason mula sa kinaupuan kung saan umiinum ng alak nang marinig ang boses ng dalaga. "Where are you?" Alam ni Jesabell kung nasaan siya dahil sadyang pinili niya ang lugar na iyon kanina. Sobrang natatakot na siya, hindi lang dahil sa isiping may sugat siya kundi dahil ang dilim ng paligid at walang ibang tao. "Papunta na ako, huwag mong patayin ang tawag okay? Huwag kang matakot at be strong." Umiiyak na tumango si Jesabell kahit hindi nakikita ng kausap. Nanatili lang siyang nakahiga at takot ding gumalaw. Baka kasi lalong dumugo ang sugat niya. Sapo niya rin ang tagiliran gamit ang isang kamay habang ang isa ay may hawak ng cellphone. Narinig niyang umandar na ang makina ng motorcycle ni Jason at alam niyang mabilis lang itong makarating sa kinaroonan niya kahit traffic pa. Matapos painumin ng gamot si Emily ay tumayo na si Tyron. Muli niyang tiningnan ang cellphone at na cancel niya nang hindi sinasadya ang tawag kanina. "Tyron, please dito ka lang sa tabi ko." Pigil ni Emily sa binata bago pa nito matawagan muli si Jesabell. "Magpahinga ka lang at babalik ako mamaya. Gabi na kaya kailangan kong hanapin si Jesabell." Dinayal niya muli ang numero ng dalaga ngunit busy line ito. Ibig sabihin ay may kausap itong iba. Nangalit ang bagang ni Tyron at nauto na naman siya ng dalaga. Muntik na siyang maniwala na nasa panganib nga ito. Sigurado siya na si Jason na naman ang kausap nito sa cellphone dahil hindi nakuha ang gusto sa kaniya. Inis na bumangon si Emily nang lumabas na sa silid niya si Tyron. Kahit ilang ulit na itong niloko ni Jesabell ay nag aalala pa rin ito sa babae at hindi matiis. Sa pagkakataon na ito, tiyak siya na lalong magalit dito ang binata at sigurado na parusahan pa. Dumiritso si Tyron sa mini bar niya nang hindi pa rin makuntak si Jesabell. Sagad na ang pasensya niya para sa dalaga. Hindi na dapat siya maawa dito sa pagkakataon na ito. Dapat noon pa man ay pinadala na niya ito sa abroad upang doon mag aral. Ngayong tumuntong na ito sa tamang edad ay lalong naging matigas ang ulo at lumala ang kapilyahan. Nagagawa na nitong saktan ang sarili para lang mapasunod siya. Kasalanan niya kung bakit naging spoiled sa kaniya ang dalaga. Siya na ang tumatayong guardian nito mula nang mamatay mula sa aksidente ang mga magulang ng dalaga. Fifteen years old lamang ito nang mapunta sa pangalaga niya at siya naman ay twenty five. Matalik na magkaibigan ang mga abuelo nila. Alam niya ang pakiramdam na mamuhay na walang mga magulag kaya pumayag siya sa gustong mangyari ng abuelo. Sa kaniya titira si Jesabell at siya ang tatayong guardian hanggang sa pagtuntong nito sa tamang edad. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila sa iisang bubong ay nag iiba ang dalaga. Ayaw na nitong maging kapatid niya lamang. Hiniling pa sa abuelo niya na pakasalan niya ito. Gumawa pa ito ng kuwento na may nangyari na sa kanila at naniwala naman ang abuelo niya. Napabuntong si Tyron bago ininum ang laman ng basong hawak. Pagtingin niya sa orasan ay mag alas-dyes na. Isa pang salin ng alak sa baso ang ginawa bago tinawagan muli ang cellphone ni Jesabell. Napatingin si Jason sa cellphone ng kaibigan nang tumunog iyon. Tulog pa rin ang dalaga. Nang madatnan niya ito kanina sa madilim na lugar ay namumutla na ito at saka nawalan nang malay nang makita siya. Sobrang naawa siya rito kanina, talagang lumalaban sa kamatayan at hindi natulog hangga't hindi nasiguro ang kaligtasan. Abala pa ang doctor sa paglinis ng sugat ng kaibigan kaya sinagot na muna niya ang tawag. "Where the hell are you now, young lady?" Pagalit na tanong ni Tyler sa dalaga. "Wala pa siyang malay at narito kami sa hospital." Malamig na tugon ni Jason sa lalaki. Galit na napatayo si Tyron nang makilala ang boses ng lalaking may hawak sa cellphone ni Jesabell. "Alam ko na kasabwat mo siya sa kalokohang ginagawa niya. Ibigay mo sa kaniya ang cellphone ngayon din at kakausapin ko siya!" "Kung ayaw mong maniwala ay go to hell!" Galit na pinatay ni Jason ang tawag at saka bumalik sa tabi ni Jesabell na wala pa ring malay. Nasipa ni Tyron ang paa ng upuan dahil sa galit. Tinawagan niyang muli ang cellphone ng dalaga ngunit naka off na. Mabilis niyang tinawagan ang kaniyang assistant. "Hanapin mo kung saan hospital ngayon si Jesabell!" Inis na umalis si Emily mula sa pinagkukublihan. Kahit galit ang binata ay hindi pa rin nito kayang tikisin si Jesabell. Mabilis siyang umalis sa pinagkublihan at bumalik sa sariling silid. Kailangan niyang mag isip ng ibang plano naman ngayon.Malungkot na ngumiti si Celso nang makita ang asawa at dinalaw siya. Alam niyang may lamat na ang tiwala nito sa kaniya pero hindi siya susuko. "Honey, I'm really sorry!""Magpagaling ka na at tulungan akong makabawi sa anak natin." Malamig na tugon ni Lucy sa asawa.Lumuluhang ngumiti si Celso sa asawa at tumango. Sapat na iyon na pagsisimula nilang muli ng asawa.Napabuntong hininga si Jason habang palihim na nakikinig sa pag uusap ng mga magulang mula sa pinto. Hindi na muna siya tumuloy sa loob at umalis.Sinundan ni Crizelle ang nobyo hanggang sa makarating sa waiting area at doon muna umupo. "Babe, alam kong malalim ang sugat diyan sa puso mo dahil sa ginawa sa iyo ng sarili mong mga magulang. Pero subukan mong bigyan sila ng chance." Tumingin si Jason sa nobya bago huminga nang malalim. "I will try, salamat!"Ngumiti si Crizelle at niyakap ang binata. "Kahit ano ang mangyari, tandaang mong narito lang ako."Hinalikan niya sa noo ang dalaga saka hinaplos ang buhok nito. Gusto m
"Hayop ka, ano ang ginawa mo sa anak ko?" galit na tanong ni Rowena habang dahan dahang lumalapit kay Celso."Mana sa iyo ang anak mo na utak kriminal kaya huwag mo sa akin isisi kung ano man ang nangyayari sa inyong dalawa ngayon!" Pagalit ring tugon ni Celso sa babae saka pilit na bumangon kahit masakit pa ang ulo."Gago ka, anak mo rin si Felix!" Galit na sinugod ni Rowena ang lalaki at pinagsusundok ito.Pilit na sinasangga ni Celso ang kamay ng babae at pinuprotektaha ang ulo upang hindi matamaan. Nang makakuha ng tyempo ang malakas niya itong sinipa sa tiyan na ikinatumba ng huli. "Kasalanan mo kaya lumabas ang sungay ng anak mo! Hindi ka nakuntinto sa paninira sa ibang tao at pinapatay mo pa!" Singhal niya sa babae.Lalo lamang nanlisik ang mga mata ni Rowena at hinugot ang maliit na kutsilyong nakatago sa suot na sapatos. "Matapos mong magamit ang anak ko para sa pansarili mong kaligayahan ay itatapon mo na lang siyang parang basura?" Galing niyang sumbat dito.Umurong si Cels
"Kung hindi ka naging mahina at makasarili ay hindi ako mabuuo! Sana nga ay pinatay mo na lang ako noong nasa sinapupunan pa ng walang hiya at hayop kong ina! Hindi ko sana maranasan ang lahat ng ito ngayon!" Bulyaw ni Felix sa ama.Natigilan si Celso nang makita ang labis na galit at pagkamuhi sa mga mata ni Felix. Para itong nababali2 na rin at tumawa habang umiiyak. Ilang sandali pa ay nagwala na rin ito at lahat nang mahawakan ay tinatapon hanggang sa tamaan siya ng lampshade. Hintakutang natigilan si Felix nang makitang natumbq ang ama. Lalo siyang natakot nang makitang may dugong dumadaloy sa sahig mula sa ulo ng ama. Saka lang siya parang natauhan nang marinig ang sigaw ng katulong at nagtatakbo pababa ng hagdan habang humihingi ng tulong. "Da-dad... I'm sorry!" Umiiyak na gumapang siya palapit sa ama at takot na hinawakan ang gilid ng ulo nitong may sugat.Mabilis na rumisponde ang kapulisan na nasa labas lamang ng gate ng bahay nila Celso. Agad na hinuli si Felix na mukhan
"Honey —""Kasalanan mo ang lahat ng ito kung bakit nagawa kong abandunahin ang sarili kong anak noon!" Bulyaw ni Lucy sa asawa at binato dito ang unan. "Hayop ka, hindi ko kayo mapatawad ni Rowena! Mga baboy kayo! Paano mo nagawang ipaalaga sa akin ang anak ng babae mo?"Naantig ang puso ni Jason nang humagulhol na ng iyak ang ina. Nilapitan niya ito at inalo upang kumalma pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat sabihin upang mapagaan ang loob nito."I'm sorry, pero hindi ko babae si Rowena. I swear, biktima lang din ako ng kahayupan niya. Hinayaan kong mabuhay ang anak niya at ipalit sa anak nating nawala dahil takot akong magkasakit ka at mawala sa iyong sarili!" Umiiyak na ring paliwanag ni Celso.Yumakap si Lucy sa baywang ng anak at doon umiyak nang husto. Parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit. "Ano ang nagawa ko? Bakit naging tanga ako noon? Anak, kasalanan ng mommy!" Huminga nang malalim si Jason saka nagsalita. "Hindi na po
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Crizelle kay Jason. Hindi siya umaalis sa tabi nito at hinihintay nila ang result ng doctor na siyang tumitingin sa kalusugan ng ina nito.Hinawakan ni Jason ang palad ng dalaga at pilit na ngumiti. Pagtingin niya sa ama at tahimik itong nakatayo sa isang tabi habang nakayuko ang ulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maawa sa ama. Walang duda na sobrang mahal nito ang ina niya na hinangaan niya naman. Pero ang pagiging ama?Lumapit si Terso kay Jason ay ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "Kahit ano ang mangyari ay mga magulang mo pa rin sila."Tumingin si Jason sa matanda at blangko ang expression sa mukha."Sorry sa mga nasabi ko tungkol sa pagkatao mo. Kung ano man ang maging pasya mo sa relasyon ninyo ng apo ko ay hindi na ako mangialam pa." Pagpatuloy ni Terso."Ayaw ko pong pag usapan iyan sa ngayon." Nakagat ni Crizelle ang ibabang labi nang mahabang ang katabangan sa tinig ng binata. Natatakot siya na baka ayawan na siya ng b
"May sapat pong ebedensya na sa kaniya nakaturo ang kaso kasama ang kaniyang pinsan. Bukod doon ay may iba pang kaso na kailangan niyang harapin."Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman at nakakagulat po itong balita ninyo sa amin. Kung talagang nagkasala siya ay e surrender ko siya sa inyo. Ayaw ko rin na may makasama ang mga magulang ng isang kriminal." Mukhang nag aalalang ani Felix. "Maraming salamat po, sir.""Alam ko po kung nasaan siya ngayon." Seryusong turan ni Felix. "Nasa hospital ngayon ang mga magulang ko at ang alam ko ay naroon siya upang bantayan ang mommy ko.""Maraming salamat sa cooperation, sir." Pasalamat ng pulis saka tinawag ang kasamang pulis din. "Kakusa, alam ko na kung nasaan ang suspect!"Matalim ang tingin ni Felix na nakasunod sa tumalikod ng pulis. Ngumisi siya nang makaalis na ang mga ito sakay ng police patrol car. Nang masigurong wala na ang pulis ay nagmamadali na siyang pumasok sa looob at hindi na ipinasok sa gate ang sasakyan."Sir, mabuti a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments