Jean
Humangin ng malakas kaya pumasok si Kaizer, dahil pumapasok sa loob ang ulan. Siya na rin ang nagsarado ng pinto ngunit nanatili pa kami roon hindi pa nakatayo. Nang tinanggal ko ang kamay ko sa braso niya nag-isang linya ang kilay niya.
“Ayusin ko lang!” saad ko hindi niya ‘ata narinig ang sinabi ko. Tumingkayad ako kaya lang lihim akong napalunok ng pinatong niya ang magkabila n'yang palad sa baywang ko.
“Kapag lagi kang galit mabilis kang tatanda. Smile naman d'yan hubby para pogi ka,” kinindatan ko siya para mawala ang pagkaasiwa ko.
“Anong ginagawa mo, Jean?” seryoso n'yang sabi.
“B-binalik sa ayos ang kilay mo,” sagot ko ng hindi lang nag-abalang tumingin sa kaniya.
“Alam ko na inaayos mo pero bakit mas gusto kong isipin sinasadya mo para pansinin kita?”
“Ha?” sagot ko.
Tumingin ako sa kanya nakatitig pala siya sa mata ko nagtama ang titig namin sa isa't isa. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo sa aming dalawa ni Kaizer.
Bumaba ang tingin ni Kaizer sa lab