Search
Library
Home / Romance / I am your Legal Wife / Chapter 155

Chapter 155

Author: Author Rain
2025-06-20 00:00:11

“Kumusta ka na, Natnat?” malambing naman na tanong sa kanya ni Andeng, at hindi niya iyon inaasahan. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya kung gaano katalim ang mga mata nito, kaya sigurado siyang peke lang ang pagiging concern nito sa kanya. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Tumango siya at hindi na lang nagsalita. Hindi pa masyadong maayos ang kanyang emosyon, at baka hindi niya mapigilan ang sarili at mabulyawan niya pa ito. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng fried rice sa plato at nang dumating ang ulam ay kumuha na rin siya at nagsimulang kumain.

“I know you feel upset about losing your baby. Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil mabubuntis ka pa naman ulit.” nakangiting pagpapatuloy ng kakambal niya. “Nakausap ko ang doctor. Ang sabi niya, kahit daw tinanggal ang isang fallopian tube mo ay pwede ka pa ring mabuntis.”

Ano? Tinanggal ang isang fallopian tube niya? Ano bang pinagsasabi nito?

Napansin naman ni Andrea ang reaksiyon niya, at kunwari ay napatutop ito sa bibig. “Nak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP