Share

Chapter 154

Auteur: Author Rain
last update Dernière mise à jour: 2025-06-19 23:59:22

“Wala na si Claire? Paano nangyari ‘yun?” nanginginig hindi lang ang boses ni Nathalie kung hindi pati ang kanyang buong katawan. “‘Nay, anong nangyari? Di ba nasa poder mo si Claire? Paanong nangyaring wala na siya? Hindi mo naman basta pinapayagang umalis ‘yun, di ba?”

“N-nagpaalam siya sa akin na… dadalawin ang anak niya dahil may sakit. Hindi niya kayang sa telepono lang ito makausap.” nanginginig din ang boses ng nanay niya at hindi na halos makapagsalita. “Pinipigilan ko siya. Sabi ko, hintayin niya si Dario.” Si Dario ang tumatayong bodyguard ni Claire kapag umaalis ito. “Pero hindi niya na mahintay dahil nga pinabili ko saglit ng ilaw dahil pundido na ang ilaw sa cr.”

“Anong nangyari ‘nay?” umiiyak na siya. Alam niya hindi siya pwedeng maistress dahil sa kalagayan niya ngayon, pero hindi niya na mapigilan ang emosyon. Naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman niya. Ang pagkawala ng anak niya dahil sa kapabayaan niya, tapos eto naman ngayon, ang pagkamatay ni Claire.

Nag-aalala
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • I am your Legal Wife   Chapter 159

    Dahil hindi pa masyadong inaantok ay kumuha ng isang libro si Nathalie sa bookshelf na nasa loob ng kuwarto ni Caleb. Pinuntahan ng asawa sa kuwarto ang kanyang nanay at kakausapin niya daw muna ito.Pagbukas niya ng pinto sa veranda ay sinalubong siya ng mainit na simoy ng hanging-gabi. Kahit July na at malapit na mag-ber months ay mainit pa rin ang simoy ng hangin sa Pilipinas.Pumuwesto siya sa sofa na nasa veranda, at itinaas ang mga tuhod bago nagsimulang buklatin ang libro. Isa itong libro tungkol sa quality management. Habang maaga ay gusto niyang pag-aralan ang pagbi-business. May mga natutunan na siya noong first year at second year college, pero dahil nga hindi siya nakakapasok ay wala siyang natutunan ngayong taon.Nakakatatlong page pa lang siya nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Caleb na madilim ang mukha. Mukhang hindi naging maganda ang naging pag-uusap nito at ng kanyang ina.Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa magandang katawan ng asawa dahil wala na itong

  • I am your Legal Wife   Chapter 158

    Dahil malambot ang puso ng ginang kay Andrea ay awang-awa siya dito at lalo pang niyakap ng mahigpit. “Ssss, don’t cry. Huwag kang maging mahina, Andrea. Kaya ka nga nandito para ipaglaban ang anak ko. Huwag kang panghinaan ng loob. Nandito ako para tulungan ka, iha. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Habang kakampi mo ako, mababawi natin ang anak ko. Mababawi mo siya.”“Pero hindi ko na po kaya.” humihikbing sagot nito. “Sobrang nasasaktan na po ako.”“Anong hindi kaya? Kaya mo!” medyo galit na ang boses ng ginang. “Alam mo kung bakit ka natatalo ng pinsan mo?” tanong nito at umiling siya. “Dahil masyado kang mabait! Hindi ka marunong lumaban!”Ha? Mabait pa pala siya sa lagay na iyon?Oo, bait-baitan siya sa harap ng mga Lopez. Hindi nila alam ang tunay na nilalaman ng puso niya. Ang puso niyang kulay itim na.“Pero paano po ako lalaban kung hawak na ni Nathalie ang puso ng anak niyo? Ano pa ang panghahawakan ko para lumaban at mabawi si Caleb?”“Maraming paraan. Tandaan mo, hindi nila

  • I am your Legal Wife   Chapter 157

    “It’s okay. Sundin mo lang kung ano ang inuutos sa’yo.” sabi ni Caleb na may makahulugang ngiti sa mga labi.“What are you smiling at?” kunot ang noong tanong ni Jerome sa kanya. “You’re aware that once this video made in public, masisira ang reputasyon mo. Itong babaeng ito, parang may hidden motive sa’yo. Baka naman she’s just after your money, o baka gusto niyang siya ang pakasalan mo?”Jerome was trying to warn him about Nathalie, but he was ignoring him. “Maganda siya, hindi ba?” tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.“Maganda? Eh pareho lang naman sila ng mukha ni Andrea.” at tinignan siya ni Jerome nang may pagdududa. “Sabihin mo nga sa akin. Are you inlove with that woman? Are you inlove with your fiancee’s cousin?”Hindi niya ulit ito sinagot. Bagkus ay tinignan niya lamang ito sa mga mata, at nakuha na agad ni Jerome ang sagot.“Tarantado ka pare! Inlove ka nga sa pinsan ng babaeng papakasalan mo! Kaya mo tinotolerate ‘tong pinaggagawa niya, hindi ba?” hindi makapani

  • I am your Legal Wife   Chapter 156

    “Baka tapusin ko muna po ang pag-aaral ko.” nahihiyang sagot ni Nathalie. Gusto niya, kung magkakaroon man siya ng sariling business ay galing sa hirap at pagod niya. Pero wala naman sigurong masama dahil asawa niya naman na si Caleb, at isa na rin siyang Lopez.“Sige iha. Kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako.” iyon lang at umalis na ito. Mukhang naghihintay si Mrs. Lopez ng goodbye kiss, pero hindi ito pinansin ng asawa kaya natuon ang matalim na tingin nito kay Nathalie.Si Andrea naman ay nasaktan at may kasamang inggit na naramdaman dahil sa tinuran ni Mr. Lopez. Bibigyan nito ng business si Nathalie ng walang kahirap-hirap, samantalang siya, heto at asa pa rin sa bigay ng parents niya.“Andrea iha, kung magkakasundo si Caleb at ang daddy mo na magsosyo para bilhin ang Cabrera Group, magiging isang pamilya na talaga tayo. Ano sa tingin mo?” tanong ni Mrs. Lopez dito.Napatango naman si Andrea kahit ang isip nito ay ang pagkainggit pa rin sa kakambal niya. “‘Yun naman po

  • I am your Legal Wife   Chapter 155

    “Kumusta ka na, Natnat?” malambing naman na tanong sa kanya ni Andeng, at hindi niya iyon inaasahan. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya kung gaano katalim ang mga mata nito, kaya sigurado siyang peke lang ang pagiging concern nito sa kanya. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”Tumango siya at hindi na lang nagsalita. Hindi pa masyadong maayos ang kanyang emosyon, at baka hindi niya mapigilan ang sarili at mabulyawan niya pa ito. Nagpatuloy siya sa paglalagay ng fried rice sa plato at nang dumating ang ulam ay kumuha na rin siya at nagsimulang kumain.“I know you feel upset about losing your baby. Pero huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil mabubuntis ka pa naman ulit.” nakangiting pagpapatuloy ng kakambal niya. “Nakausap ko ang doctor. Ang sabi niya, kahit daw tinanggal ang isang fallopian tube mo ay pwede ka pa ring mabuntis.”Ano? Tinanggal ang isang fallopian tube niya? Ano bang pinagsasabi nito?Napansin naman ni Andrea ang reaksiyon niya, at kunwari ay napatutop ito sa bibig. “Nak

  • I am your Legal Wife   Chapter 154

    “Wala na si Claire? Paano nangyari ‘yun?” nanginginig hindi lang ang boses ni Nathalie kung hindi pati ang kanyang buong katawan. “‘Nay, anong nangyari? Di ba nasa poder mo si Claire? Paanong nangyaring wala na siya? Hindi mo naman basta pinapayagang umalis ‘yun, di ba?”“N-nagpaalam siya sa akin na… dadalawin ang anak niya dahil may sakit. Hindi niya kayang sa telepono lang ito makausap.” nanginginig din ang boses ng nanay niya at hindi na halos makapagsalita. “Pinipigilan ko siya. Sabi ko, hintayin niya si Dario.” Si Dario ang tumatayong bodyguard ni Claire kapag umaalis ito. “Pero hindi niya na mahintay dahil nga pinabili ko saglit ng ilaw dahil pundido na ang ilaw sa cr.”“Anong nangyari ‘nay?” umiiyak na siya. Alam niya hindi siya pwedeng maistress dahil sa kalagayan niya ngayon, pero hindi niya na mapigilan ang emosyon. Naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman niya. Ang pagkawala ng anak niya dahil sa kapabayaan niya, tapos eto naman ngayon, ang pagkamatay ni Claire.Nag-aalala

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status