HEAVEN'S POV:
Kasalukuyan siyang nasa apartment niya sa America. Kakarating niya lang at napagod siya sa mahabang flight.
Hindi pa sana siya babalik sa America pero kailangan na naman niyang umalis doon dahil ayaw na niyang makita si Theo. Ayaw nya ng confrontation kaya tatakbuhan na naman nya ang problema. Nasasaktan siya pero kailangan niyang gawin 'yon. Nagiging toxic na sila.
Alam niyang may pagtingin si Theo sa kanya and he wants more than what she wants. Pero hindi niya kayang ibigay 'yon.
Napakababa ng tingin niya sa sarili nang marahas siyang angkinin ni Theo noong binisita niya ito sa bahay ng binata. Ganun na ba kababa ang tingin nito sa kanya dahil sa mga desisyon niyang ayaw siyang makipagrelasyon? Masama ba 'yon kung ang gusto niya ay masaya lang and no conflicts?
But still, she stands firm sa desisyon niyang hindi mag-nonobyo at mag-aasawa.
Napabalikwas siya nang ginulo ng pag ring ng cellphone ang pananahimik niya.... It's Earth who's calling.
"Hello kuya..."
"W