CHAPTER FIFTY-SIX: THE HAPPINESS SHE CAN’T FIND
Karmine’s Point of View
I woke up feeling better than earlier. Nakatulong sa akin iyong pahinga ko at iyong kaalamang nasa tabi ko lang si Kieran at binabantayan niya ako.
Irma, Rio and Ryu were my nightmare—they were my first kill.
Oo at hindi ako ang pumilipit sa leeg nang inosenteng bata pero ewan ko ba at hindi ako tinatantanan ng konsensiya ko kahit alam ko namang hindi ako sinisisi ng mag-asawa sa kinahantungan nila.
Sa loob ng mahigit apat na taon ay ngayon ko na lang ulit napanaginipin silang tatlo.
Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ulit pero baka dahil nalaman naming lahat na hanggang ngayon ay buhay pa iyong demonyong iyon?
Hindi ko alam.
Basta ang alam ko lang ay dapat ng mamatay ang tarantadong iyon. This time for good, for real.
Hindi na ako puwedeng magkamali.
I have to think things thoroughly. Hindi na puwede iyong padalos-dalos lang na plano. Hindi na ako puwedeng pumalpak, especially now that I have so much t