Share

CHAPTER 6: She's in Control

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-07-01 18:01:09

NAGPAPABALIK-BALIK ANG TINGIN ni Liberty sa dalawang Salvantez na nasa kanyang harapan. Heto na naman ang pagsasalpukan ng titig ng mga ito na walang gustong magpatalo. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya’y tila ba anumang oras ay magsisimula na ang away na kanyang iniiwasan.

Nag-aalalang nabaling ang tingin niya sa kamay ni Duncan na nakakuyom. Alam niya ang ugali ng asawa. Hindi ito ang uri ng tao na kayang pigilan ang sarili pagdating sa mga taong hindi nito gusto. At sa kasamaang palad, kabilang doon ang tiyuhin nito.

“W-what is it, Uncle?” walang mapagpiliian. Iyon na ang lumabas na tanong sa bibig ni Liberty.

Iniiwasan niyang magkagulo hangga’t maaari. Masyado na siyang pagod para sa kalahating bahagi ng salo-salong iyon upang maghanap pa ng panibagong rason ng pagkaubos ng kanyang enerhiya.

“Dad is looking for his favorite grandson,” imporma ni King sa pamangkin.

Saglit pang muling nagkasalubong ang matalim na titig ng dalawa bago si Duncan ang maunang kumalas nang hilahin niya.

Nang makatalikod ang asawa at maglakad papalayo, saka lamang nakahinga nang maluwag si Liberty. Nakayuko, nagmamadali ang pagsunod niya sa asawa nang hindi magawang tingnan si King na para bang siya itong may malaking kasalanan.

Pagkarating sa salo-salo, pansin niyang naroon na ang lahat. Ang upuan na kanina’y inaakupa ni King ay gamit na ngayon ni Benjamin Ito ang pangalawang kapatid ni King na hindi rin nito kasundo at paboritong tiyuhin ng kanyang asawa.

Bahagya ang naging pagtikhim ni Gustavo Salvantez na lolo ni Duncan. Pinapaupo siya ng matanda malapit sa tabi nito kaya walang pagdadalawang-isip na dali-dali ang paglapit doon ni Liberty. 

“Everything is okay with our company, Dad. Don’t  worry,” nakangiting sambit ni Benjamin. “My nephew is doing his best to be your worthy heir.”

Tumango-tango lamang ang matanda at hindi na muling nagsalita na nakasanayan na ni Liberty. Ganito naman parati ang nagiging eksena sa engrandeng salo-salo ng mga Salvantez. Hindi mawawala sa kanilang usapan ang sari-sariling paraang upang mas yumaman pa. 

Heto tuloy ang resulta, parang hindi natutunawan parati ng pagkain si Liberty kaya dumidiretso siya kaagad sa tea section.

“How’s the gathering, Hija?” tanong ni Gustavo na umupo sa kabilang pagitan niya.

“Just like before, Grandpa,” bahagya ang pag-inom ni Liberty sa kanyang tsaa.

“It’s still not worthy, right?” diretsong tanong ng matanda na muntikan pang maging dahilan pagkasamid ni Liberty.

“I just want to check my kin if they are still the same,” pag-amin nito na sinundan ng pag-iling. 

“And they are?” tanong ni Liberty. “Ganoon pa rin ho ba ang pamilya niyo?”

Bahagya ang naging pagngiti ng matanda nang salubungin ang tingin niya. Bakas ang disappointment nito sa sariling pamilya. 

“Mahal ka nila, Grandpa. Ganoon lang siguro ang pag-express nila ng nararamdaman nila just to make you proud.”

“Alam mo, Hija, sa tinagal-tagal ko rito sa mundo, kung may isang bagay man akong hindi matutunan ay iyon ay ang magkaroon ng perpektong pamilya,” sabi nito habang ang tingin ay nasa mga Salvantez na may mga sari-sariling pinagkakaabalahan. 

Ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit parating lumalapit sa kanya ang matanda pagkatapos nilang kumain. Gusto na naman nitong maglabas ng sentimyento sa hindi nila ordinaryong pamilya. 

“Wala ho talagang perpektong pamilya,” komento niya. “Mahirap man iyan o mayaman, mayroon pa ring mga bagay na hindi mapagkakasunduan.”

“I remember those times when I was just a young boy who had a simple life. My goal all the time was to not run out of food on our table. Isang kahig, isang tuka ang aming pamilya. If I have one escape to that reality, that is becoming a thinker.”

Ang matandang Salvantez ang isa sa mga iniidolo ni Liberty pagdating sa larangan ng teknolohiya. Marami itong naimbento na nakatutulong na ngayon sa nakararami. Hindi niya lubos-maisip kung paano at gaano katagal itong gumugol ng maraming oras sa lengwahe ng programming upang maintindihan iyon. Kalaunan, ang mga natutunan ni Gustavo Salvantez ang naging tulay nito para makapag-aral sa kolehiyo nang libre.

Para makaipon, pinagsasabay nito ang pagtatrabaho at pag-aaral. Nang makatapos naman ay naglakas-loob itong simulan ang maliit na negosyo. Ngayon, sino bang mag-aakala na magiging malaking kumpanya na ang dati’y pangarap lang nito?

“I can’t wait to see my great grandchild from the both of you—”

Ganoon na lamang ang sunod-sunod na pag-ubo ni Liberty matapos na masamid dahil sa itinuran ng matanda. 

“Grandpa!” hindi mapigilang mapanlakihan ni Liberty ng mata ang matanda.

“I was just teasing you, Hija!” tumatawang turan nito.

“Kahit kailan talaga,” umiiling na sambit niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makuha ang timpla ng isipan nito dahil sa pagitan ng seryosong usapan ay nagagawa pang magbiro ng matanda.

“Go on, enjoy the night, Liberty!” pagtataboy sa kanya ng matanda matapos na dumating ang nag-aalaga rito para painumin ito ng maintenance na gamot.

Walang magawa, inabala na lamang ni Liberty ang sarili sa pagtanaw sa magandang kapaligiran nang gabing iyon habang abala pa rin ang asawa niya na maging bangka sa usapan ng mga kamag-anak nito. 

Habang nakatanaw sa magandang kapaligiran, hindi maiwasan ni Liberty na huminga nang malalim matapos na manumbalik sa kanyang isipan ang malaking problemang kinahaharap. Gusto niya ng makalaya sa asawa ngunit paano mangyayari iyon kung parati siya nitong kailanganin sa mga ganitong salo-salo na para bang wala silang problema?

“Duncan!” may kalakasang sambit ni Liberty nang magulat siya sa biglaang paghigit sa kanya ng asawa. 

Dinala siya ni Duncan sa gitna ng salo-salong iyon kung saan naroon ang ibang Salvantez na abala sa pagsunod sa saliw ng musika. 

“Ano naman ba ito?” naiinis niyang tanong dito nang mapansin ang masamang pagkakatitig ng asawa. 

“My grandpa wants you to get get pregnant—”

“Hindi iyan mangyayari!” mabilis niyang kontra dito. “I told you, makikipaghiwalay na—aray! Nasasaktan ako,” pigil ni Liberty ang sarili na mag-eskandalo. 

“He’s looking at you,” madilim na sambit nito. 

Naging mabilis ang pagsunod ng tingin ni Liberty sa tinititigan ng asawa kung saan naroon si King. 

“Bitawan mo na nga ako. Kung ano-ano na lang ang iniisip mo. Wala na sa lugar iyang pagseselos mo—”

“Shut up, Liberty!” sambit ng asawa niya malapit sa kanyang taynga upang hindi makakuha ng atensyon sa ibang naroon. “I said, he’s looking at you.”

“Hibang ka na nga!” pilit niyang inilalayo ang sarili rito. “Sinabi ko ng huwag kang lalapit sa akin! Nandidiri ako sa ‘yo!”

“Sa akin ka lang!” pilit itong lumalapit sa kanya upang idikit ang katawan. “Be good to me, Wife. you don’t want your family to suffer, right?”

Nang mga sandaling iyon, ganoon na lamang ang sunod-sunod na paglunok ni Liberty. Lasing ang asawa niya. Ayaw niyang gumawa ng eskandalo ngunit gusto niya ring makalayo rito kaya paano niya iyon gagawin nang hindi nakukuha ang atensyon ng matapobre nitong pamilya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   Special Chapter 1: Nakaw na Saging

    “D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   EPILOGUE

    DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 224: The Little Brother

    “KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 223: She’s Giving Birth

    “KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 222: The Tragic Death 

    HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli

  • Kidnapped by the Billionaire After Divorce   CHAPTER 221: Between the Two

    “A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status