“Some paintings are too quiet, they scream only to the one who knows how to listen.”
Sa lumang bahay ng pamilya Ramirez, nanatili si Margaret kasama si Mama Imee buong araw.
Walang alinlangan siyang sumunod sa mga gusto ng biyenan, natkwentuhan, at higit sa lahat, sa pagpaint.
Si Mama Imee, kilalang-kilala sa mundo ng art, lalo na sa larangan ng calligraphy at landscape painting. Sikat siya sa kanyang mga likhang kalikasan at hayop, parang buhay ang mga ito, puno ng emosyon at galaw.
Sa malawak na studio, humahampas ang malamig na simoy ng hangin, pinapagaspas ang puting kurtina. Ang araw ay dumadaan sa malaking salamin, binabalutan ng liwanag ang buong silid.
Sa gitna ng puting eksena, dalawang maganda at makukulay na babae ang nakaupo sa harap ng canvas. Nakatayo sa harap nila ang isang easel na may rectangular na canvas, puno ng kulay puti, abo, at itim.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Margaret si Mama Imee habang masinsinang nagpipinta.
Maya-maya lang, unti-unting lumitaw ang isa