"I promised you, didn't I?"
Maingat na binuksan ni Xander ang pinto ng ospital.
Dahil sa sobrang pagkawala ng dugo, maputla ang mukha ni Cassandra habang mahimbing na natutulog sa hospital bed. Balot ng makapal na bandage ang kanang braso nito at may nakasaksak na IV sa likod ng kamay.
Tahimik siyang umupo sa tabi ng kama.
Makalipas ang ilang minuto, unti-unting nagising ang babae habang sumasapaw ang epekto ng anesthesia. Kumurap ang mahahaba nitong pilik, bago bahagyang iminulat ang mata at tulalang tumingin.
“Xander?” mahinang bulong nito.
“Yeah. I’m here,” sagot niyang kalmado.
Napilitang ngumiti ang babae kahit namumula na ang mata sa luha. “Akala ko... hindi ka na darating.”
“Hindi. Nangako ako, ’di ba?”
“Yeah... nangako ka... lagi ka namang nangangako,” sabi ni Cassandra habang nangingilid ang luha.
Bigla siyang ngumiti, kahit halatang nanghihina. “Xander, ilang taon na tayong magkakilala?”
Nag-isip sandali si Xander. “Twenty years?”
“Twenty years and five months,” sagot nito n