Sienna’s POV
Kunot-noo akong nakatitig sa direksyon nina Denver at ng babae sa harapan niya. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko—ang flawless na kutis, ang classy na pananamit, at ang recognizable na ngiti… Wait lang. Si Hana Yoon ba 'yan?
Parang slow motion akong lumapit, pilit iniisip kung baka naman kamukha lang. Pero nang marinig ko siyang magsalita…
“Denver, annyeong, oreonman-iyo!”
(Denver, hello, long time no see!)
…hala, siya nga talaga!
Pakiramdam ko bumagal ang tibok ng puso ko. Isa sa mga iniidolo ko mula pa noong high school—kaharap ngayon ng asawa ko. At hindi lang basta kaharap… close sila?
Bago pa ako ma-overwhelm ng emotions, narinig ko si Denver na nagsalita.
"Joheunhamnida, neo-neun eottehge? Oops, gieoghae bwa, na-ui anae Sienna-o ipkilhaketda.” (I'm fine, how about you? Oops, before I forget, I want to introduce my wife Sienna) Sabay niyang hapit sa akin sa bewang at ngiti niyang parang proud na proud.
Mapapansin mo talaga ‘pag proud ang isang lalaki sa asawa niy