Chapter 4.1
Si Kairo Ace De Guzman ay may taglay na mapaglaro at game sa lahat ng bagay. Kahit saan at kahit ano pa ang ipagawa mo rito ay hindi niya ito tinatanggihan. Kahit pa sabihin mo na pagtripan niya ang isang tao ay gagawin niya talaga.
Kilala siya bilang palatawa, mapaglaro at captain sa basketball. May pagka badboy type rin si Kairo na naging isa sa mga rason kung bakit sobrang kinababaliwan siya ng mga babae. And I admit he's an ideal type for everyone.
Sa kanilang tatlo siya itong mas kinababaliwan ng lahat dahil sa angkin nitong charisma pero iyon nga lang hindi ko gusto ang ugaling meron siya. Masyado siyang mapaglaro at walang pakialam sa feelings ng iba. Wala siyang pakialam kung nasasaktan niya na ba ito o hindi.
Si Brent Mendoza naman ay palabiro sa kanilang tatlo. Kung meron man sa kanila ang madali mong makasama ay si Brent iyon. Hindi siya snobber, masungit, mapaglaro at mayabang katulad ni Kairo. Kaya niya rin sabayan ang trip mo sa maayos na paraan at hindi sa paraan kung saan ka masasaktan.
Hindi na 'ko magtataka kung bakit siya gusto ng lahat dahil sa taglay nitong katangian na kahit sino ay mapapahanga talaga. Gwapo, faithful, friendly, joker, mabait at palangiti kaya sinong hindi ang magkakagusto sa isang katulad niya?
Magaling din si Brent mag basketball pero mas magaling siyang sumayaw. Katulad ni Kairo ay may pagka badboy rin ang datingan nito.
Samantalang si Kaizer Collins naman ang pinaka approachable at friendly sa kanilang tatlo. Sobrang gentleman ni Kaizer sa lahat, walang pili. Pangit ka man o maganda basta babae ka at nangangailangan ka ng tulong ay walang pagdadalawang isip ka talaga niyang tutulungan.
Pinapangarap din si Kaizer ng mga kababaehan pero iyon nga lang never pa talaga siya naming nakita na may kasamang babae. Hindi katulad ni Brent at Kairo na may kasamang iba't ibang babae sa araw-araw.
Basketball player din si Kaizer pero mas magaling siyang kumanta at tumugtog ng iba't ibang instrumento. Sa kanilang tatlo mas mapapa-ibig ka talaga kay Kaizer dahil sa taglay niyang talento. At sa kanilang tatlo siya ang may pinaka mabait na katangian.
Mabilis kong iniwas ang aking tingin sa tatlong lalaking abala na ngayon sa kanilang pagkain at hindi na pinagtutuunan nang pansin ang paligid.
Naging mas malakas na ang bulongan sa paligid dahil sa presensiya ng tatlo. Mukha silang artista na pinapaligiran nang kanilang mga fans at may iba pa talagang palihim silang kinukunan nang pictures.
"Oh my gosh! Ang gwapo pa rin talaga ni Kairo kahit stolen!"
"Oo nga. May pang wallpaper na 'ko sa phone ko."
"Shit! Parang malalaglag na ata ang puso ko sa kagwapohan ng tatlo!"
"Look oh, ang hot ni Kaizer kahit nakayuko at sumusubo."
"Sana all,"
Napailing iling na lang ako sa nakikita at naririnig.
Pinapatuloy ko na lang ang pagkain at nilingon si Irish na abala rin sa pagsubo.
Napansin ko ang pagbabago nang kaniyang mood dahil naging seryoso bigla ang kaniyang mukha. Kahit no'ng nakabalik na kami sa classroom at nagsisimula nang magturo ang teacher namin ay gano'n pa rin siya.
Walang imik at seryoso.
Hinayaan ko na lang siya at hindi na nagtanong pa.
Nang sumapit ang lunch break ay sabay ulit kaming kumain sa Caf. Hindi naman kami nagtagal do'n dahil bumalik din kami agad sa classroom.
"Anong problema mo?" Tanong ko nang hindi na makayanan ang kaniyang pananahimik.
Kasalukuyan kami ngayong naghihintay sa last subject namin sa classroom pero heto siya at nakatulala sa labas ng bintana at malalim ang iniisip.
Napabuntong hininga ito at nilingon ako.
Ngumiti siya ng tipid sa'kin.
"Wala. May iniisip lang," sagot niya.
Tumango na lang ako at wala ng balak pang magtanong. Kilala ko si Irish at dalawa lang ang dahilan ng pagiging ganito niya.
It's either wala lang talaga siyang sa mood makipag-usap o baka naman higit pa roon ang dahilan.
Simula kasi nang makabalik kami galing cafeteria kaninang umaga ay ganito na siya. Ayokong isipin na tama ang kutob ko kung bakit siya nagkakaganito.
Pero sana mali lang talaga ako nang iniisip.
Nang dumating ang teacher namin sa Biology ay roon lang napaayos nang upo si Irish pero gano'n pa rin nanatiling seryoso.
Mabilis lang din natapos ang time sa biology dahil nag discuss lang naman ito at sinabi sa'min na mag advance reading kami dahil magbibigay siya nang quiz sa thursday."Trixie," tawag ni Irish sa'kin nang lumabas na si Miss Fevy.
Tinapos ko muna ang paglalagay nang notebook ko sa bag bago siya nilingon.
"Ano 'yon?"
"May pupuntahan ka pa ba?"
"Bakit?"
"Kasi hindi kita masasamahan ngayon. Uuwi ako ng maaga kasi mag didinner daw kami ng parents ko mamaya," aniya.
Mabilis akong ngumiti sa kaniya at tumango.
"Wala namang problema sa'kin kung uuwi ka nang maaga, Irish. Okay lang ako," sagot ko.
Nakita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip na umuwi nang maaga o sasamahan ako sa pag-uwi.
"P-pero kasi... baka may mangyari naman sa'yo kapag wala ako."
Wala sa sariling napangiti ako ng malapad sa narinig.
How could she be so genuine and sweet at the same time, hm?
Ang swerte ko na naging kaibigan ko si Irish.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Nginitian ko siya at ipinakita sa kaniya na kaya ko ang sarili ko.
"Pangako mag-iingat ako," I sincerely told her.
No'ng una ay nagpumilit pa siyang samahan ako at 'wag na lang tumuloy sa dinner date ng parents niya pero sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang umuwi na lang at iwanan ako sa school.
Pagka-alis niya ay hindi muna ako umuwi. Dumiretso ako sa library para manghiram nang libro.
Naging ugali ko na rin ang pabalik-balik sa library at humiram nang libro. Binabasa ko kasi 'yon t'wing gabi sa kuwarto bago matulog.
Pagkapasok ko sa library ay kakaunti na lang ang estudyanteng naroon. Ang iilan ay nagbabasa at ang iba naman ay nagsusulat.
Pagkatapos kong ilista ang pangalan ko sa log book ay dumiretso ako sa book shelves at hinahanap ang librong pakay ko.
Nang makita ito ay agad ko itong kinuha. Pumunta ako sa librarian at sinabi ang title ng librong hihiramin ko.
Pagkatapos niyang ilista ang pangalan ko ay lumabas na 'ko sa at naglakad na sa hallway para umuwi.
Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako nang paglalakad nang bigla akong madapa.
"Opsss... sorry,"
Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa braso at tuhod ko dahil sa pagkakatumba sa semento at hindi ko napansin ang pamilyar na tinig na nagsalita sa gilid ko at ang mahinang hagikgikan.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakadapa at agad na hinanap ang aking salamin dahil biglang nanlabo ang paningin ko.
"Is this yours?" Napalingon ako sa'king gilid at do'n nakita ko ang salamin ko na hawak nang kung sino.
Kahit nanlalabo ang paningin ay sigurado ako na salamin ko 'yong hawak niya.
"A-akin na 'yan," sabi ko sa mahinang boses. Pilit kong inaabot iyon gamit ang nanghihina kong braso.
Pero imbes na ibigay 'yon sa'kin ay itinapon niya lamang ito at mabilis na inapakan.
"Ops! Akala ko b****a,"
Mas lalong lumakas ang tawanan sa gilid ko dahil sa sinabi nang isang pamilyar na boses. Naibaba ko ang aking braso at napayuko kasabay nang pagtulo nang aking luha.
Bakit ganito na naman?
Ano na namang kamalasan ang meron ako sa araw na 'to?
Gusto ko lang naman sanang umuwi nang maayos pero bakit hindi ko magawa?
"I'm so sorry Trixie for breaking your trash glasses," sarkastikong sambit nito.
Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang paghikbi. Ayokong makita nila akong ganito dahil mas lalo lamang nila akong aapihin.
Gamit ang natitirang lakas na meron ako ay tumayo ako kahit pa nanlalabo ang aking mga mata at nananakit ang aking binti dahil sa pagkakadapa.
"Oh, nakaya niya pang tumayo Krezha. I thought malulumpo na siya hahaha,"
"Akala ko nga rin Kiara tuluyan ng lulumpuhin ni Krezha si Trixie,"
"Wala ka pala Krezha eh. Hindi mo matataboy si Trixie rito sa school,"
"Shut up you two, will you?!"
Tila tuluyan nang nasira ang pasensiyang kanina pang pinipigilan ni Krezha dahil nagawa niya pang hablotin ang braso ko nang pwersahan.
"You!" Pinaharap niya 'ko sa kaniya. Hindi gano'n ka linaw ang paningin ko pero sapat na 'yon para makita ko ang galit na galit na mukha ni Krezha habang dinuduro ako.
"Hindi ka ba talaga aalis sa school na 'to?!" Sigaw niya.
Mabilis akong umiling na siyang ikinaawang nang kaniyang labi. Marahil hindi inaasahan ang mabilisan kong pagsagot.
"Hindi," sabi ko sa mahinang boses.
Hindi siya nakapagsalita agad. Kumurap-kurap muna ako ng ilang beses para kahit papaano ay maging malinaw ang aking paningin.
"Bitiwan mo 'ko." Matigas kong sabi. Pero imbes na sundin ang gusto ko ay ngumisi lang si Krezha at hinigpitan ang hawak sa braso ko.
"Bibitiwan lamang kita kung sasabihin mong bukas na bukas din ay hinding hindi ko na makikita 'yang pangit mong mukha!" Sigaw niya at bahagya pa akong napaatras dahil sa lakas no'n.
Pilit kong tinatagan ang sarili na h'wag bumigay sa oras na 'to kahit pa nararamdam ko na ang mabigat na emosyon na nakabalot sa puso ko.
Mabilis akong umiling sa kaniya at hilaw na ngumiti.
"I'm staying at hindi ako aalis dahil lang sa gusto mo." Matigas at seryoso kong sabi.
Mas lalong sumiklab sa galit ang mga mata ni Krezha. Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa braso ko at marahas niya 'ko hinila palapit sa kaniya.
Napapikit ako nang maramdaman ang kaniyang kuko sa balat ko.
"Get ready then because I will do everything in my power to make your life a living hell." She said in finality at marahas akong binitiwan at nilampasan.
To be continued...
Hello, Jhines! Thank you for reaching this far and finishing this book. I finished it within two months! Despite of the busy schedules of mine, the school works, and revising my other stories I still made it to an end. I am beyond proud to myself for reaching this. Actually this is my first time writing a story on GoodNovel and now I was able to complete my first ever novel. I hope that despite of my mistakes as I write this novel I still make you smile. I hope you will continue to support my next stories. To all who read my first story, from the buttom of my heart thank you so much. May this story will serve as a lesson for you to still fight all the problems will comes in your life. That no matter how hard it is you won't give up and even if the person you love doesn't choose you, you will always choose yourself. Kairo Ace De Guzman and Zialla Trixie Alcantara is now signing off. Hanggang sa muli, jhi
Epilogue 1Ang mga luha ko ay nagsunod sunod na ang paglandas ng makompirma kong si Kairo ang yumayakap sa akin. Nagkahalo halo na ang nararamdaman ko ngayon, inis, saya at galit kaya naman hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa bibig ko.Nanigas si Kairo sa likod ko at maya maya lang ay pinihit niya na 'ko paharap sa kaniya."What's wrong?" he cupped my face and looked at me worriedly.I shook my head and bit my lower lip. Napayuko ako at hindi napigilan ang suntukin siya sa dibdib kaya napabitaw siya sa yakap sa beywang ko."It's your fault, you jerk! Sabi mo hindi ka pupunta tapos nandito ka ngayon sa harap ko!" singhal ko at sinamaan siya ng tingin.Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi habang hindi siya nilulubayan ng masamang tingin.Saglit na napaawang ang kaniyang labi bago marahang natawa."Oh. I was just kidding earlier," aniya. Inirapan ko naman siya."Kidding your ass." Tumalikod ako sa ka
EpilogueLIFE IS FULL OF CHALLENGES.Hindi mo makakamit ang tunay na kasiyahan kung hindi mo mapagdadaanan ang mga problema at masasakit na pangyayari sa buhay mo.Sabi nga nila ang buhay ng tao ay hindi lang puro saya at kailangan din nating maramdaman ang sinasabi nilang lungkot at sakit. Dahil pagkatapos daw nito ay roon mo lang makikita o mararamdaman ang isang kasiyahan na hindi mo pa naramdaman sa buong buhay mo.Iyon ang natutunan ko sa mga pinagdaanan ko. Maraming pagsubok ang dumating pero lahat ng iyon ay nalampasan ko kasi hindi ako sumuko. Hindi ako nagpadala sa takot at pangamba sa halip ay mas lalo ko pang pinatapang ang sarili.Kung hindi ko ginawa iyon siguro wala ako ngayon sa kung nasaan man ako. Hindi ko makakamit ang tagumpay kung hinayaan ko ang takot at pangamba na manaig.It's been a month since our moving up. Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay marami ng nagbago. Naging mas close kami ng pamilya
Chapter 50.2Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon kasi ang totoo ay hindi na talaga ako umasa na makakapunta pa siya ngayon.Pero nandito na siya at hindi na dapat ako mag aksaya ng oras. Kailangan ko siyang makausap at kung kinakailangan kong takbuhin ang distansiya namin ngayon ay gagawin ko makausap ko lang siya.Nakita kong sinuotan ng medalya si Kairo ng Mommy niya—Mabilis akong napalingon kay Papa ng maalala ang tungkol sa nalaman kong ugnayan niya sa Mommy ni Kairo. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatitig na siya sa akin."Papa..." usal ko.Pakiramdam ko nabasa niya ang laman ng isip ko dahil mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin."It was all in the past now, Princess. What we had before was just an infatuation. You don't need to worry anything, hm?" aniya.Tumango naman ako at sinulyapan ang pwesto ni Mama. Nagsalubong agad ang mga mata namin at binigyan n
Chapter 50.1Nang matapos lahat ng boys ay kinabahan ako dahil girls na sa section namin ang tinawag. Kaya naman isa-isa na kaming tumayo at pumila sa hagdan ng stage."Alcantara, Zialla Trixie, M. With highest honor," ani ng emcee.Pumaibabaw naman ang malakas na palakpakan sa buong gym ng makaakyat ako sa stage. Nilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko maiwasan ang maluha lalo na't nakikita ko ngayon ang mga taong naging dahilan kung ba't naging miserable ang buhay ko sa school na ito na nakangiti sa akin ngayon.Kitang-kita ko ang paghanga sa mga mukha nilang lahat at ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay mas lalong nagpapalambot sa puso ko.Sino ang mag aakala na ang binubully nila noon ay narito ngayon sa harap nilang lahat at may pinakamataas pa na award? Oh God, this is beyond my imagination."Congratulations, anak. I am so proud of you,"Nawala ang atensyon ko sa paligid nang magsalita si Papa sa tabi k
Chapter 50"Congratulations, baby!"Masayang pagbati ni Mama sa akin nang makababa ako sa hagdan namin. Naroon na silang dalawa ni Papa at naghihintay sa akin.Mabilis akong niyakap ni Mama kaya niyakap ko rin siya pabalik."We're so proud of you, baby. You really did your best on your studies!" aniya ng kumawala sa yakap namin."Thank you, Ma. This is for you and Papa," sabi ko at tinignan si Papa. Ngumiti siya sa akin at lumapit."Saludo ako sa'yo, anak,"Kusang naluha ang mga mata ko ng marinig ang salitang 'yon mula sa bibig ni Papa. Niyakap niya 'ko kaya niyakap ko rin siya pabalik.Ngayong araw ang moving up namin at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko nang makita ang kasiyahan na nakaguhit sa mukha ng mga magulang ko. Lalo pa silang naging masaya ng malaman nila na ako ang highest honor sa batch namin.I can't believe this is happening right now. Kahit ang pagiging highest hono