Excited akong lumingon. Ngumiti sa pag-aakalang si Reynan ang humawak sa akin, pero hindi...
“George…”
Nanlaki ang mga mata kong buong lakas siyang itinulak. Pinagpag ko ang damit ko. Pinahid ang mga brasong dumikit sa balat niya na parang diring-diri.
“Anong karapatan mong hawakan ako?!” Mabilis kong pinalipad ang kamay ko sa mukha niya.
Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal, pero hindi man lang siya natinag. Bagkus, bumalik ang tingin niya sa akin. Maitim ang mga matang para bang gustong sumabog sa galit, pero pinili ang magpigil.
Kumuyom ang mga kamao ko. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko kanina? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinaramdam mo sa akin, at malakas pa rin ang loob mong magpakita sa akin?” Hindi pa sapat ang isang sampal. Sinugod ko pa siya.
“Cherry…hindi nga ako susuko…mahal kita!”
“Tama na, George! Tama ang panggugulo sa buhay ko!” Inundayan ko siya ng sunod-sunod na hampas sa dibdib, sa braso, kahit saang parte na maabot ng kamay ko. “Sinira mo na ako