ANGELO
Hi, Hon.DAWN
Hi...ANGELO
I have a surprise for you.DAWN
What is it?ANGELO
Open the door.DAWN
What? Why?ANGELO
Just open it, Honey.DAWN
Okay.PABUNTONG-HININGANG bumangon si Dawn sa kama, tinungo ang pinto ng kwarto niya at bumaba upang tingnan kung ano ang sinasabi ng kasintahan.
Isang linggo na siyang nagkukulong sa bahay.
Dalawang linggo na matapos ang kasal nina Greg at Toni. Nakaalis na rin pabalik sa ibang bansa ang mga magulang niya. Dahil sa restaurant business ng mga ito roon ay hindi maaaring magtagal ang mga ito sa Pilipinas. Ipinangako na lamang ng mga ito na dadalaw sa oras na manganak na ang