Share

Chapter 10

LAKING pasasalamat ni Dawn nang pagdating nila sa reception ay nagdadatingan pa lamang din ang ibang bisita.

Hindi pa naman pala sila masyadong huli. Magaling kasing humanap si Art ng alternatibong mga daan, tila alam nito ang mga papasukan kung saan hindi sila maiipit ng traffic.

Naka-alalay pa ito sa siko niya habang papasok sila sa pinagdarausan ng reception.

Lahat ng makasalubong nila ay pawang mga nakangiti sa kanya, na siyempre pa ay ginagantihan niya ng matamis ding ngiti. Halos lahat naman ng naroon ay kakilala niya, dahil bukod sa kapatid niya ang bride, kaibigan naman niya ang groom. Kaya't pareho siyang involve sa mundong ginagalawan ng mga ito.

Kapansin-pansin naman ang extrang tamis ng ngiti at paghanga sa mga mata ng mga kadalagahan sa t'wing mapapadako ang tingin ng mga ito kay Art, na malugod din naman nitong ginagantihan ng matamis na ngiti. Palihim na naiiling na lamang siya.

Dahil siya ang maid of honor, at bestman naman si Art,

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status