=Elvira’s Point of View=
Pagkatapos ng Hearing
Sa wakas ay natapos na ang isa sa pinaka-nakapapagod na araw ng linggong ito. Habang bumababa kami sa hagdan ng korte, dama ko pa rin ang bigat ng lahat—ang paninindigong kailangan ko sa loob, ang pagsisinungaling ni Leon, ang panlalamig ng kanyang mga salita na pilit kong tinanggal sa sistema ko.
Tahimik kaming naglakad palabas, kasama ang legal team. Pero si Zian, hindi ako iniwan sa tabi. Katulad kanina, mahinahon lang siyang nandiyan, hindi kailanman sumobra, hindi rin nagkulang. Parang alam niya kung kailan ako kailangan, at kung kailan sapat na ang presensya niya para magpakatatag ako.
“Halika,” bulong niya sa akin, sabay turo sa van niya sa may parking lot. “Ihatid na kita. Hindi kita pababalikin mag-isa sa bahay na ganyan ang pakiramdam mo.”
Wala akong sinabi. Tumango lang ako. Pagod na pagod na ako para tumanggi. Pero ang totoo, gusto ko rin naman siyang makasama. Kahit pa wala kaming sinasabi sa isa’t isa, sapat na ang