=Elvira’s Point Of View=
“Elle!”
Napamulat ako bigla at napabangon nang marinig ang boses ni Zian, nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa aking harapan na naka hospital gown pa.
“Z-Zian?”
Huminga siya ng malalim at hinawakan ang buhok ko, “You got me worried, mom said you fainted after my operation.”
Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya, p-panaginip ba ang lahat ng ‘yon?
Naluha ako at mabilis na inabot siya upang yakapin. “A-Akala ko n-napano ka na, Zian… A-Akala ko m-mawawala ka sa akin…”
“Hmm?” tugon niya at hinaplos ang likuran ng ulo ko.
“Why are you crying while sleeping hon?” mahinang tanong niya at bahagyang lumayo upang makita ang kabuohan ng mukha ko.
Napalabi ako at hinawakan ang mukha niya. “N-Nanaginip ako ng masama, a-akala ko wala ka na..” nang maalala ang panaginip na ‘yon ay muli na naman akong naluha.
Ngumiti siya sa akin, “Nauna pa nga akong gumising sa’yo. Dad said you are over fatigued and your stress levels are high.”
Ngumuso ako at hinila