"ANO'NG g-ginagawa mo rito?" hawak ang dibdib na tanong niya.
"Ikaw. Ikaw ang ano'ng ginagawa mo rito?" balik tanong nito. Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay.
Napakamot siya sa kilay niya. "Dito nakatira ang asawa ko."
Isang dangkal 'ata ang itinaas ng kilay ni Drake. "Sino?"
"Si Tristan!" Pinandilatan niya ito. Alam naman niyang alam nito kung sino ang napangasawa niya. Alam naman ng lahat ng kabarkada ni Tristan sa San Simon na nagpakasal sila.
"Eh, bakit nandito ka?"
"A-Ano k-kasi . . ." Nahihirapan siyang mag-isip ng idadahilan. Nahihiya naman siyang umamin. "N-Naglilinis pa kasi siya sa taas, a-ayaw niyang makasinghot ako ng alikabok kasi ano, e. Ahmm . . ."
"Amelie, galing ako sa taas. Nag-iinuman kami ro'n at hindi naglilinis."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nito. Napahiya siya. Bakit ba hindi niya naisip na isa ito sa mga bisita ni Tristan?
"Tara!" aya bigla ni Drake sa kaniya.
"Ha?"
"Kape tayo." Inilahad nito ang kamay sa kaniya.
Napalabi siya at napatingin sa mga