PAKIRAMDAM ni Amelie parang ang haba na ng naitulog niya, pero pagtingin niya sa orasan ay halos tatlong oras pa lang pala siya nakatutulog.
Bumangon na siya kahit mas gusto niya pang tumabi sa pagtulog kay Tristan, ang kaso tatanghaliin naman siya. Matagal ang biyahe pauwi sa kanila. Dumiretso siya sa banyo at naligo. Paglabas niya ng banyo nagulat pa siya nang makitang gising na si Tristan.
"Sorry, nagising ba kita?" aniya rito.
Umiling lang ito at hindi na umimik. Nagkusot ito ng mga mata. Magulo ang buhok ni Tristan, pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito—parang mas nakaaakit pa nga itong tingnan sa ganoong ayos.
Nagtuloy na siya sa closet dahil nakalimutan niyang magdala ng damit sa banyo, hindi naman kasi niya akalaing magigising agad si Tristan. Kipkip ang tuwalya sa katawan ay naglakad siya, dama niya naman ang paninitig ni Tristan sa kaniya na ikinailang at ikina-excite niya ng hindi niya maari. Para namang may gagawin si Tristan sa kaniya porke nakatingin ito.
Tumayo