"TALAGANG pinag-iisipan mo ang pagpunta sa America?" tanong sa kaniya ni Tere nang sila na lang dalawa. Nandito sila ngayon sa kuwarto niya—sa bahay ng lola niya sa harap ng bahay nina Tristan.
Marahan siyang tumango.
Nanlaki ang mga mata ni Tere. "M-May nangyari na naman bang problema? Nag-away na naman ba kayo?"
"Nakita ko silang naghahalikan . . ." aniya at hindi na napigilan ang mapahagulgol.
Naaawang niyakap naman siya ni Tere. Sa pagitan ng pag-iyak niya ikinuwento niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Lahat ng hindi niya masabi ay sinabi niya kay Tere at nakagaan 'yon kahit papaano. Medyo nabawasan ang bigat ng dibdib niya.
Inabot sa kaniya ni Tere ang tissue. "Sige lang, iiyak mo lang 'yan," anito na sisinghot-singhot din. Nakikiiyak din kasi ito sa kaniya kanina pa.
Natawa siya kay Tere at inabutan din ito ng tissue. "Gaya-gaya ka naman!" biro niya rito.
"Tange, ganito talaga kapag buntis mababa ang luha," ani naman nito.
Natawa siya saka natigilan pagkatapos ay napat