Beranda / Romance / MagkaDugo / Chapter 3 (Labi)

Share

Chapter 3 (Labi)

Penulis: Bitch
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-22 16:12:54

Inabala ko ang sarili sa nalalapit na graduation namin. Maraming pinagawa na projects ang mga guro. Kaliwa't kanan ang pictorials. Hindi man ako nadawit sa mga may honors pero proud ako dahil isa ako sa mga mapapalad na gagraduate.

Napaangat ang tingin ko ng may umabot sa akin ng bulaklak. Siniko ako ni Rosebelle. 

Si Saymon may hawak na bulaklak at binibigay sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisngi.

"Ara , puwede bang manligaw?" Tanong nito na ikinakaba ng puso ko. 

Humiyaw ang mga kaibigan niya sa likod at maging mga kaibigan ko. Nasa gym kami at kakatapos lang ng practice namin for graduation. Kaya ,maraming nakakita. Nahihiya ako..

"Ah..." Hindi ako makasagot agad. Actually, crush ko siya noon pa man pero nakakabigla talaga na napansin niya ako. Madaming may crush sa kanya dito pero ako ang napansin niya. 

"Ara , matagal na kitang crush. Sana, payagan mo akong ligawan ka.."

Pumikit ako ng mariin at tinanggap ang bulaklak mula sa kanya.

"P-Puwede naman.."

Mas lumakas ang hiyawan ng mga ka kaibigan niya lalo na ng mga kasama ko na tinulak tulak pa ako sa braso. 

Nag appear pa si Saymon at barkada niya. Namumula ako ng sobra. 'Yong feeling na pinansin ka ng crush mo at maraming nakakita. Oh my god!

"Puwede bang mahingi ang number mo?" 

"Puwede.." Lumakas pa ang tulak ng mga kaibigan ko sa akin. 

Teka, lang. Ako yong nililigawan pero mas kinikilig sila kumpara sa akin? Hustisya naman. 

Nagpalitan kami ng numero bago ako umalis para makauwi na. 

"Grabe Ara! Ang dami nang may gusto saiyo dito! Una si Apollo, tapos si Titus! tapos si Lysander! ngayon si Saymon naman! Tirhan mo naman kami Ara!"

Papalabas na kami ng gate pero hindi parin maka move on itong si Rosebelle. 

"Ikaw ba naman ang Queen of the night at Miss sweetheart di'ba? Sinalo na lahat ni Dianara!" 

Napailing iling na lamang ako sa mga naririnig mula sa mga kaibigan. 

Napahinto kami ng makitang naghihintay si kuya Santi sa labas ng pick up nito. 

"Hay, ang guwapo talaga. Ang suwerte ng girlfriend nito."

"Ara, may kapatid kapa ba? Sana meron at single pa."

Humalakhak ako. "Meron pa naman pero ako iyon kaya sorry, hindi tayo talo."

Umingos sila na parang nalugi sa lotto. 

Sa mga lumipas na araw si Kuya Santi palaging seryoso. Alam ko rin na palagi niyang pinupuntahan si ate Anna. 

Nalaman ko rin na mula sa States sila ate para magpagamot. Meron palang sakit sa puso si ate Anna. Dito sa Pilipinas, mahirap maghanap ng heart donor. Sa ibang bansa 'raw marami at milyon ang halaga 'non.

Nanlulumo ako sa mga nalaman ko 'ganon rin sila mama. Gusto kong damayan si kuya pero palagi siyang babad sa pag aaral at sa gig nito lalo na't kailangan niya ng pera para sa nalalapit na exam bago magsara ang klase. 

"Kamusta si ate kuya?" Tanong ko habang tahak na namin pauwi. 

Bumaba ang tingin nito sa hawak kong bulaklak at umiwas. "She's fine." 

"K-Kung meron lang sana akong magagawa kuya.." Mahinang sambit ko.

Biglang bumilis ang patakbo ni kuya sa pick up at nakita kong kumuyom ang panga nito. 

"Wala kang magagawa kaya tumahimik ka nalang Ara." Seryoso ang boses nito. 

Dahan dahan akong tumango. Takot ako kapag nagagalit siya. Hindi ko pa naman siyang nakikita na galit talaga pero, basta, nakakatakot. 

"Kanino galing ang bulaklak na yan?" Tanong nito. 

Huminga ako ng malalim. "S-Sa manliligaw kuya."

He scoffed and clicked his tongue. Nakita ko na naman ang hikaw nito sa dila. Badboy look si kuya at seryoso palagi kaya magdadalawang isip ka kung kakausapin mo o hindi. 

"Sino naman ang mapalad na masasapak ko Ara?"

Napapikit ako ng mariin. Kinakabahan ako. 

"Kuya.. malaki na ako."

Mapanuya siyang ngumisi. "Umiihi ka pa nga sa kama ko Ara, nagpapaligaw ka na. Subukan mo lang...makikita mo."

Kinuyom ko ang kamao. Nagagalit ako at naiinis. Bwesit!

"Bakit ba? Malaki na ako. Kung sila mama at papa nga okay lang bakit ikaw ayaw mo? Kuya lang kita!"

Biglang huminto ang sasakyan. Biglaan ito, kaya yong sumusunod sa amin grabe yong busina at halatang galit.

Napahawak ako sa dashboard ng sasakyan! Mabuti nalang naka seat belt ako! Nalaglag rin ang bulaklak na binigay sa akin ni Saymon sa aking paanan.

Marahas na pinasadahan niya ng palad ang buhok at pumikit ng mariin.

"Anong hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko Ara?" Buong timpi na tanong nito.

Umiinit na ang aking mata sa nagbabadyang luha. Nahihirapan rin akong lumunok. 

Hindi ako sumagot at galit lang na nakatingin sa harap.

"Sagutin mo ako Ara."

"Ikaw ang hindi ko maintindihan e!" Marahang dumaloy ang aking luha. Pinunasan ko iyon at umiwas ulit. Ayokong tingnan siya sa mga mata niya. Pakiramdam ko kasi, malulunod ako.

"Bakit ba ang higpit higpit mo sa akin? Bawal ba akong maging masaya?" 

Tumagal ang tingin nito sa akin at umiwas. Ilang segundo siyang naging tahimik. 

"Masaya ka ba kung may manliligaw saiyo? Masaya ka kung hahayaan kita?" Malamig na tanong nito. 

Hindi ko alam pero nanikip 'yong dibdib ko. Dahan dahan akong tumango. Pero bakit nasabi ko na ang gusto ko parang naging masama lang pakiramdam ko?

"Bahala ka kung 'ganon. Huwag na huwag kang iiyak sakin Ara."

Kahit nasa bahay kami hindi kami nagpansinan. Masaya si mama na malaman na may bumigay sa akin ng bulaklak. Habang si papa naman ay kakauwi lang at lasing na naman. 

Palagi nalang lasing umuuwi si papa pagkatapos 'yong kita sa pagrerenta ag nagagastos niya pa sa pag iinom. Kaya palaging iwas si kuya Santi kay papa dahil palagi silang nag aaway sa pabalang na sagot ni kuya. 

Hindi naman ganyan si papa kapag hindi lasing. Pag nakainom kasi kung anu ano na ang nasasabi niya. Minsan nag aaway narin sila ni mama. 

Ilang araw ang lumipas at ilang araw narin na hindi ako kinikibo ni kuya. Hindi niya ako sinusundo. Hindi niya narin ako tinitingnan. 

Hindi ako sanay sa ganito kasi noon puro pambalewala man ang ginawa niya sa akin pero hindi ganito ka lala.

Masaya ng araw nang aming graduation. Masaya ako para kay Saymon. Ibang-iba 'yong pakiramdam ko habang nasa stage at may hawak na diploma. 

Ang saya ko dahil nandiyan si mama at papa sa aking graduation pero si kuya lang ang wala. 

Kinabahan ako ng lumapit si Saymon sa amin. Papatapos na seremonya at handa na ang ibang ka klase namin para sa kanya kanyang selebrasyon. 

"Ah tita ,tito.Puwede ko bang maimbita si Ara po sa aming resort mamaya? Kasama po namin yong mga ka-batch mate po namin."

Nagkatinginan naman si papa at mama. 

"Puwede naman hijo, pero uuwi mong walang galos ang anak ko." Si papa sa seryosong boses at siniko ito ni mama. 

"Naku hijo, ikaw ba si Saymon? Ang nagbigay ng bulaklak noon kay Ara?" 

Napakamot sa batok si Saymon, biglang nahiya.

"A-Ako nga po tita.."

"Ang guwapo mo palang bata.."

"Ma.. nakakahiya.."

Kinagabihan handa na akong pumunta kina Saymon. Nasa sala ito at hinihintay ako. 

"Ma, Pa ,aalis na po kami!" Paalam ko.

"Umuwi sa tamang oras Ara maliwanag? Umuwi ka bago pa makauwi ang kuya mo dahil magagalit 'yon."

Tumango ako sa kanila. Hindi ko na inisip yong tampuhan namin ni kuya. 

Papalabas na kami ng gate. Isang van ang nasa labas na pag mamay-ari nila Saymon at nandoon sa loob ang iba naming ka batch mate. 

Pinagbuksan ako nito ng pinto. Hindi pa ako nakakapasok ng may bumusina nang motor sa harap. 

Napatingin kami 'doon ng makitang si kuya Santi iyon. Shit!

Hinubad nito ang helmet at kuno't noong tiningnan ako. Hinagod nito ng tingin ang aking suot at tiningnan si Saymon. 

"Saan ka pupunta?" 

"Ah, magandang gabi kuya Santi.."

"Saan ka pupunta Ara?" Pambalewala nito sa pagbati ni Saymon. 

"May handaan sa kanila Saymon kuya. Nakapagpaalam na ako kina mama at papa.."

Ramdam ko ang pagkabalisa ni Saymon sa aking tabi lalo na't matagal bago magsalita si kuya. 

"Ako na maghahatid."

Nangunot ang noo ko.

"Saan iyon bata?" Tanong nito kay Saymon.

"Sa Mapino Resort kuya Santi." Sagot ni Saymon. 

"Mauna na kayo, ako na kay Ara.." Tiningnan ako nito. "Sakay.." Utos nito pagkatapos binigay sa akin ang isang helmet. 

Walang nagawa sila Saymon at naunang umalis. 

Walang imikan kami ni kuya habang angkas kami ng motor. Gabi na at hindi masyadong traffic. Ang alam ko sa kaibigan niya ang motor na ito e. Siguro nasira na namn yong pick up.

Papuntang Mapino Resort dadanan pa namin ang isang barangay. Maputik ang daan papasok doon puro niyog at malalaking puno ang nasa gilid. 

Napakapit ako ng mabuti kay kuya ng biglang bumuhos ang ulan. 

"Shit!" Narinig ko ang mura nito.

"K-Kuya..umuulan.." Alam nito na takot ako sa sobrang ulan lalo na kung kumukulog. 

"Kapit lang..malapit na.."

Kumapit ako ng mabuti pero mas lalo lang lumakas ang ulan. Halos hindi narin makita ang daan kaya bumagal ang pagtakbo ng motor. 

Napatili ako ng kumidlat. 

"K-Kuya.."Naiiyak na ako at napayakap na sa kanya. Basang basa na kaming dalawa. Wala man lang kabahayan dito kundi puro kakahuyan. Nasa dulo pa ng resort. 

Nagulat ako ng niliko niya ang motor.

"Kapit lang, maghahanap tayo ng masisilungan."

Mukhang malabo na makakita kami. Mula kanina ng papasok kami wala akong nakitang bahay. Nasa bayan pa ang mga kabahayan at malayo ito dito.

Hininto ni kuya ang motor sa gilid at mabilis na inalis ang helmet. Inalalayan ako nito pababa at tinulungang ialis ang aking helmet. 

May nakita kaming kubo na sira na. May butas ang bubong at sira sira na rin ang dingding na kahoy pero puwede nang silungan.

Wala itong pinto kaya dire-diretso ang pasok namin. Padarag na nilapag ni kuya sa sahig ang mga helmet at inalis ang kanyang jacket. 

"Dito ka.." Turo ni kuya sa kanyang tabi. 

Hindi pa sana ako makagalaw pero kumidlat kaya mabilis akong tumabi sa kanya. 

Wrong timing talaga ang ulan na ito. 

Hindi ako mapakali dahil maginaw. Nakashorts lang ako at naka sleeveless kaya madali akong ginawin.

Hindi ko masuot 'yong jacket ni kuya kasi mas basa iyon. Laking gulat ko ng naghubad ito ng t - shirt.

"Suotin mo."

Hindi ko iyon tinanggap.

"P-Pero malalamigan ka kuya.." Napaubo ako dahil sa ginaw.

"Tsk, suotin mo na." 

Wala akong nagawa at sinuot na ito. 

Nakatingala lamang ito at nakapikit habang hinihintay namin tumila ang ulan. Nakaupo kami sahig ng sirang kubo.

"K-Kuya..sorry.."Mahinang sabi ko. Nanginginig ako sa ginaw kahit dalawa na ang t shirt ko paano pa siya? E' ,wala siyang pang itaas.

Hindi ito kumibo at nanatiling nakapikit. 

"I know my limits kuya, hindi naman ako magbo-boyfriend pa."

"Ayokong mag boyfriend ka Ara." Sagot nito at nagkatinginan kaming dalawa. 

Nakakalunod ang mga mata niya. 

"Ayokong mag boyfriend ka. Puwede ba?"

Unti unti akong napangiti. "Puwede kuya.."

Umiwas ito at pumikit ulit. 

"Dito ka." Sinenyas nito ang gitnang hita niya habang nakapikit. Hindi ako makagalaw. 

"Giniginaw ako Ara.." Halata sa boses nito na giniginaw. 

Napatingin ako sa labas. Sobrang dilim at sinaw galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa amin. Sa kabila ng sinaw ng buwan ay ang malakas na ulan at hangin. 

Unti unti akong lumipat sa gitna ng mga binti ni kuya na nakaparte. Nakatagilid ako at kinabig niya ako pahilig sa dibdib niya. 

Naramdaman ko ang lamig ng kanyang dibdib kaya kusa akong yumakap sa kanya at hinilig ulit ang mukha sa kanyang dibdib. 

Rinig ko bilis tibok ng puso niya. 

Bumangga ang aking noo sa panga nito kaya nalalanghap ko ang kanyang mabangong hininga. 

"Kamusta ang birthday ni ate Anna kuya?" Tanong ko pero hindi ito sumagot. Nanginginig ito sa ginaw. 

Niyakap ko pa siya ng mahigpit. 

"Ara.." Sambit nito.

"Hmm?" Napatingala ako sa kanya ang siyang pag lapit ng labi namin. Kumalabog ang dibdib ko. Umiwas ako para ibaon ang mukha sa kanyang dibdib pero hinawakan niya ang baba ko at binalik ang pagkalapit ng aming labi. 

"Masaya ako at g-graduate kana." Nanginginig ang boses nito dahil sa lamig. Hindi ako makapagsalita. Sinasamyo ko ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Napapikit ako ng dumampi ang labi nito sa aking pisngi. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • MagkaDugo   Chapter 35(End)

    Chapter 35WakasNatapos ang bakasyon ni Santi, natapos rin ang bakasyon ko. Maraming nangyari sa nagdaang buwan. Santi was really busy. Bagong bukas ang hospital niya. He named it "Sandoval Hospital". Nakita ko kung gaano siya ka sincere bilang doktor. Libre ang check ups ,libre ang gamot. Hindi kamahalan ang singil sa mga pasyente. Marami ring proseso bago iyon nabuksan. Marami ring pinagdaanan.Sabay ang pagiging busy ni Santi ang pagiging busy ko rin. Araw araw ang alis para sa pag ensayo ng rampa para sa Victorias secret fashion show."You're going to wear the fantasy ring Ara!" Paula shriked dramatically."Bago?" I asked. Ang narinig ko lang kasi at alam ko ay Fantasy bra at fantasy wings. Wala akong alam masyado dahil more on, shoots and modelling lang kasi ako kung may kukuhang company.Perfumes, bags, accesories and etc ang aking minomodelan. Ang aking kinikita ay ang aking pinarenovate sa bahay n

  • MagkaDugo   Chapter 34(Bunga)

    Chapter 34Masakit ang buong katawan ko ng bumangon. Uminom sila kagabi, umalis si papa dahil maraming aasikasuhin. Si Ma'am Garcia, umalis rin dahil mamayang gabi, may Alumni ang batch nila kuya Santi. Dito natulog ang mga pinsan namin.As expected, our night went rough. Ang aming kwarto ay ang nasa ika'tlong palapag. Purong kristal ang nakapaligid at natatabingan lang ng makapal na kurtina.He said, this is our house. Aarte pa ba ako? Sa ka'y tagal namin nawalay sa isa't isa magpapakipot paba ako na ayoko? Mahal ko siya at di na yun mababago pa. If he will ask me to marry him why not?Hinila ko ang kumot para takpan ang aking kahubaran. Nakita ko sa mesa ang isang tray ng pagkain. May sticky note pa iyon sa gilid. I smiled widely. Kinakabahan na ako, iniisip ko palang na makakasama ko siya habang buhay, ang dami nang pumapasok na imahe sa utak ko!Naka leave raw siya ng two weeks. Kaya may mga araw pa para mag usap kami sa

  • MagkaDugo   Chapter 33(The Life)

    Chapter 33Mainit ang araw nang nasa isang bangka na kami. Kasama namin si kuya Lance, Flor, Lara,Kathlyn ,ako at si Santi. Naghalo ang masayang emosyon sa akin. All my life,I've been afraid, pero ngayon...unti unting gumaan ang aking pagkatao sa bawat araw na dumaan.Hindi ko inaasahan na ampon si Santi. Dahil magkamukha kami at ang akala kong iisa ang aming magulang.Every life has their own stories. Every single things have their own style. Every tears has a reason. Every person has an equal.Katulad ko, bawat detalye ng paintings ko may kanya kanyang hinuhugutan. Kanya kanyang, istorya sa likod ng mga obra. Ang aking mga luha ay may libo libong rason. Ang aking ngiti ngayon ay may libo libong kahulugan.Pwede ko ba hingin sa diyos na sana...habang buhay na akong ganito? Kami? Away from judgemental people. Away from toxic. Kapayapaan lang at kasiyahan. Pareho ngayon, bawat mukha namin ay may ngiti. Nakita kong mahal na ma

  • MagkaDugo   Chapter 32(Walang Kawala)

    Chapter 32Walang KawalaHindi ko masisisi ang kanyang pananabik dahil ako mismo ganun rin. Uhaw ang kanyang halik, uhaw ang kanyang mga haplos, uhaw rin ang kanyang katawan sa akin. Pagkatapos namin sa ilog, halos hindi ako makatayo. Sinikop niya ako sa bato,binihisan,pinaliguan at kinarga. He's topless habang pauwi kami. Nag aalala ako dahil gabi na at malamig.I felt so drained, really.Tulog na sila lola ng makauwi kami. Patay na ang ibang ilaw sa loob ng bahay. Akala ko tapos na...pero ng nagsimula si kuya Santi sa paghalik sakin nang paakyat sa ikalawang palapag...nasindihan ulit ang apoy na kakapatay lang.I kissed him back. Hindi kasing tindi ng mga halik niya sa akin dahil pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko nasa loob ko parin siya..nararamdaman ko parin.Lasing sa kanyang mga halik nang marinig ko ang pintuan na nabuksan. Dahil nga nakadress lang ako, umangat ang dulo nun nang idispatsa niya ako sa kama. Nagulo ang

  • MagkaDugo   Chapter 31 (Sinasamba)

    Chapter 31SinasambaI am happy for them. Wala akong ka alam alam sa mga nangyari sa kanila noon. Ang alam ko lang, hindi nakasama si Flor kay kuya papuntang abroad. Nagulat ako sa mga nalaman ngayon dahil siya pala ang papakasalan ni kuya Lance."Patawarin mo sana siya Ara. Pasensya na..." si kuya Lance. Humihingi ng tawad sakin para sa asawa. Si Flor ay nasa loob na ng bahay nila. Saglit kaming huminto rito para tingnan ang kanilang bahay. Hindi kalayuan ito sa barangay nila lola Lourdes."Kuya Lance, matagal na iyon.." nakita kong nagkatinginan si kuya at Lance. Ginulo ni kuya Lance ang aking buhok.Mahaba habang usapan pa bago kami umalis. Kasama namin sa sasakyan si lola Lourdes na emosyonal na nakatingin sakin ,ganon rin ang dalawa kong pinsan na si Lara at Kathlyn.Hapon na kami nakadating sa bahay ni lola Lourdes. Ingay ng ibon at ingay ng mga dahon na nakapaligid na mga puno sa bahay ni lola Lourd

  • MagkaDugo   Chapter 30(Santi)

    Chapter 30SantiIlang oras lang yata ang naitulog ko. Pahirapan pa 'yun lalo na't hindi mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Masaya ako na natatakot't sa pagbabalik ni kuya. Sa mga napag daanan ko sa mga lumipas na panahon...parang ayoko nang itulak pa palayo ulit si kuya. Lahat ng pasakit ay gusto kong gamutin sa mga oras na 'to. Gusto ko nalang namnamin ang mga yugtong ito ng buhay ko."Paula...urgent kasi. Dumating si kuya kahapon.."Ang pagtatalak ni Paula sa kabilang linya ay naputol."Ha? Ano?"Umirap ako sa kawalan. "Nandito si kuya..""Oh god! 'Yung nakikita ko sa mga magazine na may kasamang model?""O..Oo..""Bibisitahan kita pag hindi na'ko busy. Bruhilda ka talaga! Mabuti nalang maka cancel kopa yung photoshoot mo ngayon,""Thanks Paul!""Gaga! P.A.U.L.A! Paula! Hindi ko kilala si Paul!"Humalakhak ako dahil ayaw na ayaw nitong tatawagin ko sya sa kanyang pangalan. Nag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status