Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

last updateLast Updated : 2025-05-28
By:  MariaLigayaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
71Chapters
14.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Speaking, Mr. Thompson. What can I--" "I'm looking for my wife, Mr. Montevista. Is she with you, by any chance?" Hinaing nito sa kabilang linya dahilan para magngitngit nang galit lalo si Deiah sa narinig nitong salitang "wife" Ang lakas nga naman ng loob nitong tawagin siya nitong wife pagkatapos siyang pilitin nitong pirmahan ang papel na iyon. "Excuse me. Mawalang galang pero puwede bang piliin mo ang mga salita mo, Mr. Thompson. Ex-wife mo na ako ngayon. Hindi asawa." May diin sa tono ng pagkakasabi ni Deiah sa salitang "hindi asawa" habang ramdam niya ang pangangatog ng tuhod niya. Mas lumalakas na din ang kabog ng puso niya. "Totoo nga. Magkasama nga talaga kayo." Madiing sagot ni Primo, mahahalata sa boses nitong ang nagngingit nitong tono sa pagbitaw sa bawat salita. "Bakit hindi? Ikaw lang ba ang puwedeng humanap ng makakasama?" "Deiah!" Bulyaw ni Primo na halos hindi mapipinta ang mukha dahil sa madilim nitong awra. "I warn you, don't be hasty. Our divorce isn't finalized, we haven't received the certificate. Legally, you're still my wife. Consider the Thompson family's reputation and your dignity." Dagdag niya pang sabi kay Deiah.

View More

Chapter 1

Kabanata I

ANG KWARTO AY TAHIMIK, puno ng tensyon na parang mabigat na ulap. Ang tunog lamang ng orasan sa dingding ang maririnig sa pagitan ng katahimikan nilang dalawa. Si Deiah ay nakatayo sa harap ng malaking mesa, nakayuko at pinipigilang bumagsak ang kanyang mga luha habang ang papel na nakalatag sa harap niya ay tila isang hatol na hindi niya kayang tanggapin.

Sa kabila ng lahat, nananatili siyang nakatingin sa bintana, sinusubukan niyang itago ang panginginig ng kanyang mga kamay. Ang tahimik na paglaban sa kanyang sarili ay nagbigay ng bigat sa bawat paghinga niya.

"P-pwede—pwede bang wag na lang natin ituloy?" Mababa ang boses na tila may tono ng pagmamakaawa.

Ang mga salita ay halos pabulong, puno ng pag-asa ngunit nanginginig sa takot. Nagbakasakali siyang magbago ang isip ng asawa niyang si Primo Thompson, ang lalaking halos perpekto sa mata ng mundo—ngunit sa kanya, siya’y higit pa roon. Siya ang tahanan, ang kanlungan, ang lahat lahat sa buhay niya.

Sa kabilang dako ng mesa, si Primo ay nakaupo, tahimik ngunit matigas ang ekspresyon. Ang lalim ng kanyang mga mata ay hindi nagbabago, nakatuon ito sa dokumentong kakapirma lamang niya. Ang bigat ng kanyang desisyon ay tila hindi gumalaw ni kaunti.

“PWEDE—pwede bang wag na lang natin ituloy?” Ang boses ni Deiah ay mas mahina sa pangalawang pagkakataon, na para bang ang bawat salita ay umaasa na marinig ng puso ni Primo. Ngunit nanatili itong tahimik, ang kanyang malamig na tindig ay parang bakal na pader na hindi matitibag.

"Tapusin na natin ito, Deiah." Ang sagot ni Deiah ay parang kutsilyong tumusok sa puso ni Deiah. Napakagat siya sa kanyang labi upang hindi tuluyang humikbi, ngunit ang sakit ay mas malala kaysa sa kaya niyang taguan.

"Pero... bakit? Bakit parang napakadali para sa'yo na tapusin ito?"

Humakbang siya papalapit sa mesa, ang kanyang mga mata ay puno ng kirot at pagdududa. Ang kanyang mga kamay ay bahagyang nakababa, nanginginig, habang ang puso niya ay umaasa sa kahit anong paliwanag—kahit kasinungalingan man.

Si Primo ay tahimik pa rin, hindi tumingin sa kanya, at ang kanyang malamig na ekspresyon ay nanatiling parang marmol. Ngunit sa kabila nito, may isang bagay sa kanyang mga mata—isang tila nakatagong damdamin na pilit niyang tinatago.

Ang saglit na iyon ay nagbabadya ng mas malalim na kwento, ngunit ang agwat sa pagitan nila ay tila isang bangin na hindi kayang tawirin ng simpleng salita o pakiramdam.

Grandpa is fine, we can stop this nonsense now Madiing saad ng lalaking baritone ang boses.

“Bu-but wha-what if malaman niya ito? Pr-Primo, ba-baka naman p-pwede pang pag-usapan ito.” Sagot ni Deiah saka napakagat sa labi, mapapansing may pag-aalala din siya sa matanda.

“Hindi niya malalaman, kung hindi mo sasabihin Deiah.”

“So, balak mo pa ngang itago talaga?”

“ Pwede ba, can you just sign it na lang? You think so much. It’s easy lang naman, when he finds out then it’s simple to say  na hindi nag-work itong kalokohang ito. Kung hindi ko gagawin ito, kailan pa? Pag-tuluyan ng mawala si Atasha sa akin?”

Napatango na lang si Deiah, wala siyang maisagot sa asawa. Sa mga oras na iyon mas lalo niya ng naintindihan ang lahat. Mas lalong naging malinaw sa kaniya. Sa huli, si Atasha pa din pala ang tunay na dahilan.

Habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha niyang pabagsak sa gilid ng kaniyang mga mata ay sandali niyang iniangat ang kaniyang mukha at itinuon sa harapan niya, kay Primo.

“Pa-paano naman ako?”

Ramdam niya sa mga oras na iyon ang paulit-ulit na pagtusok ng mga karayom sa puso niya sa sobrang sakit. Naninikip sa sobrang sakit. Akala niya sa isang taong kasama niya ito, ay magagawa na niyang mapalitan ang babaeng minamahal nito.

Alam niyang umpisa pa lang ng laban dehado na siya, pero dahil sa lakas ng loob niyang hamunin ang sarili niya ginawa niya pa din ang lahat ng kaya niyang ipakita at iparamdam kay Primo. Ngunit sa huli, ni katiting o pisong pagmamahal man lang ay wala lang siyang nakuha kundi ang tripling sakit ngayon kesa sa araw-araw niyang nararamdaman sa piling nito.

“T-talaga bang w-wala kang n-naramdaman—wala kang-na-naramdaman man lang sa akin ka-kahit konting ambon ng pagmamahal?”

“Deiah, alam mong umpisa pa lang nito ay wala na. Walang-wala hanggang ngayon. At alam mo naman na kaya lang tayo nagpakasal para  kay lolo. Kaya ako pumayag para gumaling ng mabilis ang lolo. And that's it.”

“Pe-“

“Let's not waste time, Deiah. Sign the papers and have Attorney Yochico arrange everything. I'll give you 30 million as compensation for this matter. You can go anywhere and do anything basta malayo ka sa akin at sa pamilya ko.”

“Pa-paano ku-kung hindi ko pir-pirmahan? O-okay lang sa akin kung gusto mo makasama si Atasha, kung hindi ka umuwi dito. Basta mananatili pa din na ako ang asawa mo, Primo. Ayos lang sa akin ang ganoon set-up kahit n--” Napalunok ng tatlong beses sunod-sunod si Deiah.

“You have to, Deiah, trust me. Hindi magiging maayos ang set-up na iyon sa akin, sa iyo, at higit sa lahat kay Atasha. I want to marry her nuon pa man, alam mo iyan higit pa sa mga taong nakakakilala sa akin. Gusto kong bumuo ng pamilya na masaya at tahimik. Not like this. Naiintindihan mo ba ko? Huh? I hope na malinaw lahat ito sa iyo.” Makikita ang madilim na awra nito sa buong mukha habang nakatitig sa mga mata ni Deiah, halos magtagpo ang dalawang makakapal din nitong kilay at mga matang nangungusig sa galit habang nakatitig kay Deiah.

Ilang segundo lang ay inilayo ni Primo ang tingin nito kay Deiah saka napabuntong hininga at tumayo.

“Look, we can’t continue this anymore. This marriage will never work for us. We can’t be happy. I can’t be happy for this. I love someone, I don’t love you, and yes, I will never love you. Never. That’s why, habang maaga pa—let’s stop this loveless marriage.”

Sa pagkakataong iyon, tuluyang nagkaroon ng sariling buhay ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Deiah para tuloy-tuloy na itong bumagsak. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig para makaramdam ng paninigas ang buo niyang katawan sa katotohanang matagal niya ng iniiwasang marinig mula sa lalaking pinakamamahal niya.

Ramdam niya ang bawat kirot na tumatusok sa puso niya hatid ng mga salitang kaniyang narinig mula sa taong inaasahan niyang kahit katiting na pagmamahal ay pauulanan siya. Sa araw-araw na nasasaktan siya, eto ang pinakamasakit sa lahat. Ang ipamukha sa kaniya na kahit kailan ay hindi siya makakayang mahalin nito.

“Basta dapat may pirma na iyan pagbalik ko mamaya.” Aniya nito saka mabilis na dinampot ang susi ng sasakyan na nasa mesa at ang coat nito.

Habang si Deiah, masakit ang pusong pinagmamasdan ang papalayong bulto ng asawa niya.

“Nakuha ko nga ang apelyido mo, but not your heart, hindi ang pagmamahal mo sa akin.” Ang mga salita niya’y parang bulong sa hangin, ngunit bawat isa ay puno ng sakit na nagbabaga sa kanyang dibdib. Sa gitna ng kanyang kalungkutan, napaupo siya sa tabi ng mesa. Ang kanyang mga mata’y mapait na tumitig sa papel na hawak niya, na may pirma ng kanyang asawa.

Kinuha niya ang papel at muling tinitigan ang pangalan ng asawa niya na may lagda na.

“Hindi mo man lang pinalampas ang araw na ito.” Ang kanyang mga luha ay bumagsak, ngunit ang kanyang ngiti ay pilit pa ring nandoon—isang ngiting puno ng kirot. Sa kanyang paningin, ang papel na iyon ay tila simbolo ng pagkatalo, ng isang pag-ibig na kailanman ay hindi naging kanya.

Pagtingin niya sa bar counter, nandoon ang isang cake. Maayos ang pagkakaayos nito, may maliit na kandilang hindi pa nasisindihan. Napalunok siya, pinilit tanggalin ang bigat sa kanyang lalamunan saka Iniwas niya ang tingin, pilit na hinahanap ang lakas sa gitna ng kanyang pagkalugmok.

 “Ano nga ba ang alam niya tungkol saiyo ni hindi ka nga mahal at hindi kahit kailanman mamahalin pa?”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Rie Ma
s author nah Ito please nman bigyan m Ng ending ang story nah ito ang Ganda p nman sna
2025-04-27 15:02:07
0
user avatar
Jhing Solon Herrer
Meron nb update
2025-01-09 00:18:42
1
user avatar
HIRAYA
Mema, ang gandaaa, SULITT! .... Sana ganun din ang lyf ko. Mala DEIAH MONTEVISTA ang dating, kunwari mahirap tas mayaman pala. HIGHLY RECOMMENDED !!! ...
2024-12-11 20:08:20
0
user avatar
HIRAYA
HIGHLY RECOMMENDED!!! ANG GANDA ......️. More update pa po Author 🥹🥹
2024-12-10 16:35:47
0
user avatar
MariaLigaya
Magandang araw po sa lahat. ...️ Maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa at patuloy pong sumusuporta sa kwentong ito. Bukas din po ang puso kong mabasa ang mga komento niyo. ...
2024-11-13 08:44:35
1
user avatar
MissNovemberlace
Highly recommended ko po ito lalo na sa mga naghahanap ng ganitong klaseng twist ng story po. Ang ganda niya I SWEAR Po.
2024-11-09 08:35:24
5
71 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status