LOGINWARNING: Mature Content... ‼️‼️‼️ ISANG balikbayan si Elorda Manalastas, ang may long-time boyfriend for 5 years at in-long distance relationship. Pero gumuho ang lahat nang magpakasal bigla ang boyfriend sa kapatid niya na mas bata sa kanya. Ngunit, maiiba bigla ang kanyang kapalaran. Nabuntis siya at nagpakasal sa isang bilyonaryo na hindi nalalaman ng kanyang buong pamilya. ------- "WHO the f^ck are you!" Malakas na mura ni Jav, nasa isang kuwarto siya at katabi ang isang babae. Bumalikwas ng bangon si Elorda nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makitang hub^'t hub^d siya at katabi ang isang lalaki. "I-Ikaw? G*go ka!" Mariin siyang napatiim, umigkas ang isang kamay niya at dumapo ang palad sa pisngi ng lalaking estranghero. Natigagal si Jav at napahawak sa kanyang pisngi na sinampal ng babae. "P^t*ngna mo rin! Ako pa minura mo... ikaw, na kumuha sa v^irginity ko. 35 years kong iningatan ang katawan ko... ang puri ko. G^go ka!" Mga bulyaw ni Elorda, unti-unti nang naglaglagan isa-isa ang butil ng kanyang mga luha.
View MoreDisclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
‼️Warning: RATED 18 ‼️ NALAGLAG ang bag na hawak ni Elorda habang nakatayo at nakatulalang nakatingin sa kanyang buong pamilya. "E-Elorda..." sambit ni Elina, bigla siyang tumayo nang makita ang panganay na anak. Sumunod din sa kanya si Sicandro, ang kanyang asawa. Tumatakbo na nilapitan ni Elina ang anak. "U-Uuwi ka pala, Elorda. Hindi ka nagpasabi...." Nanatiling nakatayo si Elorda at 'di sumagot sa ina. Nakatulala lang siyang nakatingin sa dalawang tao na nakaupo sa harapan. May puting lamesa at ang buong pamilya niya ay kulay puti ang mga damit. May nakasulat na Harry and Elaine nuptial. Dumaloy ang masaganang luha ni Elorda sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang tuhod at napahawak sa braso ng ina. "El-Elorda..." garalgal ang boses ni Elina na tinawag ang anak. Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mata nang makita ang sobrang sakit sa mga mata ni Elorda. "A-Ano pong ibig sabihin nito? B-Bakit maraming tao at anong okasyon?" Mga tanong ni Elorda na nanginginig ang kamay na itinuro sina Harry at Elaine. Natigilan si Harry, nahigit niya ang kanyang paghinga at hinawakan ang kamay ng asawang si Elaine na nasa ibabaw ng lamesa. Katatapos lamang ng kasal nila ni Elaine at ang reception ay ginanap sa harapan lamang ng bahay ng mga Manalastas, ng kanyang naging asawa. "Pumasok tayo sa bahay doon tayo mag-usap, anak," mahinang sabi ni Elina. Iginiya niya si Elorda patungo sa loob ng bahay nila, pero sinasalag ng anak niya ang kanyang kamay. "Ayoko po... sabihin n'yo na sa akin! Ano ang ibig sabihin ng mga nakikita ko?" Tanggi ni Elorda, panay pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Please, Elorda. Huwag kang mag-eskandalo dito," pakiusap ni Elina sa anak. Nabaling ang tingin ni Elorda sa ina. Matapang ang anyo na pinunasan niya ang mga luha niya. "Sa akin po kayo nakikiusap na 'wag mag-eskandalo? Nay, kauuwi ko lang po. Hindi ko sinabi sa inyong lahat na uuwi ako dahil gusto ko kayong i-sorpresa lahat. Alam ko na matutuwa kayo. Pero, ano po ito? Ano itong sorpresa n'yo sa 'kin? Wala ni isa inyo ang nagsabi na kasal pala ito ng kapatid ko at ng boyfriend ko!" Nagbulungan ang mga tao. Lahat ng mga bisita ay natuon ang mga mata sa kanilang mag-ina. Napayuko si Elina at napaluha. Yumugyog ang kanyang mga balikat. Lumapit na si Sicandro at nakatiim na hinatak si Elorda papasok sa loob ng bahay nila. "Tatay..." habol na sabi ni Elina sa asawa. Napapadaing naman si Eloeda sa higpit ng hawak ng ama sa kanyang braso. Isinalya ni Sicandro ang anak paupo sa sopa. "Pinakiusapan ka na ng Nanay mo na dito sa loob ng bahay mag-usap! Gusto mo pang pag-piyestahan tayo ng mga kapitbahay natin dahil sa pag-e-eskandalo mo, Elorda!" "Ako pa po ang may mali, 'tay? Niloko po ako ni Harry, at ang masakit. Kapatid ko pa ang ipinalit niya sa akin. Sana ipinaalam n'yo man lang para hindi ako naging parang t*nga. Alam n'yo po ba kung gaano kasakit ang tinaraydor ng sariling pamilya? Sobra pong sakit... nadudurog ang puso ko ngayon. Lahat kayo, tinatraydor ako!" Napayuko si Elorda at humagulhol ng malakas na iyak. "B-Buntis na si Elaine. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang ipakasal sila ni Harry," mariing paliwanag ni Elina. Umangat ang tingin ni Elorda. Nagulantang siya sa nalaman. Gumuho ang mundo niya sa kaalamang matagal na pala siyang niloloko ng kanyang kapatid at boyfriend. Ang masakit pa, nagbunga ang panloloko sa kanya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. "B-Buntis na si Elaine... kahit kailan ay hindi naman kami nag-away ni Harry. Pa-Paanong nangyari 'yon?" Isang malaking katanungan na hinahanapan ni Elorda ng sagot. Paanong nagawa siyang lokohin ni Harry Pumasok si Harry sa loob ng bahay, kasunod si Elaine. Napadako ang tingin ni Elorda sa kanyang nobyo, dating nobyo na pala. Asawa na ito ng kapatid niya, kakasal lang nila. Nilapitan siya ni Harry. Nakatuon lang ang mata ni Elorda sa dating nobyo. "I'm sorry, Elorda. Hindi kita nahintay. Kasalanan ko 'to. Nakikita kita araw-araw kay Elaine. Natukso ako. Kaya ako lang ang dapat na sisihin mo. Sa akin ka lang dapat na magalit hindi sa pamilya mo..." paghingi ng tawad ni Harry. Inako rin niya ang kasalanan. Mariing napatiim si Elorda. Malakas na sinampal si Harry. "Walang hiy* ka! Iyan lang ang rason na sasabihin mo sa akin. Natukso ka! G*go ka ba! Harry, nagtatrabaho lang ako sa para sa pamilya ko. Nangako naman ako sa'yo na tatlong taon na lang. Magpapakasal tayo. Pagkatapos, ipagpapalit mo ako sa kapatid ko pa talaga! Wala kang kwentang lalaki!" Muli niyang pinagsasampal si Harry. Hindi umiwas ang dating nobyo at tinanggap ang lahat ng kanyang galit. "Ate, tama na! Wala ka nang magagawa. Buntis na ako at kasal na kami ni Harry. Kung sana hindi mo siya iniwan, e, 'di sana hindi siya natukso sa ibang babae," pagtatanggol ni Elaine sa asawa. "Anong sabi mo, Elaine? Natukso si Harry o tinukso mo? Alam ko naman na may gusto ka sa boyfriend ko noon pa. Pero hindi ko iyon pinansin dahil alam ko na hindi mo magagawang sulitin ang boyfriend ko sa akin. Dahil din sa kapatid mo 'ko kaya malaki ang tiwala ko sa'yo at kay Harry. Mali pala ako ng akala, e. Isa ka rin palang maharot, inakit mo ang boyfriend ko para mabuntis ka. Ako pa na kapatid mo ang niloko mo talaga na walang ginawa kundi ibigay ang lahat ng inyo!" Bulyaw na tugon ni Elorda. "Pasensiya ka na, Ate. Hayaan mo na lang kami. May anak na kami. Kawawa naman ang magiging anak namin kung mawawalan siya ng ama..." humina ang boses ni Elaine. Para na itong nakikiusap na hayaan na lang ni Elorda sila. Marahas na huminga ng malalim si Elorda. Gusto niya pang magwala. Pero wala na siyang magawa. Lulunukin na lang ba niya lahat ng sakit na nararamdaman? "Ito ang pinakamasakit... Isinakripisyo ko ang lahat sa inyo... ibinigay ko ang mga kapritso ninyong lahat! Ultimo pambili ng mga underwear n'yo, ako pa ang bumibili. Pero, ano? Ano ang sukli sa lahat ng sakripisyo ko? Ito ba? Panloloko, pag-traydor at sakit ng kalooban," hinanakit na sabi ni Elorda at nagmamadaling lumabas ng bahay nila, dala ang maleta niya.MABILIS na lumipas ang mga araw, ika-anim na buwan na ng pagbubuntis ni Elorda. Patuloy ang kanyang pagpapahinga, bawal pa rin siyang magkikilos. Pansamantala ay sa bahay na muna nila nanunuluyan ang kanyang Inay at Itay para may makasama silang mag-iina sa bahay. "Inay, ako na po ang gagawa niyan. Puwedeng-puwede ko naman pong gawin kahit ang maghugas ng plato. Bakit ba lahat na lang dito sa bahay ay hindi ako puwedeng gumawa?" sabi ni Elorda na medyo napataas ang boses. "Anak, hindi sa binabawalan ka. Pero, isipin mo ang batang nasa sinapupunan mo. Ayaw lang namin na may mangyari na hindi maganda sa inyo. Lalo't mahina ang kapit ng bata. Nag-aalala lang kami sa'yo, kaya 'wag mong mamasamain iyon," sabi ni Elina sa anak. "Pero, inay, nagmumukha po akong inutil sa sarili kong bahay. Lahat ng galaw ko po ay limitado. Pati ang kambal hindi ko na maasikaso..." hinanakit ni Elorda. Dahil sa kanyang sitwasyon, hindi na nagagawa ni Elorda ang dating pag-aalaga sa kanyang mag-ama. Siya n
HALOS paliparin ni Jav ang kanyang sasakyan makarating lamang sa ospital at mapuntahan ang asawa't anak. Habang nagmamaneho, halos hindi na makita ni Jav ang daan sa tindi ng kaba at takot. Paulit-ulit niyang pinipigilan ang sarili na mag-panic, pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya sa manibela. Iniisip niya ang kanyang mag-ina, sana'y ligtas si Elorda at ang anak nila. Pagdating ni Jav sa ospital ay agad siyang tumakbo sa emergency room. Doon niya nadatnan sina Uno at Dos na magkayakap at parehong umiiyak. Agad niyang nilapitan ang kambal at niyakap “Nasaan si Mommy ninyo?” nanginginig ang boses niya. “D-Daddy, natumba po si Mommy. Ang sabi ng doktor, mataas daw po ‘yung dugo niya,” umiiyak na sabi ni Dos. Pinunasan ni Jav ang mga luha ng kanyang mga anak. Saka, tumayo at lumapit sa nurse station. “Excuse me, asawa ko si Elorda Monasterio. She's five months pregnant. Kumusta siya ngayon?” Tumingin ang nurse sa kanya. “Sir, nasa loob pa po ng ER. Mataas po ang blood press
UMAGA, hinatid ni Jav sina kambal sa eskwelahan habang naiwan si Elorda mag-isa sa bahay. Papasok pa siya sa trabaho. Ang simple na ng pamumuhay nila. Pero kuntento at masaya si Jav sa pinili niyang buhay. Nag-ooffer ng tulong ang mga kaibigan niya pero nahihiya na siya. Kaya kahit na parang nakakababa ng pride, ayos lang sa kanya. Basta buo at kasama niya ang kaniyang pamilya. "Jav, pakitapos ng report. Dahil dinig ko mayroon daw malaking party ang kompanya mamayamg gabi," balita ni Mando. Si Mando ay ang head department nila. Hindi malaman ni Jav kung paano ito naging head ng Accounting kung hindi naman ito ang madalas magtrabaho. Dahil lang sa may posisyon ito sa kompanya. "Yes, Sir. Matatapos na po ang report maya-maya." Malakas siyang tinapik sa balikat ni Mando. "Iyan nga, bata. Alam mo magaling ka talaga. Hindi na ako magtataka dahil isa kang Monasterio, nasa dugo niyo ang pagiging matalino sa negosyo. Sayang lang dahil pinili mo ang ibang landas." Ngumiti lang si Jav, ka
"MAHAL, sa loob ka na. Mahamog na rito sa labas," aya ni Jav kay Elorda. Nasa garden sila nagpapahangin. Sa haba ng taon sinubukan nilang magkaroon muli ng supling ay hindi sila nabiyayaan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng tatlong taon ay nagkaroon muli sila ng panibagong anak. Medyo nangangamba na nga si Jav dahil sa edad ni Elorda. Baka hindi na nito kayanin ang manganak muli. Todo rin ang kanyang suporta at pag-aalaga kay Elorda. Nagtatrabaho na lamang si Jav sa isang kompanya at sina kambal ay nasa unang baitang na. Umuwi na rin sa probinsiya si Neng, kaya sila na lang ang nasa bahay. Hindi na rin nila kakayanin ang gastos kung kukuha pa sila ng kasama nila sa bahay. "Gusto ko pa rito. Mas masarap angm simoy ng hangin sa labas kaysa loob ng bahay," tanggi ni Elorda na marahang hinaplos ang kanyang tiyan. Limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at hanggang ngayon ay hindi nila alam kung babae o lalaki ang kanilang anak. Dahil sa ayaw ng asawa niyang malaman
Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Busy po ako sa pag-aalaga ng baby at anak ko. Masyado lang din po akong maraming ganap sa buhay din. Pero, ito na po. Mag-start na po ako ng update at nasa Book 2 na po tayo. Pero, same po lahat ang character. Abangan n'yo po ang susunod na kabanata. Nagpapasalamat po pala ako sa inyo mga mambabasa, sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng update. Nababasa ko po lahat ang comment n'yo, hindi ko lang po kayo mareplayan isa-isa. Sorry po sa mga nagalit. Kasama po lahat iyon sa story nila. Marami pong salamat ulit and God bless us all 🙌🫶 Mahal ko po kayong mga readers🫶 Love lots, Rida Writes
MATAAS ang araw nang makarating silang mag-anak sa amusement park. Hindi nakasama si Neng at piniling maiwan sa bahay. Maaga pa pero marami nang tao sa park. May mga batang may hawak na lobo, mag-asawang magkahawak-kamay, at mga pamilyang gaya nila, naghahabol ng oras para lang makalimot sa bigat ng buhay. “Daddy, look! Ferris wheel!” turo ni Dos, sabay hila sa kamay ng ama. Ngumiti si Jav. “Oo nga, anak. Gusto mo bang sumakay?” Tumango si Dos na may ngiting abot-tainga, habang si Uno naman ay tumatakbo na patungo sa merry-go-round. “Ako po doon, Daddy!” sigaw ni Uno. Napatawa si Elorda at hinawakan si Jav sa braso. “Hati tayo. Ikaw kay Uno, ako kay Dos?” “Deal,” sagot ni Jav na bahagyang nakangiti. Ramdam pa rin niya ang kirot ng kahapon, pero habang pinagmamasdan ang saya ng mga anak, parang unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Habang sumasakay sila sa merry-go-round, pinagmamasdan ni Jav si Uno na halatang tuwang-tuwa sa kabayong sinasakyan nito. “Daddy, ang bilis! Parang l












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments