"Nagpunta siya dito para kay Miss Beatrice dahil may importante siyang sadya. Pwede mo ba kaming tulungan na matawagan siya sa taas?" Tanong ng guard.
"Siya?" Paingos nitong saad bago umiling. "Halos lahat naman hinahanap si Miss Beatrice. Marami na akong narinig na ganyang klaseng dahilan mula sa mga katulad mo. Nagpapanggap ka lang naman na car dealer para guluhin si Miss Beatrice, diba?"
"Noong nakaraan, nagpanggap siya na isang fire and sanitation worker tapos kinunan niya ng litrato si Miss Beatrice ng walang paalam. Pasalamat ka at mabait si Miss Beatrice at hindi ka ipinakulong! Stalking yang ginagawa mo! Hindi ka pa talaga nadala at ngayon may bagong palabas ka na naman? Ang obsessed mo rin ano? Nakakahiya talaga ang mga fans na desperadang gaya mo!" Dagdag pa nito.
Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Graciella. "Importante ang sadya ko dito at wala akong panahon para sayo. Kung sakali ba na pumalpak itong transaction ko, handa ka bang managot?" Bagama't mahinahon, puno ng dii