Share

Kabanata 360

Penulis: Georgina Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-24 20:22:20

"Baliw ka ba? At si Miss Beatrice pa talaga ang magnanakaw sayo?" Hindi makapaniwalang sambit ng receptionist.

Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Graciella sa receptionist kasabay ng kanyang panlalamig.

Alam ba talaga ni Graciella ang kanyang ginawa?

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nag-isip ng paraan. She can't be discovered this time at baka malalagot na talaga siya kay Levine! Pero bago paman siya makapagdesisyon, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid.

"Anong nangyayari dito?"

"Sir Oliver!"

Mabilis na lumapit ang receptionist at security guard sa bagong dating. "Sir Oliver, isa po siyang makulit na fan ni Miss Beatrice at nagpupumilit na pumasok," sumbong ng receptionist at sinamaan pa ng tingin si Graciella.

Nangunot naman ang noo ni Oliver at nagpalipat-lipat pa ang tingin sa receptionist at kay Graciella. Nang makita niya ang reaksyon ng babae, sigurado siyang may nangyaring hindi maganda.

"Kaibigan ko siya at h
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
magadang ginawa m kasuhan m nlng cya .. d lahat Ng gusto pumpabor s nkanya.. pg malaman p n drake's un ginawa nya KY Graciela.. mananagot cya
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Ayan gnyan nga Graciella hwag mong patawarin ipahiya m dn kng baliw xa mas lalo m syang baliwin
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 361

    Nangapal ang mukha ni Oliver sa naging sagot ni Graciella. Oo nga naman. Sino nga ba siya sa buhay nito? Kahit pa presidente siya ng Inoue Corporation, wala namang pakialam si Graciella sa kanya.Gayunpaman, hindi siya nagpahalata at mabilis na nakabawi. "Then kahit para nalang kay Kimberly. Magkapatid naman si Kimmy at Beatrice. Nag-aalala ako na baka tuluyan ng magalit si Kimmy kay Beatrice dahil sa nangyari at mawawalan sila ng pag-asa na magkasundo."Sandaling tinitigan ni Graciella si Oliver bago siya nagsalita. "Mukhang mali yata ang pagkakaintindi mo kung bakit nagpunta ako dito, Mr.Inoue. Wala akong balak na ipahiya si Beatrice o ipagkalat ang nalaman ko kung yun ang iniisip mo."Mabilis namang napatango-tango si Oliver. "Yeah, right. Tama ka sa sinabi mo."Dahil kung balak nga niting ipahiya ang kapatid niya, wala sana si Graciella sa harapan niya ngayon. At napagtanto niyang kaya nagalit ang babae ay dahil sinadya itong iset-up ni Beatrice para ipahiya.Napakabobó talaga ng k

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 360

    "Baliw ka ba? At si Miss Beatrice pa talaga ang magnanakaw sayo?" Hindi makapaniwalang sambit ng receptionist.Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Graciella sa receptionist kasabay ng kanyang panlalamig.Alam ba talaga ni Graciella ang kanyang ginawa?Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nag-isip ng paraan. She can't be discovered this time at baka malalagot na talaga siya kay Levine! Pero bago paman siya makapagdesisyon, isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid."Anong nangyayari dito?" "Sir Oliver!"Mabilis na lumapit ang receptionist at security guard sa bagong dating. "Sir Oliver, isa po siyang makulit na fan ni Miss Beatrice at nagpupumilit na pumasok," sumbong ng receptionist at sinamaan pa ng tingin si Graciella.Nangunot naman ang noo ni Oliver at nagpalipat-lipat pa ang tingin sa receptionist at kay Graciella. Nang makita niya ang reaksyon ng babae, sigurado siyang may nangyaring hindi maganda."Kaibigan ko siya at h

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 359

    "Nagpunta siya dito para kay Miss Beatrice dahil may importante siyang sadya. Pwede mo ba kaming tulungan na matawagan siya sa taas?" Tanong ng guard."Siya?" Paingos nitong saad bago umiling. "Halos lahat naman hinahanap si Miss Beatrice. Marami na akong narinig na ganyang klaseng dahilan mula sa mga katulad mo. Nagpapanggap ka lang naman na car dealer para guluhin si Miss Beatrice, diba?""Noong nakaraan, nagpanggap siya na isang fire and sanitation worker tapos kinunan niya ng litrato si Miss Beatrice ng walang paalam. Pasalamat ka at mabait si Miss Beatrice at hindi ka ipinakulong! Stalking yang ginagawa mo! Hindi ka pa talaga nadala at ngayon may bagong palabas ka na naman? Ang obsessed mo rin ano? Nakakahiya talaga ang mga fans na desperadang gaya mo!" Dagdag pa nito.Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Graciella. "Importante ang sadya ko dito at wala akong panahon para sayo. Kung sakali ba na pumalpak itong transaction ko, handa ka bang managot?" Bagama't mahinahon, puno ng dii

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 358

    Nagkatinginan naman ang mga empleyado sa labas at mapigilan ang sarili na magbulungan lalo na ang grupo nina Greta."Tingnan mo nga naman itong si Graciella. Kung makaasta akala mo kung sino tapos magkakamali rin pala," natatawa pang sambit ng babae."Ang yabang-yabang niya kasi. Kinarma tuloy," segunda naman ni Eva."Pasensya ka na talaga, Graciella. Kasalanan ko ang nangyari," ani Clara sa mababang tono.Tipid na ngumiti si Graciella bago tinapik ang balikat ng babae. "Wala kang kasalanan, Clara at wag ka ng masyadong mag-alala pa, ako na ang bahala dito. Bumalik ka na sa trabaho mo."Huminga ng malalim si Graciella. Mukhang mapapasabak yata siya ngayong araw sa isang hindi magandang laban. Napailing nalang siya bago dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ni Beatrice. Nakailang dial pa siya bago tuluyang sinagot ng babae ang tawag."Pasensya na kayo sa abala, Miss Beatrice pero pwede ko bang matanong kung nasa inyo na ang official receipt ng sasakyan? Wala kasi dito s

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 357

    Mas lalong nakaramdam ng kaba si Arata nang wala siyang nakuhang sagot mula kay Levine at pawang katahimikan lang. Muli pa niyang sinipat ng tingin ang kanyang suot pero wala talaga siyang mahanap! Nang akmang tatanungin niya si Levine kung tungkol saan ang papel pero pinatayan na siya nito ng tawag.Pabagsak na napaupo si Levine sa kanyang swivel chair at napasabunot pa sa sarili niyang buhok. Pakiramdam niya sasabog na ang ugat niya sa noo ng wala sa oras. Hindi na nga siya nakatulog ng maayos kagabi tapos nadagdagan pa ngayon! Pakiramdam niya may pumipigil sa kanya para makuha ang papel at malaman kung ano ang laman niyon. Siguro ito na ang resulta ng pagiging maluwang niya kay Beatrice!Nagpupunas naman ng pawis si Arata. Pakiramdam niya nakagawa siya ng malaking kasalanan kay Levine kaya hindi siya mapakali. Hindi niya inaasahang napakaimportante pala ng coat sa pinsan niya. Hiniram lang naman niya iyon dahilay blindate siya!Nasa ganun siyang sitwasyon nang isang napakagandang

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 356

    Nang makabalik si Graciella sa loob ng kanyang silid ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Kimmy. Sa matamlay niyang pakiramdam, sinagot niya ang tawag nito."Kumusta Graciella? Anong reaksyon niya sa ibinigay mo sa kanya?" Excited na tanong ni Kimmy."Tinanong ko siya kung nakita na ba niya ang laman ng papel tapos sabi niya pag-iisipan niya muna," malungkot niyang sambit.Napapikit si Graciella nang magpakawala si Kimmy ng sandamakmak na mura sa kabilang linya. "Baliw na lalaki! Dala mo ang anak ninyong dalawa tapos pag-iisipan pa niya ang tungkol sa pagbubuntis mo? Utak monggo yata yang asawa mo, Graciella!"Malakas na napabuntong hininga si Graciella. Akala niya ay okay na silang dalawa ni Drake. Sinabi nitong mahal siya nito. Hindi pa ba handa ang lalaki na magkaanak sila? May balak parin kaya itong hiwalayan siya? "Di bale na. Kakausapin ko nalang siya bukas," buntong hininga niya tugon."Iniwan ka na nga niya sa gitna ng hapunan ninyo tapos ganyan pa siya! Nakakainis siya alam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status