( 25 Years later )
Napapakamot nalang ng ulo si Cashandra habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nasayang ang taon niya sa lalaking pinag laanan niya ng oras at laway sa loob tatlong taon.Hiniwalayan siya ni Lucas dahilan na boring at pakipot . ''ano gusto niya makikipag se* ako sa kanya na hindi kami kasal .Kapal ng mukha '' gusto niyang ibato ang hawak na cellphone pero naisip niya wala siyang pera para makabili siya agad agad ng kapalit . ''ohh ano na namang sentimenta yan Cash .Nag away na naman ba kayo ni Lucas?" napasimangot nalang siya dahil tuwing nakikita siya ng kaibigan niyang si Diane ay kung hindi sila nag away ni Lucas badtrip siya sa trabaho . ''mabuti sana kung nag away kami kaso hindi !! paano nakipagbreak ang loko kala mo naman kung sino '' galit nitong saad . Ang dami na nga niyang problema dumagdag pa ang lalaking naging sakit sa ulo niya rin dahil nahuhuli niya itong may kalandian pero lagi lang siya naniniwala sa paliwanag ni Lucas . ''ah kaya ka pala nagmukmok dyan .hAYYY naku Cash kung ako sayo wag mo ng isipin ang lalaking yon malas siya sa buhay mo " sermon ni Diane sa kanya nasa apartment siya ngayon para sunduin .Ulilang lubos na siya dahil ang mga magulang niya ay naaksidente at ayon sa lola niya kagagawa ng mga Fortillen.Bata palang siya noon pero laging sinasabi sa kanya ng lola niyang masasama ang mga Fortillen at sila ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ina at ama . Pagkatapos ng bangungot na naganap sa kanya noong bata siya ay ilang taon bago nagpakita ang ama niya at pero ilang buwan lang ang masaya nilang pamilya ay biglang naging masalimoot dahil sa pagkawala ng kanyang mga magulang na ayon sa mga pulis sadyang aksidente ang naganap ngunit pinagpipilitan ng kanyang lola na kagagawan ng mga Fortillen dahil ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting bahay ay pilit kinukuha ng mga ito dahil ayon sa mga matatanda may mga nakabaon na ginto . Hindi naman siya naniniwala dahil bata palang siya noon at wala pang paki alam sa ganung bagay . ''tara na sa bahay !!'' hindi niya gustong umalis sa apartment na tinitarhan niya dahil doon nabuo ang masayang ala ala nilang mag lola .Nakaraang taon lang namatay ang lola Madel niya mabuti nalang at meron ang kaibigan si Diane na handang tulungan siya .Mag isa lang din ito sa kanilang bahay dahil ang ina niya ay nasa ibang bansa para magtrabaho . ''wag ka ng mang hinayang sa apartment na ito kailangan mong tumira sa walang binabayaran Cash para makaipon kana .Pumayag si mama na doon ka sa bahay tumira para may kasama ako kaya tara na at kunin mona ang iba mong gamit '' nalulungkot niyang sinara ang pintuan ng apartment at hinila ang isang malaking maleta .Baon siya sa utang dahil sa pagkakahospital ng lola Madel niya .Nagtatrabaho siya sa isang kompanya ng Fortillen plano niya makilala ng lubusan ang mga taong pinagbibintangan ng lola Madel kung totoo bang may mga kinalaman sila sa pagkawala ng kanyang mga magulang . Nag resign siya sa una niyang trabaho dahil nalaman niyang hiring ang kompanya ng Fortillen kaya agad agad siyang nagpasa ng Resume at laking pasalamat niya dahil natanggap siya agad . Maayos naman ang pasahod nila kaya lang ay hindi sapat para bayaran ang nautang niya sa bangko .Minsan kinakapos siya dahil kunti lang ang naiiwan sa sahod pag naghuhulog na siya sa banko .Naluluha nalang siya dahil may trabaho nga siya pero nagmumukha parin siyang pulubi .Hindi niya magawang bumili ng gusto niyang gamit .Sa pagkain naman ay hindi niya problema dahil may libre sa kompanya para sa kanilang mga empleyado. Kaya sinusulit niya ang pagkain at naawa minsan sa kanya ang mga katrabaho niya kaya minsan binabaunan siya ng mga ito para may pagkain siya pauwi ng apartment. ''ayos ka lang ba ?" tanong ni Diane sa kaibigan na kanina pa ito tahimik .Pagkabukas ng gate nila ay nagpatulong na siya sa mga katulong na dalhin ang mga gamit ni Cashandra para ipunta sa guestroom . Paminsan minsan naiingit siya kay Diane dahil maganda ang buhay at may ina pa .Pero laking pasalamat niya dahil binigyan siya ng taong kayang intindihin siya ng paulit ulit at handang tulungan siya sa hirap at ginhawa . May boyfriend na rin ito at halatang mahal nila ang isat isa kulang nalang kasal para maging for ever na sila . ''Walang forever !!!'' inis niyang saad sa kanyang isip. ''huyyy okey ka lang ba talaga ?" tanong ulit ni Diane sa kanya nasa entrance na sila ng pintuan ay nakatingin lang ito sa kanya at tulala . Sanay na siya sa pagiging lutang ni Cashandra . ''thank you partner dahil binigay ka sa akin diyos '' niyakap niya ito at naluluha siya sa saya dahil finally hindi na siya malulungkot pa . ''ang drama mo halikana kasi kanina pa ako gutom .Nakahanda na sila manang ng kakainin natin '' hinila niya si Cash papunta sa kanilang dinning area . **** ''tara na '' sabay pasok si Theo sa kotse na sumundo sa kanya sa airport.Napapikit muna siya dahil wala pa siyang tulog . Nagmadaling pinaandar ni Arsing ang kotse na minamaneho niya .Sinundo niya ang anak ng kanyang amo dahil galing ito sa Canada at mukhang nagsawa na doon kaya naisipan niyang umuwi . ''manong '' tawag sa kanya ni Theo . ''bakit senyorito?" tinignan niya ito sa salamin na nasa harapan .Napaplunok nalang siya dahil ang seryoso ng mukha ni Theo . ''wala just drive '' gusto niyang pagalitan ito dahil ang tagal niya para sunduin siya . Nagpumilit ang ina niya na ipasundo siya kaya wala na siyang nagawa kundi sundin .Balak niya sana sa isa niyang kaibigan siya magpasundo pero dahil ang ina na niya ang nagsabi ay wala na siyang magawa kundi sundin ito . Nakarating sila sa mansion kung saan nakaabang na ang ina niya sa pintuan kasama ang mga katulong na nakayuko . ''kamusta ang byahe mo anak ?" ginantihan niya ang pagyakap ng kanyang ina . ''maayos lang mom .'' inakay niya ito sa dinning area marami siyang pinahanda na mga paborito ng kanyang anak .Masaya si Melissa na nakarating na ligtas ang anak niya na nakarating hanggang ngayon labis labis parin ang trauma niya sa nakaraan . ''bakit ngayon mo lang naisipan nagbakasyon iho ?" tanong nito sa anak na abala sa pagkuha ng hipon . ''hindi bakasyon ang pag uwi ko dito mom dahil dito na ako mag forgoods '' napataas kilay si Melissa dahil himala na dumito na sa pinas ang anak niya .Napangiti siya dahil magana itong kumain at laking pasalamat niya dahil hindi na lalayo sa kanila ang uniko iho nila . "tama siya kung hindi pa siya pinilit ni mama umuwi yan hindi uuwi" matanda na ang lola niya kaya gusto niya itong makasama dahil hanggang ngayon nasa hospital parin at may nakalagay na oxygen para makahinga ng maayos dahil ayon sa doktor mahina na ang katawan at dahil na rin sa kantandaan niya .