LOGIN''darating si tita ngayon Cash sigurado matutuwa yon sayo kasi pumayag ka ng tumira dito sa bahay '' saad ni Diana sa kanya .Alam niyang magkasundo ang tita Gel at kaibigan niya dahil ang tiyahin niya ang nag paaral kay Cashandra .Hindi niya lang ito madala noon sa kanilang bahay dahil laging may sakit ang lola Melda ni Cash na siyang hindi niya maiwan lagi noon .
''pero Diane hindi ako pwede magtagal dito maka ipon lang ako mag hahanap din ako ng ibang matitirahan .Baka sabihin ng iba mong kamag anak namimihasa ako '' kilala niya ang buong angkan ng pamilya ni Diane .May kaya ang iba sa kanila at hindi din basta basta ang kanilang pagkatao dahil karamihan sa mga tita niya ay nakapag asawa ng mga mayayaman . ''wag mo sila isipin pero kung yon ang pasya mo Cash ay wala ako magagawa basta hanggat wala ka pang naiipon stay here okey '' tinuring na niyang kapatid si Cashandra at yon ang gusto ng kanyang ina na wag silang mag iwanan sa hirap at ginhawa . ''sino pala kasama ni tita pupunta dito ?'' ''sino pa nga ba ?" natatawang sagot ni Diane . Si Nich lagi ang kasama niya tuwing namamasyal sila ang tita Gel niya sa kanila at ampon niya ito . Tanghali na ng nakarating sa bahay nila Diane ang tita Gil niya at kasama nga nito si Nich .Ilang taon na niyang hindi nakita si Nich at masasabi niyang mas lalo itong naging gwapo. Matagal na siyang may crush kay Nich kaya tuwing nakikita niya ito ay namumula lagi ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya at kilig . ''puso mo diba kagagaling mo lang sa brokenhearted'' bulong sa kanya ni Diane .Nakita niya si Cash na namumula na naman ang pisngi habang tinititigan ang pinsan niyang mas lalong naging gwapo . ''che manahimik ka !!" sagot nito habang nakatingin parin siya kay Nich na abala sa selpon . ''kamusta naman kayong dalawa talagang para na kayong kambal tuko dahil hindi kayo naghihiwalay simula nag aral kayo at sa trabaho .Pero maiba ako bakit hindi kayo dumadalaw sa akin sa bahay ?" nagtatampo siya dahil simula naging dalaga na ng lubusan ang dalawa ay bihira na silang pumupunta sa kanyang bahay .Namimiss niya ang mga halakhak nila tuwing kumukuha sila bunga ng mangga sa kanyang farm . Sila lagi ang nagpapasaya sa mga tauhan niya kaya minsan napapatanong ang mga ito kung bakit hindi na pumupunta ang mga batang babae sa farm . ''pasyensya na tita naging busy lang po ako sa pag aalaga sa lola ko noon at alam niyo na naghanap ako agad ng trabaho para naman kahit papaano makita niyo ang worth it sa pag papaaral sa akin '' saad niya na siyang ikinatuwa ni Gil dahil hindi siya nagkakamali ng tinulungan .Alam niyang may potential at interest noon si Cash sa pag aaral kaya kinausap niya ito na siya na ang bahala sa lahat basta mag aral lang ito ng mabuti . ''maraming salamat tita hindi ako makakapg aral kung hindi dahil sa inyo .Utang na loob ko ang lahat sa inyo hindi ko nga alam kung paano ako makakabayad sa inyo '' laking pasalamat niya sa ginang dahil naging mabait ito sa kanya hindi gaya ng isang tita ni Diane na wala itong awa at matapobre .Hindi parin nawala sa kanyang isip ang sinabi niya noon na wala siyang kwentang tao dahil pinag aaksaya lang siya ng pera ng kanyang kapatisd . ''Nich pansinin mo naman si Cash kanina pa siya nagsasalita pero hindi mo siya iniimikan ?" nahihiyang tumingin si Nich sa dalagang tinutukoy ng kanyang ina .Nahihiya siya dahil matagal na panahon na niyang gusto si Cash at wala lang siya lakas loob na kausapin ito dahil nagiging torpe siya pagdating kay Cash . Hindi naman torpe ang tulad niya dahil kung chicks ang usapan kabi kabila ang meron siya .Pero pagdating kay Cash ay nagiging lalaki na walang bayag ang merong ugali na lumalabas sa kanya . Natatawa nalang siya tuwing naiisip niyang lapitan si Cash ay bigla bigla nalang siya nanghihina at pinagpapawisan . ''pa .. pasensya na abala lang ako mama dahil nagkaproblema sa kompanya kaya ito hindi ko na nagawang pansinin ka Cash '' ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ni Cashandra dahil sa pananalita palang ni Nich ay tumatalon na ang kanyang puso sa kilig at tuwa . ''aray ko naman '' kinurot ni Diane ang kanyang tagiliran dahil nagiilusyon na naman ito pagdating sa kanyang pinsan . Marami pa silang napag usapan na masasayang bagay at pangyayari .Nawala saglit ang kanyang problema dahil sa sayang nararamdaman niya sa pagdalaw sa kanya ng tita Gil niya lalong lalo nasa harapan niya ang lalaking matagal na niyang gusto simula bata pa sila .Dahil sa issue sa kanila ni Xavi nagpasyang iwasan nalang ni Faith ang CEO bago pa siya mapatalsik ng wala sa oras . Kailangan niya ang trabaho dahil pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang business kahit maliit lang ang importante ay may sarili siyang pera . '' pinapatawag ka ni sir '' wala siyang nagawa kundi tumayo at pumunta sa opisina ni Xavi . Tumingin pa siya kay Maica at nanlilisik ang tingin nito sa kanya at mukhang hindi nito nagustuhan na papunta na naman siya sa opisina ni Xavi .Gusto man niyang asarin si Maica medyo natatakot naman siya na baka lalong masira ang kanyang pangalan kung patuloy siyang lumapit sa CEO . Pagpasok ni Faith agad na tinigil ni Xavi ang ginagawa nito at tumayo sa harap ni Faith sabay halukipkip at napatitig sa ganda ng mukha ng dalaga .Inaamin na niya sa kanyang sarili na may kaunting pagkagusto na siya kay Faith at hindi na niya iyon maiiwasan pa . ''iniiwasan mo ba ako ?" kahapon pa siya iniiwasan ni Faith at napansin niya ito . '' hind
"mister Fortillen mali ata na ang anak mo ay nakikipagrelasyon sa isang empleyado lamang ." imbes na nakaramdam ng galit si Theo hindi na niya magawa dahil may tuwa sa kanyang isipan na mukhang umiibig na ang kanilang anak . "anong mali doon???" seryoso niyang tanong .Hindi pwedeng ipahalata niya na masaya siya at baka lalong mainis si mister Rivera ."itong larawan na ito nakikipagrelasyon siya sa isang designer natin at mukhang ginagamit ng babaeng yan ang pakikipag sipsip niya sa anak mo para yung design niya lagi ang napipili .Look naging model pa siya ng kompanya ng ganun ganun lang samantala ang dami nating model bakit ito pa ang kinuha ng anak mo " parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa nakita niyang larawan na nakikipagyakapan si Xavi sa isang magandang dalaga .Wala naman mali kung kinuha ng anak niya bilang model ang babaeng kayakap nito dahil ayon sa kanyang asawa na si Cashandra maganda ang napili ng kanilang anak maging model .Bagong mukha at mas lalo silang natuwa dah
'' Xavi pinapatawag mo daw ako ?" kitang kita ni Xavi ang tuwa sa mukha ni Maica . Parang wala itong nagawang masama at mukhang inosente parin . Buntong hininga siyang tumingin sa mga design at nilabas ang kay Maica na sinasabing nawawalang design ni Faith . Hindi sa may pinapanigan siya kundi gusto niyang malaman kung totoo bang ginawa ito ni Maica ,at kung totoo man kailangan managot ito . '' can you explain kung ano ang ibig sabihin ng design mo ?" napalunok ng wala sa oras si Maica habang tinignan ang nakalapag na design sa harap ni Xavi .Akala niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinatawag iyon pala ay ang mag explain lang pala ng design.Nagtataka man ang kanyang isipan kinuha niya ang kanyang design at tinitigan ito .'' bakit isa ba siya sa napili ?" tanong nito . '' oo at gusto ko malaman kung ano ang explaination mo about this '' may tuwa sa kanyang isip .Nagagalak siya dahil napili ang kanyang design pero may inis siya dahil kung hindi design ni Faith mapipil
Napatigil si Maica pagpasok sa kompanya dahil nakita niya ang larawan ni Faith sa mga tarpulin na nagkalat sa buong kompanya .May napansin din siyang billboard na malak mula sa harap .Nainis siya dahil bakit si Faith pa ang kukuning model gayong marami naman silang model . ''grabe asensado na talaga si Faith '' tila hindi makapaniwala ang mga katrabaho ni Faith dahil sa ganda nito .Para sa kanila bagay pala si Faith maging model ng mga alahas dahil napaka fierce ng mukha nito sa mga larawan .. '' pasipsip lang sa CEO kaya naging model '' galit na saad ni Maica sa mga kapwa niya empleyadong nagchichismisan . Hindi niya matanggap na isang tulad ni Faith ang makakakuha sa kanyang pangarap maging model ng mga alahas galing sa mga Fortillen. '' ganun ba iyon ?" naniwala naman ang iba kaya naisip nila kaya pala naging model ito agad dahil pasipsip . '' isipin mo kasi diba lagi siyang napipili sa design tapos kasama lagi ni Xavi '' narinig naman ni Neshie ang paninirang puri n Maica k
Matapos ang kanilang date medyo nakaramdam na rin ng lamig si Faith . Napansin naman ni Xavi kaya binigay niya agad ang suot nitong coat . '' salamat '' saad nito . Medyo nahihiya na siya sa nangyayari sa kanila ni Xavi .Iba talaga ang nararamdaman niya para kay Xavi pero mali kung ituloy niya ito . ''hmm mukhang naantok kana pwede na sigurong pumunta na tayo matulog '' mukhang wala pa silang pahinga kaya at humihikab pa ito ng palihim . '' ayos lang ba sayo ?" naantok na talaga siya at mukhang iba ang epekto ng wine kanina na ininom nila . '' hmm oo kasi maaga pa tayo bukas uuwi '' kailangan nilang umuwi bukas dahil tapos naman na ang kanilang shoot at sigurado pwede ng ireleased ang mga tarpaulin at billboard bukas para sa set ng jewelry nila . ''namili kana ba sa pinasa naming design ng necklace?" tanong nito . Gusto niyang malaman dahil isa sa design niya ang gusto niyang mapili para kahit papaano parang unique ang design na yon na kadalasan ang mga kabataan ngayon ni
Habang panay ang pagpause ni Faith sa harap ng camera nanatiling nakatitig lang si Xavi sa kanya . Hindi siya nagkakamaling kinuha si Faith bilang model nila dahil fit na fit ang alahas na kanilang pinasuot . Pagkatapos ng photoshoot nagpunta muna saglit sa banyo si Faith para makapaglabas ng sama ng loob mula sa kanyang puson .Kanina pa niya pinipigalan para hindi lalabas kaya tinodo na niya kanina ang alam niyang pose para matapos na at makaihi na siya . Lumapit ang cameraman kay Xavi at binigay ang mga larawan na kanilang kuha bago nila ma print at ilagay sa may billboard. '' paki suri nalang lahat ng larawan sir'' '' maganda .. sige pasok na lahat ito '' para sa kanya hindi na pwedeng itago ang mukha ni Faith dahil bagay sa kanya ang pagiging elegante habang suot ang mga alahas . Sa mata ni Faith siya nakatingin para sa kanya ito ang mas nakakapukaw ng atensyon dahil kumikinang ang mga mata ng dalaga .'' po ?" '' bakit may mali ba sa sinabi ko ?" ''wala naman sir sige po at







