Sunod sunod na ambulasya ang dumating sa hospital dala ang mga batang sugatan .
''tama na makakaligtas si Theo wag kang umiyak makakasama sayo yan '' walang tigil sa pag iyak si Melissa habang nakikita niya kung paano irevive ng mga doktor ang anak nitong nag aagaw buhay . ''hindi ko kaya na mawala ang anak natin Tommy alam mo kung gaano ko kamahal si Theo nag iisang anak lang natin siya '' napahagulgol siya sa bisig ng kanyang asawa .Hindi niya lubos maisip na ganon ganon nalang ang nangyari gayong binigay naman nila ang gusto nilang halaga . ''ang dalawang bata kamusta sila?" tanong ni Tommy sa isang doktor . Naalala niya hindi lang ang anak niya nadukot at nasaktan dahil sa inkwentro sa mga kidnappers at mga pulis . Hindi sila sumunod sa usapan kaya naging magulo ang pag kuha sa mga batang hawak nila . '' maayos na ang isa kanila dahil galos lang ang natamo ang isa naman malala gaya ng anak niyo may tama sa baril '' sagot nito . Hindi makapaniwala si Tommy sa nangyari mga inosente ang mga nadamay dahil sa mga kidnappers.Akala niya hindi sasaktan ang mga bata pagkabigay ng pera pero hindi sila tumupad ng usapan .Pagkarating ng mga pulis ay balak tumakas ang mga bata kaya natamaas sila ng mga ligaw na bala . Bumalik siya ulit sa asawa niyang umiiyak parin . ''tama na maayos na si Theo '' sinabi sa kanila ng doktor na ililipat sa pribadong kwarto ang anak nila .Natanggal na rin ang bala na tumama sa ulo nito mabuti nalang at hindi malalim ang pagkatama kaya madali lang nila natanggal .Maraming dugo ang nawala sa batang Theo at yon ang dahil kung bakit naging kritikal ang kanyang buhay . '' hindi pwede anong pinagsasabi mo .Anong puputulin niyo ang binti ng anak ko nasisiraan ba kayo ng isip ? '' galit na salita ng isang babae sa doktor .Hindi niya matanggap na magiging lumpo na ang anak na babae dahil ayon sa doktor matatanggal ang isang binti .Natamaan ng baril ang binti ng anak niya at bumaon ito sa buto kaya kailangan na nilang tanggalin dahil ang pulbura ng bala ay nagkalat na sa loob ng buto ng binti ng bata . ''I am sorry misis Vargas talagang yon lang po ang paraan para hindi na kumalat ang infection sa binti ng anak niyo '' naawa niyang tinignan ang anak na duguan ang damit at walang malay .Pangarap niyang maging beauty queen ang anak niyang babae pero parang hindi na mangyayari dahil sa masaklap na nangyari sa kanya .Kasali ang anak niya sa dukutan na naganap sa isang anak ng isang pinakamayaman sa kanilang lungsod .Balita niya hindi lang ang anak niya ang nadamay dahil may isa pang bata na nakuha ng mga kidnapper at isa din sa dinala ng hospital . --- Nagpasya sina Melissa na sa ibang bansa nalang ipagamot ang anak nila dahil ilang araw na siyang hindi nagigising . Pumayag naman ang mga doktor dahil mayaman ang kanilang pamilya ay walang makakatanggi sa kanilang gusto . ''malalagpasan ni Theo ang lahat ng ito Melissa '' saad ni Donya Theresa sa manugang ng walang tigil sa pag iyak dahil sa pag aalala sa kaisa isa niyang apo . Pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi hindi parin siya kampante kahit sinabi ng doktor na maayos na ang lahat at hintayin nalang gumising pero ilang araw wala parin . Naiintindihan niya na pinapatatag lang siya byenan niya . ''kamusta ang bata na nadamay ?" tanong nito kay Tommy ito ang kumausap sa ina ng batang babae na parehas ng anak niya ay hindi parin gising at malala ang nangyari sa batang babae at napag alaman nilang hindi na ito makakalakad dahil tatanggalin ang isang binti . ''pagbalik natin gusto ko siyang makausap ng maayos '' sumang ayon siya sa gusto ng asawa .Alam nilang may trauma din ito .Inisip niya na kung anak niya magkakaroon ng trauma hindi niya kakayanin kaya gagawin nila lahat para hindi niya maalala ang lahat . Ipinaayos na nila sa mga doktor ang paglipat nila sa Canada para doon na ipagpatuloy ang gamutan ni Theo . **** '' Cashandra kamusta ka apo '' dinalaw ni Madel ang apo nitong kagagaling lang sa hospital .Napag alaman niyang kasali ang apo niya sa naganap na kidnapping. ''ayos lang naman po lola natatakot lang po ako dahil sa mga masasamang tao '' naiiyak nitong sumbong .Niyakap ni Madel ang apo nito at nanginginig ang buong katawan ni Cashandra dahil naalala niya parin ang naganap sa kanila kung paano sila nakatakas sa kamay ng mga lalaking kumuha sa kanila . ''nay dalhin niyo na si Cash dito at kakain na siya kailangan na din malinisan ang mga sugat niya '' kinarga ni Madel ang apo nitong anim na taong gulang .Naawa siya sa bata dahil naranasan nya ang lupit ng mga taong halang ang bituka pagdating sa pera . ''nasaan ba si Fred ?'' hinanap niya ang anak nitong ama ni Cashandra nagtataka siya dahil ilang araw na itong wala simula nahospital ang anak nito ay hindi parin nagpakita . ''ewan ko ba doon nay .Hindi man lang nag aalala sa anak niya .Ang huling usap namin ay noong nagpadala ng pera at mabuti nalang meron yon kundi baka hindi ko alam kung saan ko kukunin ang pambayad sa hospital lalot sa probadong hospital pa nila dinala si Cash '' sagot ni Lumina sa byenan . Abala siya sa pag aahin ng pagkain sa mesa . ''ano ba trabaho ni Fred ?" anak niya ito pero hindi niya alam kung ano nga ba ang trabaho niya dahil minsan nagpapadala ng medyo kalakihan na pera . ''sa minahan nay na pagmamay ari ng mga Fortillen!'' napatingin siya sa manugang na naglalagay ng pagkain sa plato ni Cashandra. Kilala nya ang mga Fortillen ito ang mga taong walang puso sa mga mahihirap at nagkaroon siya ng pag aalala sa anak niyang si Fred dahil alam niya ang pamamalakad ng pamilyang may ari ng minahan .Hindi makatao at walang sinasanto . ''ayos lang ba kayo inay .Kain na kayo at dito na rin kayo matulog '' pumayag siya sa gusto ng manugang niya dahil mismong apo na niya rin ang nagmakaawa na doon siya matulong ngayong gabi . Masaya silang tatlo na kumain habang may isang tao na nagmamanman mula sa madilim na sulok sa labas .( 25 Years later ) Napapakamot nalang ng ulo si Cashandra habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nasayang ang taon niya sa lalaking pinag laanan niya ng oras at laway sa loob tatlong taon.Hiniwalayan siya ni Lucas dahilan na boring at pakipot . ''ano gusto niya makikipag se* ako sa kanya na hindi kami kasal .Kapal ng mukha '' gusto niyang ibato ang hawak na cellphone pero naisip niya wala siyang pera para makabili siya agad agad ng kapalit . ''ohh ano na namang sentimenta yan Cash .Nag away na naman ba kayo ni Lucas?" napasimangot nalang siya dahil tuwing nakikita siya ng kaibigan niyang si Diane ay kung hindi sila nag away ni Lucas badtrip siya sa trabaho . ''mabuti sana kung nag away kami kaso hindi !! paano nakipagbreak ang loko kala mo naman kung sino '' galit nitong saad . Ang dami na nga niyang problema dumagdag pa ang lalaking naging sakit sa ulo niya rin dahil nahuhuli niya itong may kalandian pero lagi lang siya naniniwala sa paliwanag ni Lucas . ''ah k
''darating si tita ngayon Cash sigurado matutuwa yon sayo kasi pumayag ka ng tumira dito sa bahay '' saad ni Diana sa kanya .Alam niyang magkasundo ang tita Gel at kaibigan niya dahil ang tiyahin niya ang nag paaral kay Cashandra .Hindi niya lang ito madala noon sa kanilang bahay dahil laging may sakit ang lola Melda ni Cash na siyang hindi niya maiwan lagi noon . ''pero Diane hindi ako pwede magtagal dito maka ipon lang ako mag hahanap din ako ng ibang matitirahan .Baka sabihin ng iba mong kamag anak namimihasa ako '' kilala niya ang buong angkan ng pamilya ni Diane .May kaya ang iba sa kanila at hindi din basta basta ang kanilang pagkatao dahil karamihan sa mga tita niya ay nakapag asawa ng mga mayayaman . ''wag mo sila isipin pero kung yon ang pasya mo Cash ay wala ako magagawa basta hanggat wala ka pang naiipon stay here okey '' tinuring na niyang kapatid si Cashandra at yon ang gusto ng kanyang ina na wag silang mag iwanan sa hirap at ginhawa . ''sino pala kasama ni tita
Sinigurado ni Theo ang sala habang hinihintay si Zyrius .Nasa site sila ngayon ng kanilang minahan at naroon siya sa loob ng opisina na pinatayo ng kanyang ama . Doon na rin natutulog minsan ang mga ka share nila sa minahan lalo malayo ang lugar kaya hindi madali ang umuwi agad ng lungsod .Legal ang proseso ng kanilang minahan kaya walang problema kahit mag operate sila ng ilang taon . ''mabuti nakapasyal ka dito ?" tanong ni Zyrius sa kanya .Ang pagkakaalam niya sa pinsan nito ay walang hilig sa negosyo pag tungkol sa minahan .Alam niyang may sariling negosyo si Theo at yon ang bago niyang pinapatayo ngayon .Isang sikat na Architect ang pinsan niya at hindi lang yon ang kinuhang kurso ni Theo kundi madami pa basta tungkol sa business dahil hanggat maari gusto niyang maraming alam at doon walang makakatalo kay Theo dahil matalino siya . ''no choice .!!'' alam na niya ang rason pinilit na naman siya ng ama niya .Alam niyang hindi nakakatanggi si Theo kung ano ang utos ng kanyang ti
''uyy bakit ang lalim naman ng iniisip mo ?" nasa cafeteria sila ni Diane kasama ang ibang katrabaho nila sa financial department. ''naghuhukay kasi ang isip ko kaya malalim '' pagbibiro niyang sagot. ''aray ko naman Ane .'' napahawak siya sa kanyang ulo kung saan binatukan ni Diane . ''mag seryoso ka nga Cash '' minsan may pagkakwela ang kanyang kaibigan .Hindi makikita sa kaibigan niya ang malaking problema dahil hindi ito seryoso magsalita at puro pabalang kung sumagot .Nakakainis man minsan para sa kanya pero wala na siyang magagawa dahil doon lang masaya ang kanyang kaibigan . ''oo na !'' inayos niya ang pagkakaupo at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang baba . ''ano na naman ba gumugulo sa isip mo mukhang nawalan ka ng pera '' minsan hindi siya sanay makita si Cash na parang marami ang iniisip . ''hindi ako mawawalan ng pera Diane kasi Cash ang pangala... ohh ohh nakakarami kana ah '' lumayo na siya kay Diane dahil nakakarami na siya sa pagbatok sa kanyang ulo
'' something bothering you bro?" ''yes but maybe naguguluhan lang ako because I don't know if I can fulfill grandma's wish'' mahirap sundin para sa kanya ang gusto ng lola niya dahil kung nag asawa na siya he can no longer taste different women around the world .Hindi naman sa nagmamayabang siya pero he can date different women in one day.'' pero bro baka death wish na yon ni lola '' he hit Harley on the head dahil kung ano ano ang lumalabas sa bunganga . ''I'm serious bro because my grandma used to be like that too'' sapo sapo niya ang ulo .Bigla niyang naalala ang lola niya rin namatay nakaraang taon. ''hanapin mo ang batang babae na ito Harley please'' kinuha niya ang larawan ng isang batang babae at hindi siya nagkakamali kasing edad niya lang ito . Dahil bata palang siya noon ay hindi niya alam kung saan hanapin ang batang binilin ng kanyang lola . '' tanong ko lang naalala mo na ba ang nangyari sayo noong bata tayo ?'' Theo looked at his friend dumbfounded, he couldn't und
'' ano ginagawa mo dito Lucas ?" akala ni Diane kung sino na ang bisita na sinasabi ng kanilang guard .Isa palang maligno na naligaw sa kanilang pamamahay .''gusto ko lang makausap si Cash sana kung pwede Diane !'' pinaikot ang mga mata niya dahil sa mala anghel na boses ng lalaki . Simula sapol hindi na niya gusto si Lucas para sa kanyang kaibigan dahil kilala nya si Lucas bilang tirador ng mga babaeng alam niyang madaling makuha at mabuti nalang naki pag break ang kaibigan niya na walang nangyari sa kanila . Pinapasok niya ito at niyaya sa kanilang sala . ''tawagin ko lang siya '' wala silang pasok ngayong araw dahil sa pagkamatay ng Chairman na kanilang pinagtatrabahuan tatlong araw ang binigay ng anak niya para sa kanilang empleyado .Pero ang masaklap ang mga gawain nila sa opisina ay dala dala nila kaya napuyat si Cash kagabi dahil marami itong trabaho na baon sa bahay . ''Cash !'' kumatok muna siya sa kwarto nito .Kahit matalik silang magkaibigan ay hindi nila nakakalimuta
''sa kadiliman ng aking pagkabigo mahahanap ko rin ang totoong buhay ko '' masakit na kataga ang binulong niya sa mahalimuyak na hangin .Nasa isang cafe bar siya ngayon kung saan tahimik at malayang umiyak .Hanga siya sa may ari ng cafe bar dahil nakapagpatayo ito ng maganda at kaaya ayang tambayan ng mga kapwa niyang broken hearted .Nagpaalam muna siya kaya Diane na lumabas para makapag isip ng maayos . ''ang malas naman niya dahil sinayang niya ako '' nagtaka ang waitres na naghatid ng kanyang order na alak dahil hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito o ang sarili . ''diba ate ang malas niya dahil pinakawalan niya ang tulad ko '' napakamot ng ulo ang waitess dahil wala siyang alam na isasagot sa sinabi ng kanilang costumer . ''thank you ate kahit hindi mo ako sinagot '' humingi nalang ng pasensya ang babae at umalis na ito sa kanyang harapan . ''finally I'm free '' sigaw nito sabay taas ang isang baso ng wine na kanyang inorder .Pagka inom niya sa wine ay hindi siya
''saan kaba nagpunta at alam mong madaming bisita saka ka aalis ?'' kararating lang ni Theo at pumunta siya sa harap para tignan ang lola niya nasa kabaong . ''whats the matter dad .Umalis lang ako para makapag isip ng maayos hindi ako matutulungan ng mga bisita sa pagdadalamhati ko '' galit nitong sagot .Hindi niya gusto ang bubungaran siya agad ng salita lalot hindi niya naibuhos ang galit niya sa mga lalaking gustong dukutin ang babae kanina mula sa cafe bar . ''tito no!! '' akma sana suntukin ni Tommy ang anak nito ng biglang nagsalita si Faye mula sa kanyang likuran . ''mapag uusapan po ng maayos yan .Wag po kayong magkagulo dahil nakakahiya kay lola '' tumingin si Theo sa babaeng nakasakay ng wheelchair may itsura ito kaya nanghihinayang siya dahil wala na itong isang paa . ''pasalamat ka dumating si Faye .Pasensya na iha ngayon lang kasi dumating ang anak ko at amoy alak pa kaya nagalit ako '' lumapit na si Faye sa kanila at nakipag titigan siya kay Theo hindi niya maint
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang
"wala kaming ginagawang masama anak ..Oo alam namin na ganun ang balak ni Irene pero hindi siya ang may pakana sa pag ambush kila Diane at Amber sa daan" umuwi pa so Brix para komprontahin ang mga magulan matapos niyang malaman ang tungkol pag ambush ng mga kalalakihan kila Diane . Naniniwala siyang walang alam ang kanyang magulang dahil saan naman sila kukuha ng ganung kalalakihan gayong walang pera ang mga ito dahil binawi lahat ni Diane. "si Irene may alam ba dito?" galit niyang tanong . "sa tingin ko siya nalang ang dapat mong tanungin kami nasabi na namin ang totoo Brix. Plano lang namin iyon bago nangyari ang pag ambush sa kanila " matapos nila nalaman ang ganung nangyari kila Diane ay bigla silang natakot na baka sila ang pagbintangan nila .Isang beses na silang nakulong dahil sa ginawa nilang pag utos noon na sirain ang gamit sa hacienda para masira si Diane sa mga tao .Pero ang kumuha ng higit pitong tao para pagbabarilin ang mga ito sa daan parang hindi na nila kaya ang ga
"ano ba ang problema mo Kit bakit lagi nalang mainit ang ulo mo sa akin?" naluluhang tanong ni Dona sa asawa nito . "sino ang hindi magagalit sa isang unghang na tulad mo .Pwede mo naman kausapin si Diane para tumira tayo sa mansion niya diba " ito ang lagi nilang pinagtatalunan .Ilang beses niyang sinabi kay Kit na wala siyang karapatan sa kayaman na meron ang kanyang anak. "pera ng anak ko ay sa kanya lang Kit hindi ako pwedeng maki alam sa meron ang anak ko " isang malakas ang pinatikim ni Kit kay Dona.Dahil sa pagkabulag ng kayamanan na meron si Diane naging masama na siya .Ilang beses pina intindi ni Dona na wala silang karapatan pero pinipilit parin nito na hawakan niya sa leeg ang anak niya . "ang sama mo sa pagiging gahaman mo ngayon nagagawa mo rin akong saktan .Ayos pa ba ang isip mo Kit ?" may malaki siyang utang na dapat bayaran . Pinagmamayabang niya rin na may anak si Dona na taga pagmana ng million. "shut up Dona hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko" "paan
"mabuti at gising kana " pinikit ulit ni Diane ang mga mata parang hindi siya makapaniwala na buhay pa siya dahil nakikita niya si Amber .Mukhang kanina pa siya tinitigan. "nasaan ako ?" kunwari nitong tanong. "dinala kita dito sa hospital nawalan ka kasi ng malay kanina .Mabuti nalang at hindi kayo napahamak" alam na niya ang tinutukoy nito .Laking pasalamat niya dahil talagang ligtas na sila. "ligtas naba talaga tayo?" naluluha niyang tanong . "yes honey at hindi pa umaamin ang mga taong iyon sigurado akong may nag utos sa kanila para patayin tayo.. Pero kailangan parin natin mag double ingat dahil baka nariyan lang sa tabi tabi ang mgs nagbabalak na mawala tayo at hindi ko iyon aasahan mangyari " hinalikan niya ito sa noo at labi na siyang kinilig na naman siya . "ang anak natin?" tanong nito . "maayos ang lagay niya don't worry take time to rest para mabawi mo ang pagod sa kakatakbo mabuti nalang at kumapit siya ng maayos ." ngumiti siya at nagpasalamat ulit .Akala niya m