Maghanap
Library
Home / Romance / Mr.CEO silent Mistress (Tagalog) / CHAPTER 3

CHAPTER 3

Author: lhyn
2024-12-02 19:36:03

''darating si tita ngayon Cash sigurado matutuwa yon sayo kasi pumayag ka ng tumira dito sa bahay '' saad ni Diana sa kanya .Alam niyang magkasundo ang tita Gel at kaibigan niya dahil ang tiyahin niya ang nag paaral kay Cashandra .Hindi niya lang ito madala noon sa kanilang bahay dahil laging may sakit ang lola Melda ni Cash na siyang hindi niya maiwan lagi noon .

''pero Diane hindi ako pwede magtagal dito maka ipon lang ako mag hahanap din ako ng ibang matitirahan .Baka sabihin ng iba mong kamag anak namimihasa ako '' kilala niya ang buong angkan ng pamilya ni Diane .May kaya ang iba sa kanila at hindi din basta basta ang kanilang pagkatao dahil karamihan sa mga tita niya ay nakapag asawa ng mga mayayaman .

''wag mo sila isipin pero kung yon ang pasya mo Cash ay wala ako magagawa basta hanggat wala ka pang naiipon stay here okey '' tinuring na niyang kapatid si Cashandra at yon ang gusto ng kanyang ina na wag silang mag iwanan sa hirap at ginhawa .

''sino pala kasama ni tita pupunta dito ?''

''sino pa nga ba ?" natatawang sagot ni Diane . Si Nich lagi ang kasama niya tuwing namamasyal sila ang tita Gel niya sa kanila at ampon niya ito .

Tanghali na ng nakarating sa bahay nila Diane ang tita Gil niya at kasama nga nito si Nich .Ilang taon na niyang hindi nakita si Nich at masasabi niyang mas lalo itong naging gwapo. Matagal na siyang may crush kay Nich kaya tuwing nakikita niya ito ay namumula lagi ang kanyang mga pisngi dahil sa hiya at kilig .

''puso mo diba kagagaling mo lang sa brokenhearted'' bulong sa kanya ni Diane .Nakita niya si Cash na namumula na naman ang pisngi habang tinititigan ang pinsan niyang mas lalong naging gwapo .

''che manahimik ka !!" sagot nito habang nakatingin parin siya kay Nich na abala sa selpon .

''kamusta naman kayong dalawa talagang para na kayong kambal tuko dahil hindi kayo naghihiwalay simula nag aral kayo at sa trabaho .Pero maiba ako bakit hindi kayo dumadalaw sa akin sa bahay ?" nagtatampo siya dahil simula naging dalaga na ng lubusan ang dalawa ay bihira na silang pumupunta sa kanyang bahay .Namimiss niya ang mga halakhak nila tuwing kumukuha sila bunga ng mangga sa kanyang farm . Sila lagi ang nagpapasaya sa mga tauhan niya kaya minsan napapatanong ang mga ito kung bakit hindi na pumupunta ang mga batang babae sa farm .

''pasyensya na tita naging busy lang po ako sa pag aalaga sa lola ko noon at alam niyo na naghanap ako agad ng trabaho para naman kahit papaano makita niyo ang worth it sa pag papaaral sa akin '' saad niya na siyang ikinatuwa ni Gil dahil hindi siya nagkakamali ng tinulungan .Alam niyang may potential at interest noon si Cash sa pag aaral kaya kinausap niya ito na siya na ang bahala sa lahat basta mag aral lang ito ng mabuti .

''maraming salamat tita hindi ako makakapg aral kung hindi dahil sa inyo .Utang na loob ko ang lahat sa inyo hindi ko nga alam kung paano ako makakabayad sa inyo '' laking pasalamat niya sa ginang dahil naging mabait ito sa kanya hindi gaya ng isang tita ni Diane na wala itong awa at matapobre .Hindi parin nawala sa kanyang isip ang sinabi niya noon na wala siyang kwentang tao dahil pinag aaksaya lang siya ng pera ng kanyang kapatisd .

''Nich pansinin mo naman si Cash kanina pa siya nagsasalita pero hindi mo siya iniimikan ?" nahihiyang tumingin si Nich sa dalagang tinutukoy ng kanyang ina .Nahihiya siya dahil matagal na panahon na niyang gusto si Cash at wala lang siya lakas loob na kausapin ito dahil nagiging torpe siya pagdating kay Cash .

Hindi naman torpe ang tulad niya dahil kung chicks ang usapan kabi kabila ang meron siya .Pero pagdating kay Cash ay nagiging lalaki na walang bayag ang merong ugali na lumalabas sa kanya . Natatawa nalang siya tuwing naiisip niyang lapitan si Cash ay bigla bigla nalang siya nanghihina at pinagpapawisan .

''pa .. pasensya na abala lang ako mama dahil nagkaproblema sa kompanya kaya ito hindi ko na nagawang pansinin ka Cash '' ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ni Cashandra dahil sa pananalita palang ni Nich ay tumatalon na ang kanyang puso sa kilig at tuwa .

''aray ko naman '' kinurot ni Diane ang kanyang tagiliran dahil nagiilusyon na naman ito pagdating sa kanyang pinsan . Marami pa silang napag usapan na masasayang bagay at pangyayari .Nawala saglit ang kanyang problema dahil sa sayang nararamdaman niya sa pagdalaw sa kanya ng tita Gil niya lalong lalo nasa harapan niya ang lalaking matagal na niyang gusto simula bata pa sila .

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App