LOGINSinigurado ni Theo ang sala habang hinihintay si Zyrius .Nasa site sila ngayon ng kanilang minahan at naroon siya sa loob ng opisina na pinatayo ng kanyang ama . Doon na rin natutulog minsan ang mga ka share nila sa minahan lalo malayo ang lugar kaya hindi madali ang umuwi agad ng lungsod .Legal ang proseso ng kanilang minahan kaya walang problema kahit mag operate sila ng ilang taon .
''mabuti nakapasyal ka dito ?" tanong ni Zyrius sa kanya .Ang pagkakaalam niya sa pinsan nito ay walang hilig sa negosyo pag tungkol sa minahan .Alam niyang may sariling negosyo si Theo at yon ang bago niyang pinapatayo ngayon .Isang sikat na Architect ang pinsan niya at hindi lang yon ang kinuhang kurso ni Theo kundi madami pa basta tungkol sa business dahil hanggat maari gusto niyang maraming alam at doon walang makakatalo kay Theo dahil matalino siya . ''no choice .!!'' alam na niya ang rason pinilit na naman siya ng ama niya .Alam niyang hindi nakakatanggi si Theo kung ano ang utos ng kanyang tito Tommy sa kanyang pinsan dahil wala ng ibang magmamana sa kayamanan nila kundi ang nag iisang anak nila na si Theo . Isa lang anak sa labas ang ama niya kaya wala silang karapatan sa kayamanan ng mga Fortillen at naiintindihan niya iyon ang sa kanya lang ay makatulong siya sa ama niya na kasama sa pag ooperate ng minahan . ''by the way mukhang makakalaban mo sa business ang nag iisang apo ng mga Vargas na lalaki'' ''let him go and I don't care about him. You know we used to be rivals before and I can't forget everything '' hindi na sumagot si Zyrius alam niyang mainit ang ulo ni Theo kay Nich dahilan ay ang pag agaw nito sa first love ni Theo . Pero laking gulat nila ng magpakamatay si Aizrel ng hindi nila alam na dahilan kaya hanggang ngayon galit parin si Theo kay Nich dahil alam niyang ito ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang mahal na mahal niyang Aizrel . Inabala ni Theo ang sarili sa loob ng tunnel para mag inspection kung may mali o wala para sa kaligtasan ng mga tauhan nila . *** ''mama hindi gusto ni Theo ang pangunahan niyo siya sa gusto nito.Kahit malaki ang utang loob natin sa pamilyang iyon ay hindi pwede si Theo na ang pambabayad natin ' 'nanginginig na tumingin ang byenan nitong kakatanggal lang ang oxygen dahil maayos naman na ang paghinga . Naging masigla siya ng malaman niyang umuwi na si Theo at dumalaw at tulog siya kaya hindi niya ito nakita . '' alam mong kung hindi dahil sa anak ni Magnus hindi mabubuhay ang anak mo .Ang anak niya ang nakatanggap ng bala para protektahan si Theo remember Melissa '' ( FLASH BACK) '' kahit nawala ang isa kong hita masaya ako dahil nailigtas ko po ang kasama kong lalaki noong nagkakabarilan na .Nakita ko po kasi na sa kanya tinutok ng isang lalaki ang baril kaya tinaya ko po ang buhay ko sa anak niyong iyak ng iyak dahil sa takot '' kinewento ni Faye ang naganap sa kidnapping kung paano niya iligtas at pinapatahan si Theo . Umiiyak na lumuhod at nagpasalamat si Melissa dahil sa batang babae .Bumalik siya ng bansa para magpasalamat sa batang napag alaman niyang nagligtas sa kanyang anak .Naka wheel chair ito at may artificial na siyang binti na kung titignan parang totoo dahil sa ibang bansa pa nila pinagawa . Hanggang sa nagdalaga si Faye ay ang pamilya nila ang nag bigay proteksyon para hindi mabully . Pero hindi matanggap ni Lumina ang nangyari sa anak kaya sinabi niya sa kanila na kulang ang pera para sa pambayad utang na loob .Gusto niya kung nasa tamang taon na sila ay ipapaasawa nila si Faye sa anak nilang niligtas . *** ''tumupad na tayo sa usapan Melissa alang ala na rin sa dalaga kung hindi dahil sa pamilya natin hindi nadamay si Faye at hindi din naman basta basta ang pamilya ng Corel kaya hindi ka magsisisi Melissa '' hindi siya umimik at tumingin kay Tommy .Sumangayon ito sa plano at siya ay wala pa sa isip niya ang pilitin si Theo para sa kasunduan na hindi niya alam kung tatanggpin ba ng kanyang anak . Wala na siyang nagawa dahil ayon sa asawa niya ginigipit siya ng mga Corel at gusto na din makita ni Faye ang batang niligtas niya noon .Dahil sa issue sa kanila ni Xavi nagpasyang iwasan nalang ni Faith ang CEO bago pa siya mapatalsik ng wala sa oras . Kailangan niya ang trabaho dahil pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang business kahit maliit lang ang importante ay may sarili siyang pera . '' pinapatawag ka ni sir '' wala siyang nagawa kundi tumayo at pumunta sa opisina ni Xavi . Tumingin pa siya kay Maica at nanlilisik ang tingin nito sa kanya at mukhang hindi nito nagustuhan na papunta na naman siya sa opisina ni Xavi .Gusto man niyang asarin si Maica medyo natatakot naman siya na baka lalong masira ang kanyang pangalan kung patuloy siyang lumapit sa CEO . Pagpasok ni Faith agad na tinigil ni Xavi ang ginagawa nito at tumayo sa harap ni Faith sabay halukipkip at napatitig sa ganda ng mukha ng dalaga .Inaamin na niya sa kanyang sarili na may kaunting pagkagusto na siya kay Faith at hindi na niya iyon maiiwasan pa . ''iniiwasan mo ba ako ?" kahapon pa siya iniiwasan ni Faith at napansin niya ito . '' hind
"mister Fortillen mali ata na ang anak mo ay nakikipagrelasyon sa isang empleyado lamang ." imbes na nakaramdam ng galit si Theo hindi na niya magawa dahil may tuwa sa kanyang isipan na mukhang umiibig na ang kanilang anak . "anong mali doon???" seryoso niyang tanong .Hindi pwedeng ipahalata niya na masaya siya at baka lalong mainis si mister Rivera ."itong larawan na ito nakikipagrelasyon siya sa isang designer natin at mukhang ginagamit ng babaeng yan ang pakikipag sipsip niya sa anak mo para yung design niya lagi ang napipili .Look naging model pa siya ng kompanya ng ganun ganun lang samantala ang dami nating model bakit ito pa ang kinuha ng anak mo " parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa nakita niyang larawan na nakikipagyakapan si Xavi sa isang magandang dalaga .Wala naman mali kung kinuha ng anak niya bilang model ang babaeng kayakap nito dahil ayon sa kanyang asawa na si Cashandra maganda ang napili ng kanilang anak maging model .Bagong mukha at mas lalo silang natuwa dah
'' Xavi pinapatawag mo daw ako ?" kitang kita ni Xavi ang tuwa sa mukha ni Maica . Parang wala itong nagawang masama at mukhang inosente parin . Buntong hininga siyang tumingin sa mga design at nilabas ang kay Maica na sinasabing nawawalang design ni Faith . Hindi sa may pinapanigan siya kundi gusto niyang malaman kung totoo bang ginawa ito ni Maica ,at kung totoo man kailangan managot ito . '' can you explain kung ano ang ibig sabihin ng design mo ?" napalunok ng wala sa oras si Maica habang tinignan ang nakalapag na design sa harap ni Xavi .Akala niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinatawag iyon pala ay ang mag explain lang pala ng design.Nagtataka man ang kanyang isipan kinuha niya ang kanyang design at tinitigan ito .'' bakit isa ba siya sa napili ?" tanong nito . '' oo at gusto ko malaman kung ano ang explaination mo about this '' may tuwa sa kanyang isip .Nagagalak siya dahil napili ang kanyang design pero may inis siya dahil kung hindi design ni Faith mapipil
Napatigil si Maica pagpasok sa kompanya dahil nakita niya ang larawan ni Faith sa mga tarpulin na nagkalat sa buong kompanya .May napansin din siyang billboard na malak mula sa harap .Nainis siya dahil bakit si Faith pa ang kukuning model gayong marami naman silang model . ''grabe asensado na talaga si Faith '' tila hindi makapaniwala ang mga katrabaho ni Faith dahil sa ganda nito .Para sa kanila bagay pala si Faith maging model ng mga alahas dahil napaka fierce ng mukha nito sa mga larawan .. '' pasipsip lang sa CEO kaya naging model '' galit na saad ni Maica sa mga kapwa niya empleyadong nagchichismisan . Hindi niya matanggap na isang tulad ni Faith ang makakakuha sa kanyang pangarap maging model ng mga alahas galing sa mga Fortillen. '' ganun ba iyon ?" naniwala naman ang iba kaya naisip nila kaya pala naging model ito agad dahil pasipsip . '' isipin mo kasi diba lagi siyang napipili sa design tapos kasama lagi ni Xavi '' narinig naman ni Neshie ang paninirang puri n Maica k
Matapos ang kanilang date medyo nakaramdam na rin ng lamig si Faith . Napansin naman ni Xavi kaya binigay niya agad ang suot nitong coat . '' salamat '' saad nito . Medyo nahihiya na siya sa nangyayari sa kanila ni Xavi .Iba talaga ang nararamdaman niya para kay Xavi pero mali kung ituloy niya ito . ''hmm mukhang naantok kana pwede na sigurong pumunta na tayo matulog '' mukhang wala pa silang pahinga kaya at humihikab pa ito ng palihim . '' ayos lang ba sayo ?" naantok na talaga siya at mukhang iba ang epekto ng wine kanina na ininom nila . '' hmm oo kasi maaga pa tayo bukas uuwi '' kailangan nilang umuwi bukas dahil tapos naman na ang kanilang shoot at sigurado pwede ng ireleased ang mga tarpaulin at billboard bukas para sa set ng jewelry nila . ''namili kana ba sa pinasa naming design ng necklace?" tanong nito . Gusto niyang malaman dahil isa sa design niya ang gusto niyang mapili para kahit papaano parang unique ang design na yon na kadalasan ang mga kabataan ngayon ni
Habang panay ang pagpause ni Faith sa harap ng camera nanatiling nakatitig lang si Xavi sa kanya . Hindi siya nagkakamaling kinuha si Faith bilang model nila dahil fit na fit ang alahas na kanilang pinasuot . Pagkatapos ng photoshoot nagpunta muna saglit sa banyo si Faith para makapaglabas ng sama ng loob mula sa kanyang puson .Kanina pa niya pinipigalan para hindi lalabas kaya tinodo na niya kanina ang alam niyang pose para matapos na at makaihi na siya . Lumapit ang cameraman kay Xavi at binigay ang mga larawan na kanilang kuha bago nila ma print at ilagay sa may billboard. '' paki suri nalang lahat ng larawan sir'' '' maganda .. sige pasok na lahat ito '' para sa kanya hindi na pwedeng itago ang mukha ni Faith dahil bagay sa kanya ang pagiging elegante habang suot ang mga alahas . Sa mata ni Faith siya nakatingin para sa kanya ito ang mas nakakapukaw ng atensyon dahil kumikinang ang mga mata ng dalaga .'' po ?" '' bakit may mali ba sa sinabi ko ?" ''wala naman sir sige po at







