Share

CHAPTER 2

Author: lhyn
last update Last Updated: 2024-12-01 20:29:47

( 25 Years later )

Napapakamot nalang ng ulo si Cashandra habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nasayang ang taon niya sa lalaking pinag laanan niya ng oras at laway sa loob tatlong taon.Hiniwalayan siya ni Lucas dahilan na boring at pakipot .

''ano gusto niya makikipag se* ako sa kanya na hindi kami kasal .Kapal ng mukha '' gusto niyang ibato ang hawak na cellphone pero naisip niya wala siyang pera para makabili siya agad agad ng kapalit .

''ohh ano na namang sentimenta yan Cash .Nag away na naman ba kayo ni Lucas?" napasimangot nalang siya dahil tuwing nakikita siya ng kaibigan niyang si Diane ay kung hindi sila nag away ni Lucas badtrip siya sa trabaho .

''mabuti sana kung nag away kami kaso hindi !! paano nakipagbreak ang loko kala mo naman kung sino '' galit nitong saad . Ang dami na nga niyang problema dumagdag pa ang lalaking naging sakit sa ulo niya rin dahil nahuhuli niya itong may kalandian pero lagi lang siya naniniwala sa paliwanag ni Lucas .

''ah kaya ka pala nagmukmok dyan .hAYYY naku Cash kung ako sayo wag mo ng isipin ang lalaking yon malas siya sa buhay mo " sermon ni Diane sa kanya nasa apartment siya ngayon para sunduin .Ulilang lubos na siya dahil ang mga magulang niya ay naaksidente at ayon sa lola niya kagagawa ng mga Fortillen.Bata palang siya noon pero laging sinasabi sa kanya ng lola niyang masasama ang mga Fortillen at sila ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ina at ama .

Pagkatapos ng bangungot na naganap sa kanya noong bata siya ay ilang taon bago nagpakita ang ama niya at pero ilang buwan lang ang masaya nilang pamilya ay biglang naging masalimoot dahil sa pagkawala ng kanyang mga magulang na ayon sa mga pulis sadyang aksidente ang naganap ngunit pinagpipilitan ng kanyang lola na kagagawan ng mga Fortillen dahil ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting bahay ay pilit kinukuha ng mga ito dahil ayon sa mga matatanda may mga nakabaon na ginto . Hindi naman siya naniniwala dahil bata palang siya noon at wala pang paki alam sa ganung bagay .

''tara na sa bahay !!'' hindi niya gustong umalis sa apartment na tinitarhan niya dahil doon nabuo ang masayang ala ala nilang mag lola .Nakaraang taon lang namatay ang lola Madel niya mabuti nalang at meron ang kaibigan si Diane na handang tulungan siya .Mag isa lang din ito sa kanilang bahay dahil ang ina niya ay nasa ibang bansa para magtrabaho .

''wag ka ng mang hinayang sa apartment na ito kailangan mong tumira sa walang binabayaran Cash para makaipon kana .Pumayag si mama na doon ka sa bahay tumira para may kasama ako kaya tara na at kunin mona ang iba mong gamit '' nalulungkot niyang sinara ang pintuan ng apartment at hinila ang isang malaking maleta .Baon siya sa utang dahil sa pagkakahospital ng lola Madel niya .Nagtatrabaho siya sa isang kompanya ng Fortillen plano niya makilala ng lubusan ang mga taong pinagbibintangan ng lola Madel kung totoo bang may mga kinalaman sila sa pagkawala ng kanyang mga magulang .

Nag resign siya sa una niyang trabaho dahil nalaman niyang hiring ang kompanya ng Fortillen kaya agad agad siyang nagpasa ng Resume at laking pasalamat niya dahil natanggap siya agad . Maayos naman ang pasahod nila kaya lang ay hindi sapat para bayaran ang nautang niya sa bangko .Minsan kinakapos siya dahil kunti lang ang naiiwan sa sahod pag naghuhulog na siya sa banko .Naluluha nalang siya dahil may trabaho nga siya pero nagmumukha parin siyang pulubi .Hindi niya magawang bumili ng gusto niyang gamit .Sa pagkain naman ay hindi niya problema dahil may libre sa kompanya para sa kanilang mga empleyado. Kaya sinusulit niya ang pagkain at naawa minsan sa kanya ang mga katrabaho niya kaya minsan binabaunan siya ng mga ito para may pagkain siya pauwi ng apartment.

''ayos ka lang ba ?" tanong ni Diane sa kaibigan na kanina pa ito tahimik .Pagkabukas ng gate nila ay nagpatulong na siya sa mga katulong na dalhin ang mga gamit ni Cashandra para ipunta sa guestroom .

Paminsan minsan naiingit siya kay Diane dahil maganda ang buhay at may ina pa .Pero laking pasalamat niya dahil binigyan siya ng taong kayang intindihin siya ng paulit ulit at handang tulungan siya sa hirap at ginhawa . May boyfriend na rin ito at halatang mahal nila ang isat isa kulang nalang kasal para maging for ever na sila .

''Walang forever !!!'' inis niyang saad sa kanyang isip.

''huyyy okey ka lang ba talaga ?" tanong ulit ni Diane sa kanya nasa entrance na sila ng pintuan ay nakatingin lang ito sa kanya at tulala . Sanay na siya sa pagiging lutang ni Cashandra .

''thank you partner dahil binigay ka sa akin diyos '' niyakap niya ito at naluluha siya sa saya dahil finally hindi na siya malulungkot pa .

''ang drama mo halikana kasi kanina pa ako gutom .Nakahanda na sila manang ng kakainin natin '' hinila niya si Cash papunta sa kanilang dinning area .

****

''tara na '' sabay pasok si Theo sa kotse na sumundo sa kanya sa airport.Napapikit muna siya dahil wala pa siyang tulog .

Nagmadaling pinaandar ni Arsing ang kotse na minamaneho niya .Sinundo niya ang anak ng kanyang amo dahil galing ito sa Canada at mukhang nagsawa na doon kaya naisipan niyang umuwi .

''manong '' tawag sa kanya ni Theo .

''bakit senyorito?" tinignan niya ito sa salamin na nasa harapan .Napaplunok nalang siya dahil ang seryoso ng mukha ni Theo .

''wala just drive '' gusto niyang pagalitan ito dahil ang tagal niya para sunduin siya . Nagpumilit ang ina niya na ipasundo siya kaya wala na siyang nagawa kundi sundin .Balak niya sana sa isa niyang kaibigan siya magpasundo pero dahil ang ina na niya ang nagsabi ay wala na siyang magawa kundi sundin ito .

Nakarating sila sa mansion kung saan nakaabang na ang ina niya sa pintuan kasama ang mga katulong na nakayuko .

''kamusta ang byahe mo anak ?" ginantihan niya ang pagyakap ng kanyang ina .

''maayos lang mom .'' inakay niya ito sa dinning area marami siyang pinahanda na mga paborito ng kanyang anak .Masaya si Melissa na nakarating na ligtas ang anak niya na nakarating hanggang ngayon labis labis parin ang trauma niya sa nakaraan .

''bakit ngayon mo lang naisipan nagbakasyon iho ?" tanong nito sa anak na abala sa pagkuha ng hipon .

''hindi bakasyon ang pag uwi ko dito mom dahil dito na ako mag forgoods '' napataas kilay si Melissa dahil himala na dumito na sa pinas ang anak niya .Napangiti siya dahil magana itong kumain at laking pasalamat niya dahil hindi na lalayo sa kanila ang uniko iho nila .

"tama siya kung hindi pa siya pinilit ni mama umuwi yan hindi uuwi" matanda na ang lola niya kaya gusto niya itong makasama dahil hanggang ngayon nasa hospital parin at may nakalagay na oxygen para makahinga ng maayos dahil ayon sa doktor mahina na ang katawan at dahil na rin sa kantandaan niya .

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 315

    Dahil sa issue sa kanila ni Xavi nagpasyang iwasan nalang ni Faith ang CEO bago pa siya mapatalsik ng wala sa oras . Kailangan niya ang trabaho dahil pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang business kahit maliit lang ang importante ay may sarili siyang pera . '' pinapatawag ka ni sir '' wala siyang nagawa kundi tumayo at pumunta sa opisina ni Xavi . Tumingin pa siya kay Maica at nanlilisik ang tingin nito sa kanya at mukhang hindi nito nagustuhan na papunta na naman siya sa opisina ni Xavi .Gusto man niyang asarin si Maica medyo natatakot naman siya na baka lalong masira ang kanyang pangalan kung patuloy siyang lumapit sa CEO . Pagpasok ni Faith agad na tinigil ni Xavi ang ginagawa nito at tumayo sa harap ni Faith sabay halukipkip at napatitig sa ganda ng mukha ng dalaga .Inaamin na niya sa kanyang sarili na may kaunting pagkagusto na siya kay Faith at hindi na niya iyon maiiwasan pa . ''iniiwasan mo ba ako ?" kahapon pa siya iniiwasan ni Faith at napansin niya ito . '' hind

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 314

    "mister Fortillen mali ata na ang anak mo ay nakikipagrelasyon sa isang empleyado lamang ." imbes na nakaramdam ng galit si Theo hindi na niya magawa dahil may tuwa sa kanyang isipan na mukhang umiibig na ang kanilang anak . "anong mali doon???" seryoso niyang tanong .Hindi pwedeng ipahalata niya na masaya siya at baka lalong mainis si mister Rivera ."itong larawan na ito nakikipagrelasyon siya sa isang designer natin at mukhang ginagamit ng babaeng yan ang pakikipag sipsip niya sa anak mo para yung design niya lagi ang napipili .Look naging model pa siya ng kompanya ng ganun ganun lang samantala ang dami nating model bakit ito pa ang kinuha ng anak mo " parang gusto niyang tumalon sa tuwa sa nakita niyang larawan na nakikipagyakapan si Xavi sa isang magandang dalaga .Wala naman mali kung kinuha ng anak niya bilang model ang babaeng kayakap nito dahil ayon sa kanyang asawa na si Cashandra maganda ang napili ng kanilang anak maging model .Bagong mukha at mas lalo silang natuwa dah

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 313

    '' Xavi pinapatawag mo daw ako ?" kitang kita ni Xavi ang tuwa sa mukha ni Maica . Parang wala itong nagawang masama at mukhang inosente parin . Buntong hininga siyang tumingin sa mga design at nilabas ang kay Maica na sinasabing nawawalang design ni Faith . Hindi sa may pinapanigan siya kundi gusto niyang malaman kung totoo bang ginawa ito ni Maica ,at kung totoo man kailangan managot ito . '' can you explain kung ano ang ibig sabihin ng design mo ?" napalunok ng wala sa oras si Maica habang tinignan ang nakalapag na design sa harap ni Xavi .Akala niya kung ano ang dahilan kung bakit siya nito pinatawag iyon pala ay ang mag explain lang pala ng design.Nagtataka man ang kanyang isipan kinuha niya ang kanyang design at tinitigan ito .'' bakit isa ba siya sa napili ?" tanong nito . '' oo at gusto ko malaman kung ano ang explaination mo about this '' may tuwa sa kanyang isip .Nagagalak siya dahil napili ang kanyang design pero may inis siya dahil kung hindi design ni Faith mapipil

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 312

    Napatigil si Maica pagpasok sa kompanya dahil nakita niya ang larawan ni Faith sa mga tarpulin na nagkalat sa buong kompanya .May napansin din siyang billboard na malak mula sa harap .Nainis siya dahil bakit si Faith pa ang kukuning model gayong marami naman silang model . ''grabe asensado na talaga si Faith '' tila hindi makapaniwala ang mga katrabaho ni Faith dahil sa ganda nito .Para sa kanila bagay pala si Faith maging model ng mga alahas dahil napaka fierce ng mukha nito sa mga larawan .. '' pasipsip lang sa CEO kaya naging model '' galit na saad ni Maica sa mga kapwa niya empleyadong nagchichismisan . Hindi niya matanggap na isang tulad ni Faith ang makakakuha sa kanyang pangarap maging model ng mga alahas galing sa mga Fortillen. '' ganun ba iyon ?" naniwala naman ang iba kaya naisip nila kaya pala naging model ito agad dahil pasipsip . '' isipin mo kasi diba lagi siyang napipili sa design tapos kasama lagi ni Xavi '' narinig naman ni Neshie ang paninirang puri n Maica k

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 311

    Matapos ang kanilang date medyo nakaramdam na rin ng lamig si Faith . Napansin naman ni Xavi kaya binigay niya agad ang suot nitong coat . '' salamat '' saad nito . Medyo nahihiya na siya sa nangyayari sa kanila ni Xavi .Iba talaga ang nararamdaman niya para kay Xavi pero mali kung ituloy niya ito . ''hmm mukhang naantok kana pwede na sigurong pumunta na tayo matulog '' mukhang wala pa silang pahinga kaya at humihikab pa ito ng palihim . '' ayos lang ba sayo ?" naantok na talaga siya at mukhang iba ang epekto ng wine kanina na ininom nila . '' hmm oo kasi maaga pa tayo bukas uuwi '' kailangan nilang umuwi bukas dahil tapos naman na ang kanilang shoot at sigurado pwede ng ireleased ang mga tarpaulin at billboard bukas para sa set ng jewelry nila . ''namili kana ba sa pinasa naming design ng necklace?" tanong nito . Gusto niyang malaman dahil isa sa design niya ang gusto niyang mapili para kahit papaano parang unique ang design na yon na kadalasan ang mga kabataan ngayon ni

  • Mr.CEO silent Mistress (Tagalog)   CHAPTER 310

    Habang panay ang pagpause ni Faith sa harap ng camera nanatiling nakatitig lang si Xavi sa kanya . Hindi siya nagkakamaling kinuha si Faith bilang model nila dahil fit na fit ang alahas na kanilang pinasuot . Pagkatapos ng photoshoot nagpunta muna saglit sa banyo si Faith para makapaglabas ng sama ng loob mula sa kanyang puson .Kanina pa niya pinipigalan para hindi lalabas kaya tinodo na niya kanina ang alam niyang pose para matapos na at makaihi na siya . Lumapit ang cameraman kay Xavi at binigay ang mga larawan na kanilang kuha bago nila ma print at ilagay sa may billboard. '' paki suri nalang lahat ng larawan sir'' '' maganda .. sige pasok na lahat ito '' para sa kanya hindi na pwedeng itago ang mukha ni Faith dahil bagay sa kanya ang pagiging elegante habang suot ang mga alahas . Sa mata ni Faith siya nakatingin para sa kanya ito ang mas nakakapukaw ng atensyon dahil kumikinang ang mga mata ng dalaga .'' po ?" '' bakit may mali ba sa sinabi ko ?" ''wala naman sir sige po at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status