KEZIAH POV
Nagising akong gulat na katabi ko si Cael. Nandiyan na siya, ngunit ang lahat ng nangyari kagabi ay tila isang panaginip na ayaw ko nang magising. Ang mga halik niyang iniwasan ko noon, ang mga dahan-dahang haplos ng mga kamay niya sa katawan ko, ang mga labi niyang dumampi sa balat ko… Lahat ng iyon, nagbigay sa akin ng isang damdaming hindi ko kayang ipaliwanag.
Nahulog ba ang loob ko sa kanya?
Hindi ko alam kung paano mangyayari ito. Kung hindi ba talaga mahirap mahalin si Cael. Tinutulungan lang siguro ako ng pride ko, kaya ipinaglalaban ko pa rin ang sarili ko na magalit sa kanya. Ngunit ang totoo, alam ko naman na wala siyang kasalanan sa mga nangyari, kaya’t palagi ko nalang pinapalakas ang loob ko na siya ang may kasalanan.
Tumayo ako mula sa kama upang maghanda na ng almusal. Kailangan kong mag-isip at magpatawad, kasi wala naman talagang dahilan upang magalit ako sa kanya.
Matapos magluto, pumasok ako sa kwarto at tinawag siya.
"Cael, gising na, tanghali na. Baka