CHAPTER 146
At dahil nga ayaw ni Shirley na malaman ni Jillian na pinapatingnan nga ito ng kanyang anak ay nakiusap na lang nga rin siya kay Rose na tingnan tingnan nito si Jillian.
“Gusto mo ba na isuot ko iyan sa’yo?” tanong ni Rose kay Jillian.
Dahan dahan naman nga na tumango si Jillian at iniabot nga niya kay Rose ang kwintas at saka nga siya tumalikod dito.
Agad naman na kinuha ni Rose ang kwintas at isinuot kay Jillian. Napangiti pa nga siya dahil bagay na bagay nga iyon sa dalaga.
“Bagay na bagay sa’yo ang kwintas na iyan, Jillian,” nakangiti pa nga na sabi ni Rose.
Napahawak naman nga si Jillian sa suot niyang kwintas at muli nga ay napaiyak na lang siya ulit dahil miss na miss na niya si Harold. Masyado na rin kasi siyang naging malapit sa binata lalo na ng magsama sila ng ilang araw sa Bohol noon. Kaya para bang hinahanap na niya ang presensya ng binata.
Hinayaan na lamang nga muli ni Rose na umiyak si Jillian at hindi nga niya ito iniwanan doon. Dinamayan na lang din nga