Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka niya lakas loob na sinalubong ang galit na mga mata ng byenan niya. Akala niya okay na ang lahat pero hindi pa pala. Sigurado siyang may taong sumira sa kaniya para magalit ng ganito ang byenan niya. Bahagya siyang ngumiti na ikinainis ni Melanie na tila ba nakikipagbiruan siya.
“Mrs. Fuentes, hindi ko alam kung anong nakarating sa inyo pero walang katotohanan ang sinasabi nila tungkol sa akin at kay Owen. Alam niyo naman po siguro ang dahilan kung bakit palaging nasa kompanya namin si Owen. Wala kaming ginagawa ni Owen. Ano po bang nakarating sa inyo para magalit sa akin? Wala po akong planong mahalin ang sino man sa dalawang Fuentes.” Matapang niyang sagot. Naguluhan naman si Melanie pero nanatiling salubong ang mga kilay niya.
Humugot ng malalim na buntong hininga si Czarina saka siya nanguha ng tissue at pinunasan ang sarili niya. Kinuha naman ni Melanie ang cellphone niya saka niya ipinakita kay Czarina ang mga picture nila ni