Chapter 2 - Bakit ako pa?
Patuloy ang lalaki sa aking panaginip sa pagpapaligaya sa akin. Hindi na marahil siya makatiis ay pumaibabaw siya sa pagitan ng mga hita ko at pilt na ipinapasok ang kanyang pagkalalaki sa akin. Dahil ito ang una kong karanasan sa ganitong bagay ay napa-ingit ako sa sakit at pilit ko siyang itinutulak paalis sa akin. “Ang sakit!!!” sigaw ko. Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog. Hindi pala panaginip ang lahat kung hindi ay totoo na pala!
“Sino ka?!?! Bakit ka nasa kuwarto ko???” takot na sigaw ko habang dinadaganan niya ako ng kanyang malaking katawan. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya. “Please, maawa ka sa akin!” Pagmamakaawa ko.
“Sweetheart, ikaw ang pumasok sa kuwarto ko.” sabi ng lalaki habang patuloy na pilit at puwersahan niyang pinapasok ang kanyang pagkalalaki sa akin. “Huh?!? Virgin ka pa??? Paano nangyari yun?” bulong ng lalaki. “May virgin bang prosti??” Subalit tila hindi na rin mapigilan ng lalaki ang kanyang pagnanasa ay ipingpatuloy niya ang pag pasok sa akin pero dinahan dahan na niya iton ginawa hanggang sa mawala na ang sakit. Nang maabot niya ang sukdulan, isang malakas na ungol ang kanyang pinakawalan, “Ahhhhh??? You are one of a kind!” sabi ng lalaki.
Tumulo ang luha ko sa paglapastangan sa aking pagkababae. Ano ang magagawa ko? Napakalaki at matipuno ang lalaking ito. Baka kung magsisisgaw ako sa kuwarto ay patayin ako nito. N*******d ay tumakbo ako sa banyo at nagkulong. Baka kung ano pa ang gawin sa akin ng lalaki. Pinakiramdaman ko ang lalaki sa kuwarto. Tahimik at parang nagbibihis ito. Narinig ko ring tila may kausap siya sa cellphone. “Pare, sulit ang pinadala mo! Hindi ako makapaniwala. Marunong ka talagang pumili!”
Biglang mapasigaw ang lalaki sa sinabi ng kanyang kausap, “Ano??? Wala kang pinadala rito? E, sino ang babaeng ito?”
Sa huli, parang nagmamadaling lumabas ng kuwarto ang lalaki. Ang pagsara ng pinto ng kuwarto ang aking narinig. Umalis na siguro ang lalaki. Sumilip ako sa labas mula sa banyo at tila wala nga ang lalaki. Lumabas ako ng banyo at nilock ang pintuan ng kuwarto, saka ko inipon ang aking mga damit. Sa mesita sa tabi ng kama ay may naiwan ang lalaki, isang mamahalin at gintong ballpen na may initals na JJ at isang sobreng may lamang beinte mil na pera.
Napaupo ako sa gilid ng kama at umiyak. “Anong palagay niya sa akin p****k girl? Beinte mil lang ba ang kabayaran sa aking virginity?” sabi ko sa sarili na halos umatungal sa iyak. Pagtayo ko sa kama ay nakita ko ang bahid ng dugo na nagpapatunay ng aking virginity. Muli na naman akong umiyak na halos mabaliw na.
Nang mahimasmasan na ako at parang wala ng luhang aagos pa sa aking mga mata ay tinawagan ko ang aking Kuya Phillip sa aking cellphone. “Kuya Phillip sunduin mo ako dito sa Shangrila Makati Hotel! Ngayon na please!!” sabay iyak.
“Bakit ka nandyan? Hindi ka ba umuwi kagabi? May nangyari ba sa iyo?” tulirong sagot ni Kuya Phillip. “Huwag kang umalis dyan! Dadating na ako! Anong room number mo?”
“Room 1105. Bilisan mo kuya, please!!!” sabi ko habang umiiyak.
Habang hinihintay ko si Kuya Phillip ay nagshower na ako. Sa shower, patuloy ang aking pag-iyak at panay ang sabon at kuskos ko sa aking katawan na para bang ang dumi dumi ko. Nais kong maalis ang bakas ng nangyari. Nagbihis na ako,naupo sa tabi ng bintana ng nakatalungko at tulalang tinatanaw ang pagbukang liwayway.
“Ang daming babae na pwedeng mangyari ito, bakit sa akin pa? Hindi ako nagkulang ng dasal . Hindi rin ako masamang anak? Bakit????? Paano na ito? Baka mabuntis ako dahil sa nangyaring ito? Isang malaking kahihiyan para sa pamilya ko ito!” sabi ko sa sarili. “Ano ang gagawin ko?”
Biglang nag ring ang cellphone ko. “George, walang tao sa room 1105! Nasaan ka ba?” tanong ni Kuya Phillip. “Nasa lobby ako ng Shangrila!”
“Ha? Sa room 1105 ako nagkabook!” sabi ko. Pumunta ako sa pintuan, binuksan ito at nakita kong room 1103. Hala! Mali ang pinasukan kong kuwarto! “Kuya, room 1103 ka pumunta!”
Pagkaraan ng halos ten minutes ay may kumatok sa pintuan ng hotel. Dahan dahan akong lumapit ako sa may pintuan at sinilip kung sino. Baka bumalik ang lalaki. Pagsilip ko sa peephole ng pintuan ay nakita ko ang Kuya Phillip ko. Dalidali kong binuksan ang pintuan at mahigpit na yumakap sa aking kuya. “Kuya!!!!” sigaw ko habang umiiyak.
“Bakit? Ano ang nangyari?” tanong ni Kuya Phillip.
Itinuro ko ang kama at mesita habang umupo ako sa may upuan malapit sa bintana ng hotel. Lumapit si Kuya sa kama at nakita niya ang bahid ng dugo sa kubre kama. “Putang-ina!!! Sino ang gumawa nito sa iyo?!?! Magsalita ka!!” galit na sigaw ng kuya ko. “Pinaka-ingat ingatan ka namin tapos ganito ang mangyayari sa iyo? Kilala mo ang may gawa nito?” maiyak-iyak sa galit na sabi ni kuya.
Tahimik pa rin akong umiiyak. Lumapit sa akin si Kuya Phillip at niyakap ako. Pilit niya akong inaalo at pinapayapa. “Shhhhh... tahan na.” malumanay niyang sabi habang tinatapik tapik ang aking likod.
Nang mahimasmasan ako ay saka ko ikinuwento ang nangyari. Dahil tipsy na ako ay nagpasya akong dito na lang sa hotel matulog. “Hindi na ako nagpasundo sa iyo kasi pagagalitan mo ako. Nagtataka rin ako kung bakit bukas ang pintuan ng binook kong kuwarto pati na rin ang aircon. Hindi ko na ito pinansin dahil nahihilo ako sa kalasingan. Mali pala ang pinasukan kon kuwarto.” sabi ko. Tapos nangyari na nga ang pagmolestya sa akin. Itinuro ko rin ang naiwang ballpen na may initials at ang pera sa sobre. “Napagkamalan yata akong prosti.” dagdag ko.
“Tama na ang pag-yak. Ako na ang bahala! Huwag kang mag-alala aalamin ko ang pagkakakilalan ng hayup na lalaking iyon.” galit at gigil na sabi ni kuya.
“Kuya, huwag na lang. Baka mapahamak ka! Isa pa, isang malaking kahihiyan ito sa ating pamilya. Kilala ang pamilya natin, baka alipustain tayo ng mga kakilala natin! Mapapahiya sina Mama at Papa, pati na rin kayo ni Kuya Hunter. Hayaan mo nang sarilinin ko ang trahedyang ito. Sana hidi ako mabuntis sa malagim na pangyayaring ito dahil kung magbubunga ito, hindi ko ito kakayanin. Baka magpakamatay na lang ako para hindi kayo mapahiya!
“Huwag kang magsalita ng ganyan! Mahal ka namin at hindi ka namin pababayaan!” payo ni kuya. “Lakasan mo ang loob mo at nasa tabi mo ako. Halika na umuwi na tayo.” Inalalayan ako ni kuya sa pagtayo, pero bago kami umalis ay kinuha kong ang iniwan ng lalaki na pera at ballpen pati na rin ang kumot na may bahid ng dugo ko.
“O bakit kinuha mo pa yan?” tanong ni kuya.
“Ebidensya, kuya. Sakaling mahanap ko siya, pananagutin ko siya sa kanyang kalapastanganan!” sagot ko.