Chapter 3 – Marumi na ako! Sino pang lalaki ang papatol sa akin?
Bago kami tuluyang umuwi ng bahay ay pinakain muna ako ni kuya sa isang fastfood chain. “Kumain ka muna para maylaman ang tiyan mo.” sabi ni kuya.
“Wala akong gana, kuya.” sagot ko.
“Kahit itong black coffee, inumin mo para mainitan ang tiyan mo.” alok ni kuya.
Sinunod ko naman si kuya subalit kahit anong pilit kong uminom ay parang may nakabara sa aking lalamunan.
Maaga pa ng dumating kami sa bahay. Tahimik pa ang lahat kaya't tuloy tuloy na ako sa aking kuwarto. Maya maya ay sumilip ang kuya ko sa kuwarto. “Are you alright? May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo? Binugbog ka ba niya? Baka may pasa ka sa katawan? Gusto mo ipa-duktor kita para makapagsampa tayo ng reklamo sa mga pulis?” sunod-sunod na tanong ni kuya.
Muli na naman akong umiyak. “Ayoko kuya! Ayoko!!! Isang malaking kahihiyan ang idudulot nito sa ating pamilya!” palahaw kong sabi.
Niyakap ulit ako ni kuya at pilit na inaalo. “Kung iyan ang pasya mo, sige. Alam kong traumatic sa iyo ang nangyari pero ipangako mo sa akin na hindi ka mag-iisip o gagawa ng bagay na ikapapahamak mo. Maawa ka sa mga magulang natin.” payo ng Kuya Phillip ko.
“Oo kuya, pangako.” sabi ko sabay tingin sa kanyang mga mata.
“Basta tandaan mo, pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Sige magpahinga ka na.” paalam ni kuya.
Tanghali na ng gisingin ako ng Mama ko. “George! Gising na! Tanghali na!” sabi ng Mama ko habang nyuyugyog ang balikat ko. “Kakaain na tayo ng tanghalian! Sumunod ka na sa kumedor.”
“Opo, Ma.” sagot ko. Bumangon ako na sobrang sakit ng katawan ko. Bukod kasi sa championship ng basketball namin kahapon, may iba pang masakit sa akin. Nagshower muna ako at kagaya kaninang madaling araw, umiyak na naman ako ng maalala ko ang pagrape sa akin. Kuskos, sabon, banlaw ang ginawa ko sa aking katawan ng paulit-ulit. Para bang ang dumi dumi ko at nais kong linisin...alisin ang mga bakas ng pagrape sa akin.
Pagbaba ko sa hapag kainan, wala akong ganang kumain. Tanging tubig lang ang aking ininom. “O, bakit hindi ka kumain? Paborito mo pa naman ang pinaluto ko, sinigang na pata.”
“Wala akong gana, Ma. Masakit lang ang katawan ko.” sabi ko.
“Ano nga pala ang nangyari sa basketball championship ninyo kahapon?” tanong ng Mama ko.
“Nag champion po kami, Ma.” sabi ko.
“Ganun naman pala! E bakit para kang malungkot? Para kang namatayan diyan.” pabirong sabi ng Mama ko. “Di ba sabi ng Coach ninyo, magbabakasyon ang buong team ninyo sa Hongkon pag nag champion kayo?”
“Wala po ito, Ma. Masakit lang talaga ang buo kong katawan.” malungkot kong sabi. “Baka hindi na po ako sasama sa Hongkong. Dito na lang ako sa bahay tutal tapos na ang school year.”
“Ha!!!! Hindi ka sasama? Excited ka pa nga noon ng malaman mong ang premyo sa inyo kapag nag champion kayo ay trip to Hongkong! Tapos ngayon hindi ka sasama?” nagtatakang tanong ng Mama ko.
“Iyon po ang gusto ko, wag nyo na akong tanungin pa!” padabog kong sagot sabay akyat sa aking kuwarto.
Sa aking kuwarto, maghapon akong nakatulala na nakatanaw sa labas ng bintana. Paminsan minsan ay umiiyak. Ang hindi ko namalayan ay biglang pumasok si Mama sa kuwarto ko at dinatnan akong nakatalungko at umiiyak.
“Anak, may nangyari ba? May problema ka ba?” malumanay na tanong ng Mama ko habang inakbayan ako.
“Mama, wala po ito. Huwag po kayong mag-alala. Wala po ito.” sagot ko.
“Hindi ka nananghalian kanina, may inakyat akong juice at sandwich, kumain ka.” paalala ng Mama ko at lumabas ng ng kuwarto.
Pasado alas diyes na ng gabi ng pumasok ang Kuya Phillip ko sa aking kuwarto. Dinatnan niya akong nakatalukbong ng kumot na akala mo ay bata na takot na takot sa momo. “George, tulog ka? Hindi ka raw kumain maghapon sabi ni Mama. Nakita ka pa raw niyang umiiyak na nakatulala. Nag-woworry si Mama.” sabi ni Kuya Phillip.
Maya maya ay pumasok rin sa kuwarto ko ang aking Papa at si Kuya Hunter. “George! Congrats! Kayo pala ang nag champion sa UAAP!” excited na pambungad ni Kuya Hunter.
“I am so proud of you, Georgina! Ikaw na naman ang highest pointer. Sorry hindi kami nanood pero panonoorin namin ang replay! ” bati naman ng Papa ko. “O bakit namumugto ang mga mata mo! Umiyak ka ba? May problema ba?
“Hindi po namumugto yan! Maghapon lang akong natulog dahil sobrang sakit ng katawan ko.” katwiran ko sabay tingin kay Kuya Phillip. “Salamat po sa pagbati.”
“Sige po, magpapahinga muna ako!” sabi ko sa kanila para lumabas na sila ng kuwarto ko.
Lumabas na sila Kuya Hunter at Papa ko sa kuwarto pero naiwan si Kuya Phillip. “Gusto mo samahan kita dito sa kuwarto mo para hindi ka matakot?” tanong ni Kuya Phillip.
“Hindi na kuya, kaya ko ito.” sagot ko.
“Yung paalala ko sa iyo, wag na wag kang gagawa ng masama. Kungano man yang nasa isip mo, wag mong ituloy! Nandito kami para sa iyo!” paalala ni Kuya Phillip.
Buong gabi akong di nakatulog sa kakaisip ng nangyari sa akin. Wala na akong kuwentang babae, marumi na ako. Sino pang lalaki ang papatol sa akin? Paano kung mabuntis ako? Dagdag problema at kahihiyan na naman yun. Magpakamatay na lang kaya ako para hindi mapahiya ang pamilya ko sa nangyari sa akin lalung lalo na ako.
Sa aking pagtulog ay muling kong napanaginipan ang rape na nangyari kaya pabiling-biling ako sa higaan habang umiiyak. Nagpasya akong magising na lang upang hindi ko na mapanaginipan ang nangyari.
Chapter 161-Mamahaling Regalo!Tinanghali kami ng gising ni James kinabukasan. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatitig sa akin si James.“Good morning, wifey!” bati sa akin ni James sabay halik sa aking pisngi. “Alam mo? Maganda ka pa rin kahit natutulog ka!”“Good morning, husband!” bati ko rin kay James pero dahil naka-dantay ang isang hita ko sa kanyang katawan at ang isang braso ko ay nakapatong sa kanyang dibdib, ginalaw-galaw ko ang mga ito na parang nanunukso.“George? What are you doing?” tanong ni James.“Isa pa?” maikling pakiusap ko sa kanya.“Isa lang? Dalawahin na natin!” pilyong sagot ni James. Kaya naulit muli ang aming pagtatalik. This time no holds bar na kami at anything goes!Ang resulta? Tanghali na kami nakapasok sa aming mga opisina. Unang hinatid ng driver namin sa James sa kanyang opisina.Habang nasa biyahe kami, “Alam nyo mam? Ang suwerte ni Sir sa inyo! Maganda, matalino at mayaman!” sabi ni Ruel na driver namin.“Hindi! Ako ang suwerte kay Jame
Chapter 160 – Kung Alam ko Lang!“We have a basketball court?” tanong ko kay James.“Opo, pero half court lang! Para sa iyo.” sagot ni James. “Gusto mong maglaro tayong dalawa ngayon!”“Why not!?!” Kaya mo ba akong talunin?” hamon ko kay James. “Nasaan ang bola?”“Nandito lang yun! Kasama iyon nung binili ang board.” sabi ni James. Nakita naman niya ang bola.Naglaro nga kami ni James ng basketball habang si JJ naman ang taga-cheer! Iniikot-ikutan ko lang ng pagdidribble ng bola si James. Hindi niya ako maharangan hanggang sa nai-shoot ko ang bola. Kapag hawak naman ni James ang bola ay man to man ang pag-guwardiyang ginagawa ko na halos idikit ko na ang katawan ko sa kanya kaya nadidistract siya. Kapag nawala na siya sa focus ay naaagaw ko ang bola sabay shoot! Nang ako naman ang nag-dribble ng bola ay niyakap niya ako para hindi ako makagalaw! “Foul!” sigaw ko. “Holding foul ka and that is a personal foul!” “Foul na kung foul! Basta gusto kitang kayakap!” tatawa-tawang sab
Chapter 159-Pinagtagpo ang Mag-ama.Biglang pumasok ng kuwarto si Paul ng hindi man lang kumakatok kaya nakita niya ng halikan ko si James. “Sorry! May nagpi-PDA pala dito! Kumusta na si JJ?” tanong ni Paul dahil nakita niyang tulog na ito.“JJ is fine! Lalabas na nga siya ng ospital bukas!” sagot ko. “Teka, paano mo nakilala si JJ?” Ano yang papel na hawak mo?”“Ha?..A...e..Para kay James ito!” sagot ni Paul sabay abot kay James ng papel kaya bigla itong tumayo mula sa sofa. Binasa niya ang papel sa tabi ng bintana para maliwanag. Nagpabago-bago ang ekspresyon ng mukha ni James. Lumapit ito sa akin at bigla akong hinalikan sa bibig.“Whoa!!! Hello??? Nandito pa ako!” gulat at parang nahihiyang sabi ni Paul.“Salamat!!!” sabi ni James sa akin pagkatapos niya akong halikan. Samantalang si Paul na tila nahihiya ay tinitigan ang natutulog na si JJ.“James? Di ba siya yung bata sa Makati Sports Plaza noon na lumapit sa iyo. When was that? One year ago?” tanong ni Paul kay James. “Si
Chapter 158-Do the Math!Nabuhayan kaming lahat ng loob, lalo na ako, ng magising at magsalita si JJ. Lahat kami ay naluluha sa galak.“JJ, Mommy is here!” sabi ko kay JJ sabay haplos sa kanyang buhok.“Daddy is also here, son!” sabi naman ni James.“Mommy, Daddy!” mahinang sagot naman ni JJ.“Uncle Phillip, don't let Mommy and Daddy be separated! I love them both !” pakiusap ni JJ sa Uncle Phillip niya. “I just had my Daddy, please!”“JJ, nobody is separating. I am mad at them because they are both hardheaded! They love each other, and yet they don't want to be together!” paliwanag ni Kuya Phillip.“You see son, love is complicated!” sabi ko sa kanya.“Then, uncomplicate it! It's simple!” sabi ni JJ.“Para naman kaming sinampal ng anak namin. Eto kami, matatanda at may-isip na, pero mas may-isip pa pala ang anak namin!” nangingiting sabi ni James. “Don't worry son, from now on, I will be staying at Mommy's house until our new house is finished.”Talaga, Daddy? Yeheyyyyy!!!!
Chapter 157- Maghiwalay na!“Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ni George noon, hindi sapat ang paghingi ng tawad lang!” sabi ni Kuya Phillip. “Ako ang naging piping saksi sa lahat ng nangyari sa buhay ni George mula sa hotel kung saan nangyari ang ginawa mo sa kanya hanggang sa ipanganak niya si JJ.“Pinanganak nya si JJ??” nanlulumong sabi ni James sa sarili. “Nag-iisa sya at wala ako sa tabi niya?”“Alam mo ba ang hirap at sakit na pinagdaanan ni George na ikaw lahat ang may gawa? Hindi ito alam nina Papa, Mama at Hunter! Muntik ng mamatay si George dahil sa overdose ng sleeping pills, muntik na rin siyang mamatay ng saksakin siya ng tao mo sa opisina, muntik na rin siyang mamatay ng ipanganak niya si JJ sa Aklan. Lahat ng iyon ay dahil sa iyo!” pahayag ni Kuya Phillip. “Lahat ng iyon ay matapang na hinarap ni George ng mag-isa. Sabi ko nga sa kanya, ang mga kasawian at problema niya ang nagpalakas sa kanya. Hindi siya magiging ganito ngayon kung hindi siya pinatapang ng mga
Chapter 156-Anak ni JamesPagpasok ni James sa kanyang opisina kinalunesan ay tinawagan niya si Paul. “Hello, Paul! May request sana ako sa iyo, pare. Alam ko kasing marami kang contact sa mga ahensiya ng gobyerno. May kakilala ka sa Philippine Statustics Office?” tanong ni James.“Bakit? May ipapahanap ka bang tao?” sagot ni Paul.“Meron sana!” sabi ni James. “Natatandaan mo yung batang lalaki sa Makati Sports Club noon na ang sabi mo ay kamukha ko? Could you check yung birth certificate nya? Kung puwede, kumuha ka na rin ng kopya? Hindi ko alam ang birth date niya, Birth year siguro. Pero alam ko ang kumpletong pangalan nung bata at ng mga magulang niya.”“Hindi ako sure kung mareretrive ang birth certificate ng bata. Normally kasi, dapat alam mo ang kumpletong pangalan ng bata, birth date, birth place, at pangalan ng mga magulang.” paliwanag ni Paul. “Anyway, susubukan ko doon sa kakilala ko. Ano ang pangalan ng bata?“Ang pangalan ng bata ay James John Razon Vergara. Taong