Matapos ang pagtigil nila Kute at Carlitos sa bahay nito sa Maynila ay sinabihan siya ng huli na maghanda dahil babalik daw muna sila sa Cebu.
Ayon dito, may property siya na gusto niyang ibenta at sa Cebu nila kakausapin ang interesadong buyer nito.
Hindi naman nagtanong si Kute dahil ayaw niyang magduda sa kanya si Carlitos. Kailangan niyang magpanggap na masunurin sa lahat ng ipapagawa o ipag-uutos sa kanya ng binata.
Sa ngayon, hindi pa siya naisasama ni Carlitos sa mga negosyo niya na pinaniniwalaan ng samahan na illegal. Ayaw niyang ipakita ang interes dito dahil gusto niyang makuha ng buo ang tiwala ni Carlitos.
Alam naman kasi niya na hindi pa ganun ka-buo ang tiwala nito sa kanya dahil may mga lakad ito na hindi siya isinasama.
“Pero kung ayaw mong sumama, you can stay here!” sabi ni Carlitos habang kumakain sila ng agahan
Mabait naman si Carlitos sa kanya at binubusog siya sa mga materyal na bagay.
She needs him to see na wala siyang pakialam sa mga negosyo at lakad nito and