Gusto sanang umiwas ni Kute dahil natanaw niya si Troy na may kasamang isang magandang babae pero dahil huli na at nakita na di siya nito ay wala na siyang magawa.
Hindi niya mapigilang masaktan pero pilit niyang binalewala iyon dahil wala naman siyang karapatan lalo at tinalikuran niya na si Troy.
She faked a smile at nakita niya ang inis sa mukha ni Troy nung magkasalubong na sila.
“Hello Mr. Celestino!” bati niya dito kaya lalong umasim ang mukha nito
Nakatingin naman sa kanya ang babae from head to foot kaya medyo intimidated siya.
“Hello!” matabang na sabi ni Troy sa kanya and it killed her nung akbayan ni Troy ang babaeng kasama nito
Pero dahil magaling siyang magtago ng emosyon ay nagmukhang balewala sa kanya ang gesture ng binata sa babae.
“By the way, this is Phia, Phia this is Kute! Kaibigan siya ni Jorge!” pakilala ni Troy sa dalawang babae
Parang piniga ang puso ni Kute sa paraan ng pagpapakilala ni Troy sa kanya.
Kaibigan ni Jorge!
Ni hindi man lang sinabi na kaibigan n